Holo late na ako... Mababatukan nanaman ako nito ng mga bandmate ko ei..."violet pasaway ka talaga! bakit ka kasi nag puyat? yan tuloy tanghale kana nagising tapos nakalimutan mo pa yung meeting nyo...naku naman!"
beep beep!!!!
paki ko sayo! maluwag ang daan dun ka sa gitna! nagmamadali ako...kailangan ko ng taxi at malelate na ako.!
beep beep!!!
bahala ka jan di ako tatabi! kahit bumusina ka dyan ng bumusina bumusina. Kailangan ko nang makasakay ng taxi.
beep beep!!!
nye nye wala kong naririnig!
beep beep!!!
abat! nang iinis talaga ang kotseng to...isa pang busina at mabubulyawan ko na ang driver nito. Ke laki laki ng kalsada dito pa sa likod ko gustong dumaan!
beep beep!!!
ok fine! marahas kong nilingon ang kotseng kanina pa busina ng busina sa likuran ko. Sisigawan ko na sana ang driver nito ngunit, subalit , datapwat napagtanto ko kung sino ang may ari ng kotseng iyon at siguradong ako ang mabubulyawan niyon..
"ikaw!" pigil na pigil niyang sabi sa akin habang ako ay kiming kiming nakayuko lamang. Fishcat kasi...bakit kasi hindi nalang ako lumingon agad nung unang beses palang syang bumusina...violet....calm down...mabait yan!
"sakay!" halos pasigaw niyang sabi sakin at ako naman parang tutang takot sa amo. Pumasok na ako ng kotse at duoy nanahimik. Grabe ang bango ng kotse ni Shade...parang pangbabae kung ayusin yung loob ng kotse nya...Si Shade ay isa sa mga kabanda ko na sobrang sungit pero deep inside mabait. At paniguradong mabubulyawan na naman ako nito...naghahanap lang yan ng tsempo para pagalitan ako.
" ala mo bang kanina pa ako busina ng busina sayo pero hindi ka lumilingon!" sabi sa inyo ei..bubulyawan nya nanaman ako ei.."bingi kaba talaga?"
gosh di kaya ako bingi...eh sa ang akala ko kung sinong makulit na driver lang. Malay ko ba kung pinagtitripan lang ako nun.
"Five minutes! five minutes na tayong late! Gawd Violet hindi kana nag bago!"
tingnan mo tong si Shade...daig pa tatay ko kung sermonan ako...si papa ko nga di ako masermonan tapos sya kung magalet kala mo ang laki laki na ng kasalanan ko. Hoy Shade ka! baliw ka alam mo ba yun. Pasalamat ka at gwapo ka...oooppsss did i say gwapo? Sorry! nadulas lang ako. Ok lang di mo naman naririnig kasi sa isip ko lang ang lahat ng mga pinagsasabi ko sayo....
Nakarating kami sa patutunguhan namin na ganun lang. Sinisigawan at binubulyawan nya ako tapos ako hindi makaimik. Di ko man lang naipagtanggol ang sarili ko pano totoo lahat ng sinabi nya.
Tapos eto na ang kasunod. Akala nyo ba tapos na? syempre hindi pa. Sesermonan pa ako ni Maneger Charlie...ayan na palapit na sya. Be ready my dear ears...isang mahaba habang seremonya na naman ito.
At yun nga as expected...pinagalitan ako ni maneger Charlie...kesyo ganun, kesyo ganito, tapos ganyan, tapos ganito. Grabe muntik nang mabasag ang ear drums ko. At pag katapos ng mahabang sermonan session ay dumeretso na kami sa press con. kala ko kung anong meeting lang yun pala mag papapresscon si maneger para sa pagdating namin dito.
Ayun, nag simula na ang press con at nag simula na ding mag tanong ang press ng mga walang kwentang bagay at syempre sinasagot naman namin yung mga tanong kahit walang kwenta. May nag tanong nga ng " how do you find Philippines?" tapos sinagot ko ng "of course were all Filipinos so we find it better here than living in other country." tapos sagot ng press " oh? i thought all of you are foreigner" kaloka talaga to!
Meron din namang nag tanong ng may sense tulad nung isang to. " aside from being sucessfull musician, what are the things that all of you want to celebrate? " at dahil may sense ang tanong nya sinagot ko din sya ng may sense... " weve been through a lot. Theres a lot of things in this world for us to struggle enough just to keep it. We lost we won. In game of life nothing is perfert but i think Maybe being grateful means recognizing what you have for what it is. Appreciating small victories. Admiring the struggle it takes to simply be human...At the end of the day, the fact that we have the courage to still be standing is the reason enough to celebrate."
Natapos ang press con sa isang tanong. " kelan gaganapin ang concert nyo?" and the answer is....tentenententen!!! " soon!"
Pauwi na kami ngayon...at syempre hinatid ako ni Shade pero hindi naman ako binubulyawan. Tinanong ko nga sya kung bakit nya ako sinundo kanina at ang sagot nya?
"alam ko kasing malelate ka kaya sinundo kita kaya nga lang ang hindi mo ako napansin sa may pintuan ng bahay mo at agad agad kang tumakbo sa kalsada para mag abang ng taxi. Tapos busina ako ng busina pero hindi ka man lang lumingon, grabe ka talaga. Uminit tuloy ang ulo ko. Sorry huh!" tapos nag smile sya sakin... Ayiiieeee....syempre hindi ako galit ikaw ba naman ngitian ng isang Shade Lancelot Yuen ay kikiligin ka talaga eh pag kagwapo gwapong nilalang kaya nito. Kung wala nga akong boyfriend baka naging crush ko na ang masungit na to ei. Teka masungit ba talaga to? Sabagay...minsan lang naman ngumiti yan kaya hayaan na.
SHADE'S POV
Pag kahatid ko kay Violet sa bahay nya umuwi na din ako. Grabe talaga ang babaeng yun...Sobrang nakakainis but at the same time it feels great whenever im with her kaya nga lang may boyfriend na sya at alam kong mahal na mahal nya ang lalaking yun.
" Violet Dy...why'd you always turning my world into upside down?"
sinulat ko sa note book ko ang mga naisip ko...
ive been spending sometime
thinking ill be alright
dont know if i could reallly make it tonight?
minsan hindi ko na kilala ang sarili ko dahil sayo. Dahil sayo marunong na akong ngumiti at dahil sayo ang dami ko nang naisulat na kanta para sa next album natin at dahil din sayo kaya halos mabaliw baliw ako ngayon sa kakakausap sa sarili ko.
bakit kasi ang manhid manhid mo? Hindi mo manlang napapansin lahat ng ginagawa ko sayo. Dati bingyan kita ng chocolate, ng flowers ng kung ano ano pero wala lang sayo yun. Hay! Violet...isa kang dakilang manhid.
youre turning me on
youre turning me around
you turn my whole world upside down.
Grabe...baliw na yata ako...
Matutulog na nga lang ako...baka sakaling bukas ok na ako.
" Maybe being grateful means recognizing what you are for what it is. Appreciating small victories. Admiring the struggle it takes to simply be human...At the end of the day, the fact that we have the courage to still be standing is the reason enough to celebrate" -Meredith Grey.
.....................
comments?