SHADES POV
Im starting to move on. Hindi ko na siya masyadong iniisip at halos di ko na din siya masyadong hinahanap di katulad nung dati na kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Although paminsan minsan ay namimiss ko pa din siya pero hindi na like before na ayokong mawala siya sa paningin ko, na gusto ko halos araw araw, minuminuto o kahit na sigusigundo ay gusto ko siyang makita. I think...hindi talaga love ang naramdaman ko for her. I think...it was just an infatuation. More than a crush but less than love.
Were not destined for each other, i love you but you love someone else, i dont want to be hurt by my onesided love thats why i want to get rid of my feelings for you.
Ininom ko ang huling shot ng alak sa baso ko.
"after this very night ill forget you"
yun ang huling salitang sinabi ng gabing iyon, and after that, everything went black.
darrrrnnnnn....headache!
Dirediretso akong pumasok sa condo unit ng banda namin. Pumunta akong kusina at kumuha nga malamig na tubig at saka ibinuhos iyon sa aking ulo na kanina pa nananakit.
" ang tubig sa ref ay para inumin, hindi para ipaligo" narinig ko ang isang boses galing sa likuran ko. Tinanya ko muna ang aking sarili bago ko siya nilingon. Mahal ko pa ba siya o hindi na.? Dahan dahan ko siyang nilingon. Alam ko na ang sagot.
"pasensiya na po...papalitan ko nalang" nilagyan ko ulit ng tubig ang pitsel saka binalik sa ref.
Bakit kaya hawak niya ang kutsilyo?
Umupo ako sa upuan sa harap niya. Pinagmasdan ko ang muka niya. Parang may kakaiba sa kanya. Parang...
"problema mo? " ang taray niya talaga. May problema nga.
" w-wala.. " katakot naman ang babaeng ito. Nasobrahan sa katarayan.
"bakit mo ako tinititigan?" bakit ko nga ba siya tinititigan? wala lang...
"k-kasi..." bakit ba ako kinakabahan? lingon sa kanan. Lingon sa kaliwa. "alam mo kasi.. parang kakaiba ka" tinaasan lang niya ako ng kilay. "hindi ka kasi maaga magising, alam mo yun?"
"hindi kasi ako makatulog"
hindi siya makatulog? bakit naman kaya? may problema kaya siya? May iniisip ba siya or what?
Arrrrggggghhhhh! I want to move on so please brain stop thinking of what of her.
tinitigan ko ang muka niya...sheeeettt shes so beautiful...
i said move on!
ginulo ko ang buhok ko habang inuuga ang ulo ko na parang nag shashake at nag hehead bang. Konti nalang iuuntog ko na ang ulo para lang tumatak sa isip ko na mamomove on na ako.
"hang over?" oo may hang over ako dahil sayo. Gusto kasi kitang kalimutan kaya nag inom ako kagabi at nangako akong kakalimutan ang kung ano mang nararamdam ko para sayo.
Gustong gusto kong sabihin iyon sa kanya pero hindi ko ginawa. Isinaisip ko nalang ang mga iyon. Baka kasi tarayan pa niya ako pag sinabi ko iyon sa kanya.
"ahhh...oo...naparami kasi ang inom ko kagabi" hindi lang madami, madaming madami. Kasalan mo kasi yun. Alam mo ba yun?
" Shade...Kate is your first love, right?" tanong niya sakin...first love ko nga ba si Kate? Ano bang meron samin ni Kate noon? Wala naman diba? Nag assume lang ako noon na siya si Vhy vhy. Sabi niya rin kasi na siya yun so nag expect ako but later on nalaman kong ibang tao pala siya.
" nope! hindi si Kate ang first love ko" dahil ang mahal ko ang nasa harapan ko ngayon.
Arrrrrggggghhhh.... I said move on.