Hands Down
by: ethernity
CHAPTER I: hello world
" good bye England...Hello Philippines!" kakababa lang namin sa eroplano galing Englatera at ngayoy nandito na ulit kami sa Pilipinas. Grabe! Namiss ko ang lugar na ito. Sila kaya namiss din ako? Syempre naman siguro diba? Tagal ko kayang nawala.
Kasama kong umuwi ng Pilipinas ang mga kaibigan ko/ kabanda/ katrabaho /kabarkada ko na sina Shade, lead/ rythm guitarist/ vocalist, Dino, drummer, cxyber, basist. Kasama din namin ang manager namin na si Sir Charlie at girlfriend nyang si ate Leah.
Sa isang hotel kami tumuloy para makapag pahinga tapos kinabukasan na kami uuwi ng mga bahay namin. Ako? Ayoko pang umuwi. Kailangan kasi naming magkita kita ulit bukas ng hapon kaya di ko masusulit ang pag uwi ko sa bahay. Tutal may bahay naman ako dito sa Maynila, dun nalang muna ako uuwi. Ihahanda ko narin yung mga dadalhin.kong pasalubong para sa family ko at sa boyfriend ko.
Hay! miss ko na talaga ang boyfriend ko! Kumusta na kaya si Harvey? Tatawagan ko nalang sya.
Dinayal ko na ang number nya sa phone. Pag katapos lang ng tatlong ring ay sinagot na agad ito.
(hello?)
" hello Harvey? miss na kita!"
(violet! kumusta kana dyan?)
"ok lang ako...may surprise pala ako sayo pag uwi ko."
( a-ano yun)
"surprise nga diba? so bawal sabihin!"
( kelan kaba uuwi? may sasabihin sana ako sayo )
"malapit na akong umuwi! bakit miss mo na ba talaga ako?"
(h-huh? o-oo naman miss na kita! isang taon kaya kitang hindi nakita!)
"talaga? sige bibilisan kong makauwi dyan!"
( basta bago ka umuwi mag sabi ka muna huh!")
"ok!"
(o sige na bye bye na)
"ok ! love you!"
pinatayan ako? nag mamadali siguro.
Anyway! maghintay kalang dyan Harvey....next week magkikita na tayo!
ano kayang sasabihin nya saken? mag popropose na kaya sya?
"waaaaaaaahhhhhh!!!!" kinikilig ako!
pano kaya sya magpopropose? luluhod kyasya sa harap ko at sasabihing "Violet Dy...will you marry me?"
waaaaaahhhhh nakakakilig! tapos sasagutin ko sya ng? pano ko nga ba sya sasagutin? ganito kaya; "of course i will marry you" hmmm...panget! ganito nalang..." yes!" sabay yakap sa kanya..o kaya naman...in Violets way! "ano kaba Harvey ! tinatanong paba yan.?"
" hoy Violeta! ngiting ngiti ka dyan" kilala ko ang boses na iyon....kung hindi ako nag kakamali... agad kong nilingon ang pintuan. Sinasabi ko na nga ba! Sa kanya ang boses na iyo. Sa babaeng epal lagi sa buhay ko pero labs na labs ko....ang bestfriend ko...
" charrie.....imissyou!" niyakap ko ang bestfriend ko ng sobrang higpit para hindi na sya makahinga at tuluyan na syang mabura sa mundong ibabaw. de joke lang niyakap ko lang sya...na miss ko yan eh.
" kumusta kana?"
"eto ok lang! nagkita naba kayo ni Harvey?"
"hindi pa nga ei...gusto ko sana syang surpresahin next week kaya di ko sinabing nakauwi na ako."
"ganun ba? for sure masosorpresa talaga sya at masosorpresa kadin sa kanya..."
"talaga?"
"uhhmmm! basta best...nandito lang ako huh...one door apart lang tayo sa if you need someone to talk to puntahan mo lang ako"
medyo naguluhan ako sa sinabi nya pero hindi ko nalang yun pinansin. Ang dami ko kasing kwento sa kanya kaya ayun...chismisan to the bones kami. Dito ko na nga sin sya pinatulog para sulit naman yung kwentuhan namin dahil bukas ng hapon ay may meeting nanaman kami at siguradong hindi na kami makakapag kwentuhan bukas.
CHARRIE's POV
tulog na si Violet. Sa tuwing nakikita ko sya di ko maiwasang hindi mag alala. Mahal nya si Harvey at kahit gustong gusto kong sabihin sa kanya ang totoo hindi ko magawa. Mas mabuti kasi kung sya mismo ang makakaalam nun. At mas maganda kung kay Harvey nya mismo iyon maririnig. You deserve someone better than him Violet. I wish you luck.
HARVEY's POV
kakatapos ko lang makipag usap kay Violet sa phone... Hindi ko alam ang gagawin ko. Miss ko na sya pero di ko pwedeng talikuran ang resposibilidad ko.
"babe! nasabi mo naba?"
"hindi pa pero promise sasabihin ko na"
"promise yan huh"
"promise"
promise kahit hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sayo. Mahal ko sya pero may responsibilidad ako sayo. Anong gagawin ko?
...................................................................