Chapter 4

18 4 7
                                    

Shica's POV

natapos na lahat ng boring naming lecture at sa wakas uwian na..andito na kami ngayon sa labas ng gate para hintayin ang sundo naming tatlo..

at kahit uwian na may pagka bad mood pa rin akong nararamdaman..hindi naman kasi ako madaling makalimut..mga hinayupak kasi ang mga tao na yun eh..

"hay naku sister uwian na dapat masaya ka na jan noh!" iritang sabi sakin ni Bianca

"oo nga..noon nga pag uwian na halos magtatatalon ka na sa saya dahil uwian na tapos ngayon nakasimangot ka jan!!tsk tsk stupid dog" and then Aleli rolled her eyes to me..

"wow maka stupid dog ka naman jan, hoy for your information hindi ako aso katulad ng alipores ni Beatrice na buntot ng buntot.."

"hoy babaeng nakalunok ng gluta, anong sinabi mo tungkol sa kaibigan ko huh?" naku naman uwian na nga nakita ko pa tong mouse na to..

dahil sa kalakasan ng boses nitong babaeng mouse na to eh..halos lahat na ng estudyanteng nagsisilabasan eh naki usisa na rin sa amin..

tss..mga tsismoso't tsismosa..

"narinig mo naman diba? hoy babaeng makapal ang mukha't make-up hindi ako nakalunok ng gluta kasi natural to teh, hindi katulad mo na kahit ilang gluta pa gamitin mo hindi ka parin pumuputi" taas kilay kong tinignan ang mukha niya mukhang paa..ayy este hanggang paa..
"Ms. Mouse ka na nga Ms. Trying Hard ka pa..at sa pagkala-alam ko daga ka hindi kabute na pasulpot sulpot lang sa tabi tabi, pero ayos na yun magandang itawag ko na lang sayo gabute..bwahaha" syempre sa isip ko lang yung tawang yun noh..pag isipan pa kong witch ng babae na to eh..

wala na akong paki alam pa kahit na pinagitnaan na kami ng mga estudyante..inaawat na nga ako nina Bianca at Aleli pero hindi ako nagpapatinag..kailangan kong talunin ang babaeng to..

"ang kapal talaga ng mukha mong babae ka" akmang sasampalin na niya ako pero nasalo ko agad ang kamay niya..

"wag na wag mo lang idadampi yang madumi mong kamay sa mukha ko..kasi hindi ako magdadalawang isip na isubsub ko yang makapal at marumi mong pagmumukha sa putikan" at pabagsak kong binitawan ang marumi niyang kamay..

"sumusobra ka na talaga..noon pa man bwisit ka na sa buhay ko at alam mo ikaw rin ang pinakaayaw ko sa lahat" galit na galit niyang sabi sa akin..halos umusok na nga ilong at tenga niya eh..hahaha, natatawa na naman ako sa pagmumukha niya grabe..

"dont you worry dear" lumapit ako sa tenga niya pagkatapos bumulong ako sa kanya "the feeling is mutual" at tsaka ako nag smirk sa kanya..tignan ko lang kung dika na aalis sa harapan ko ngayon..

"ugh..nakakainis, tandaan mo tong babae ka..nanalo ka man ngayon sisiguraduhin kong sa susunod ako naman ang mananalo..tara na nga Sandra.." umalis na nga silang dalawa sa harapan ko..kita mo na wala naman silang mapapala sakin eh..sakin pa rin pala ang huling halakhak..wahahaha..

"nagiging war freak ka na Shica" alalang sabi ni Bianca sa akin..

"yung mga ganung klase ng tao kasi dapat di na lang pinapansin..dedma mo na lang sila" pag sang ayon naman ni Aleli..

"sige, sorry guys" tapos nag sad face ako sakanilang dalawa..

"oh siya sige na..tama na yan kasi anjan na mga sundo natin, mauna na ako sa inyo huh!! bye sisters."-Aleli tapos ng beso na kami sa isa't isa..

"ohh, ayan na rin pala sundo ko..hindi ka ba sasabay na lang sakin..wala pa sundo mo eh.." -Bianca

"ayy naku wag na, hihintayin ko na lang driver ko dito" pag reject ko sa kanya..

"sigurado ka?.mag isa ka na lang dito ah..kita mo wala ka nang kasama.." pagpupumilit pa rin niya..

"okay lang baka natraffic lang yun.. sige na pumasok ka na nag-aantay na driver mo oh"

"sige mukhang wala na naman akong magagawa, okay magtext ka na lang huh!!"

"ano ka boyfriend ko? hahaha..sige na okay na ako dito, baka mamaya anjan na sundo ko.." I said to assure her..

"sige mauna na ako..bye sister mag ingat ka.." nagbeso na rin kami at pumasok na siya sa loob ng kotse niya..

bat ba kasi ang bagal kumilos ng driver ko na yun..

kumaway na lang ako at pinaandar na ng driver niya ang kotse niya..

pinagmasdan ko na lang siya hanggang sa maglaho na ang kotse niya sa paningin ko..

*beeeeeeeppppppp*

"AYYY PUTANGINA MO" sigaw ko at halos lumundag na ang katawang lupa ko dahil sa gulat..

sino ba tong bastos na to ang bumusina ng pagkalakas lakas na para bang wala nang bukas..

unti unti na niyang ibinababa ang window ng kotse niya at pagkakita ko palang ng mukha niya..bigla na lang kumulo ang dugo ko..

"hey stupid..wala ka bang sasakyan? pwede kitang ihatid kung gusto mo!!"
alam niyo na siguro kung sinong tumatawag sakin nito noh..!!

walang iba kundi ang walang katulad sa kabastusan..tantararan Luhan -_-

"tse mag isa mo!!" pagtataray ko sakanya

"okay madali lang naman akong kausap..at tsaka ayoko rin namang magpa gabi rito sa school, kasi alam mo last time I research about this school, may namatay raw dito na di matihimik ang kanyang kaluluwa.."

teka matagal na akong nadito pero wala pa naman akong naririnig na namatay dito..pero parang tumaas ata lahat ng balahibo ko sa katawan..

lokong to sabihin niya lang kung tinatakot niya ako kasi natatakot na talaga ako..

kasi mukha pa lang ni Beatrice takot na ako ghost pa kaya..

isasara na sana niya ang pinto pero pinigilan ko siya..

"teka! sige na sasakay na.." bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya pero ang bastos na lalaking to bigla na lang pinaharurut ang kotse niya..

"bwahahahahahaha" rinig kong tawa niya sa loob ng kotse niya..

"ughh..! bwisit..sana mawala ka na bwisit ka.!!!" pumadyak padyak pa ko dahil sa inis..

nakakainis, nakakainis!!

tandaan mo Steve Luhan Del Rio.. may araw ka rin..

My Enemy, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon