Shica's POV
Nakatulala lang ako buong klase, hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kanina..wala nang pumapasok sa isip ko tungkol sa lesson namin dahil sa l*ntik na halik na yan..
Ang hirap lang kasing tanggapin na sa lahat ba naman ng taong pwedeng makakuha ng first kiss ko eh sa taong walang iba kundi ang pagtripan ako't b*isitin araw araw tuwing pumapasok ako sa school..ugh! nakakainis lang..
"Will you read the next page Ms. Dela Sueva!"
naku! buti na lang walang ibang nakakita sa amin kanina! kundi patay ako sa mga fangirls ng Luhan na yun..
"Ms. Dela Sueva? are you going to read that or what?"
hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag may nakakita sa amin..
"MS. JOSHICA JOANNA DELA SUEVA!" halos mahulog na ako sa upuan dahil sa sigaw ni Sir ng buong pangalan ko..ano bang problema ng tandang toh? at kailangan pang ipagsigawan ang napakaganda kong pangalan..
at ng bumalik na ang kaluluwa ko sa katawan ko, ewan ko ba kasi sa kaluluwa na yan ang hilig maglakbay at gumala, kung saan saan pumunpunta..
tumingin ako sa paligid ko at napa"whoo" na lang ako dahil halos lahat sila nakatingin na sa akin..ahy hindi pala halos, LAHAT pala sila..
dali dali akong tumayo."ahh-ah-ah! yes sir? ano po yun?" pa inosente kong tanong sa hugotero naming teacher, oo hindi kayo nagkamali ng basa, HUGOTERO nga talaga siya..kasi hindi lang naman studyante ang humuhugot dito sa school eh. pati na rin teacher...Ang walang hiya! hindi ko naman inaano eh! sinigawan na agad ako!.
"seriously? kanina pa kita kinakausap, hindi mo pala narinig lahat ng sinabi ko..para akong tanga na naghintay sa wala, ang sakit sakit lang na sa lahat ng sinabi ko kahit isa dun wala kang narinig.." sabi ng omygash hugotero kong teacher! pati ba naman siya? wala na silang pinagkaiba sa mga studyante..
"ano po ba kasi yun? bat di niyo na lang ako diretsuhin? tinawag niyo pa ako sa buong pangalan ko.." sumbat ko sa kanya, wala na akong paki kung maging bastos man ako sa teacher na toh!..
"ang sabi ko lang naman Ms. Joshica Joanna Dela Sueva.. pwedeng pakibasa ang next page! ano kuha mo na?" mataray na sagot niya.. palibhasa kasi mukhang bakla tong teacher na toh! kaya siguro walang na g-gf to!!
"yun lang naman pala eh! ang dami mo pang hugot words kanina.. badtrip" bulong ka sa sarili ko sabay kuha ng librong ipinababasa niya..
habang binabasa ko yung page na yun..nakikita ko sa peripheral view ko si Luhan na nakatingin sa akin?
tinignan ko siya at pagkatama pa lang ng mga mata namin ay iniwas ko na agad iyon..
aish! ano na bang nangyayari sa akin?.paki explain pls..
*buzz* *buzz*
pagkatunog pa lang nung buzzer saktong tapos ko na rin yung binabasa ko..
hay!salamat naman at makakauwi na rin ako..feeling ko kasi sobrang napagod ako ngayong araw, kahit na hindi naman ako umattend ng P.E class ko kanina..
nililigpit ko na yung gamit ko ng biglang lumapit sa mukha ko si Luhan..
nagulat ako sa ginawa niya kaya iniatras ko yung mukha ko..
"problema mo?" irita kong tanong sa kanya.. ang weird lang..
"nasarapan ka ba kanina?" bulong niya with matching taas- baba pa ng kilay niya..
"tse! anong nasarapan ka jan? naiirita nga ako sayo eh! alam mo ba yun huh! kinuha mo lang naman ang pinaka iingatan kong first kiss" mataray kong sabi sa pagmumukha niya..pero syempre bulong na lang yung huli..
"got you! first kiss mo pala yun.. kaya pala ganun ka na lang maka react kanina ah..tsk tsk!" medyo pasigaw niyang sabi.. buti na lang at hindi na gaano karami ang nasa loob ng room namin.. pahamak talaga ang lalaking toh b*isit kahit kailan..
"anong first kiss sinasabi mo fafa Luhan?" malanding tanong ni Bianca..
siniko ko agad siya dahil sa inaasta niya with "umayos ka nga..ang landi mo" look..
"ah! hindi ba sinabi sa inyo ni Shi----" hindi na naituloy pa ni Luhan yung sinasabi niya kasi tinakpan ko na yung bibig niya..
"ahh! kasi si Luhan hindi niya ako nakita kanina tapos nagkabanggaan kami kaya ayun siya..nakipaghalikan ba naman sa sahig..hahaha(fake smile).." palusot ko sa kanilang dalawa habang itong hampas lupa na to naman eh todo palag sa pagtanggal ng kamay ko sa bibig niya, pero sorry na lang siya mahigpit ang pagkakahawak ko..
"huy! tama na nga yan.. nagtext na yung driver ko..anjan na daw mga sundo natin" biglang singit ni Aleli..
wiw! save by the bell.. nakahinga ako ng maluwag dun ah..kaya mahal na mahal ko yang si Aleli eh! kahit may pagka kj minsan..
"oh sige! tara na girls..bye fafa Luhan, maiwan ka na namin dito ah" pagpapaalam ni Bianca kay Luhan..
tinanggal ko na rin yung pakakatakip ng kamay ko sa bibig ni Luhan..
"ok girls except Shica! ingat kayo huh! bye" sus may pabulong bulong ka pang nalalaman..rinig na rinig ko naman..tss! ang bobo talaga..
"of course! tara na guys" hinila na kami palabas ni Aleli sa room hanggang sa makarating kami sa labas ng gate...
hay! salamat naman at hindi na late tong gunggong kong driver..
"goodbye girls see you tom" paalam ni Bianca sa amin sabay beso- beso..
"bye" paalam rin namin ni Aleli sa kanya..
sumakay na ako sa kotse at saka isinandal ko yung ulo ko sa upuan..
hindi ko na namalayan nung nakaidlip ako....
feeling ko talaga..sobrang napagod ako sa araw na toh! dahil na rin siguro sa aga kong gumising kaninang umaga dahil sa epic kong Revenge b*isit..
#epicfail
*****************************
pls.vote❤
comment❤
share❤
thanks..❤