Shica's POV
*super early in the morning at the school..
"yung totoo Shica? ano ba talagang gagawin natin dun sa locker ni fafa Luhan? at talagang dahil pa jan eh ginising mo kami ng ke-aga aga..nasira na naman tuloy yung beauty rest ko.."maglanding sambit ni Bianca sa akin..
"wait lang huh? tama ba yung rinig ko? beauty rest? may beauty ka pa pala?" pambabara ko sakanya..
"ano din bang gagawin mo jan sa hayop na yan? nakakadiri!" sabi rin Aleli sa akin..obvious naman na nandidiri siya diba? hay naku mga toh ang aarte grabe..
"just watch and learn!" nakangisi kong sambit sa kanila para naman matahimik na sila sa kangangawa nila..bwisit eh! baka masira tong plano ko..
hindi na sila umimik pagkatapos kobg sabihin yun..akalain mo nga naman kaninang ginising ko sila hanggang dito sa school ..yan at yan na lang yung tinatanong nila sa akin..
sa wakas andito na kami sa harap ng locker ni Luhan..
yes! makakaganti na rin ako sa Pesteng Luhan na yan! wahahaha..
akmang bubuksan ko na sana yung pinto ng locker pero pinigilan na naman ako ng dalawang letche na toh!
"last question na lang Shica..at sana sa lahat ng tanong namin ito na lang yung sagutin mo.." pagmamakaawa ni Aleli sa akin..
"saan mo nakuha yang susi ng locker ni Luhan? siguro ninakaw mo noh!" tanong at pambibintang naman sa akin Bianca..aba bwisit to ah ginawa pa akong magnanakaw..
"ganito kasi yun"
flashback
lumabas na ako kahapon sa coffee shop at dumiretso na sa kotse ko..
pinaandar ko na yung engine at pinhaharurut ito hanggang sa makakarating ako sa school..
pagkalabas ko ng kotse agad kong hinanap yung janitor ng school namin..
5:00 na kaya wala nang masyadong studyante.. kaya ok lang na magpakatanga ako sa paghahanap kay manong janitor..
hanap lang ako ng hanap hanggang sa makita ko siyang naglilinis sa gymnasium namin.. wow ang layo naman nitong walang hiya na to..eh nasa kasuluksulukan na tong gym namin eh..
"manong pwede po bang hingin yung susi ng mga lockers?" hingal na hingal kong tanong kay manong janitor..
"naku ganda! hindi pwede!" sagot ni manong.. naku mukhang mahirap to ah..
"ok lang manong sanay na naman ako eh!"
"sanay kang mareject?" tanong ni manong sa akin..
"hindi manong yung tawaging ganda."
"naku bata ka! hala sige na umuwi ka na sa inyo ng matapos ko na rin tong trabaho ko.."
"manong naman eh! hindi ako uuwi hanggat hindi niyo binibigay saakin yung mga susi.." pagpupumilit ko..
"wala kang magagawa kasi hindi ko talaga ibibigay sayo yung mga yun bata.." pagpupumilit din niya! aba! lumalaban tong tandang to ah..sige magpilitan tayo ngayon dito..
"sige na manong oh! may kumuha po kasi ng pinakaiingatan kong diary..dun ko na nga lang naisusulat yung mga nararamdaman ko..tapos may kukuha pa" sana naman maawa na tong tanda na toh! hirap kaya magpalabas ng luha alam niyo yun..
"naku hindi mo ako makukuha sa mga ganyan mo bata" naku naman! pakipot pa masyado tong tanda na to!..
"sige na manong oh! ngayon na nga lang ako hihingi ng favor sa inyo.." sabi ko tapos ng puppy eyes ako.. buti na lang magaling akong umakting..
tignan natin kung di ka pa aayaw sa pagpapakipot mo na yan tanda..
"naku nadali mo na naman ako bata..! sige na nga..pero pag nahanap mo na yung diary mo..isuli mo agad sakin ah.." ayun oh! galing mo talaga Shica im so proud of you..
"yes! thank you manong.." kinuha ko na sa kanya yung mga susi at lumabas ng gym na may malaking ngiti sa labi..
acting lang pala kailangan ng tanda na yun..
end of flashback
"wow yun lang ginawa mo?" manghang tanong ni Bianca at Aleli..
"ahhmm..yeah! hindi naman sa nagmamayabang ako pero ganyan talaga nagagawa ng charm at beauty ko!"
"sus! sadyang naawa lang talaga si manong sayo kaya niya binigay yang mga susi, grabe mo namang suportahan yang sarili mo..tsk" pambabasag ni Aleli sa akin..
"wow huh! as in wow lang, etong mukhang to? ganda ko kaya!" pagmamayabang ko sa kanila..tinuro turo ko pa yung mukha ko jan ah..
"sige na! gawin mo na kung anong gusto mo, kahit pa ang sakit isipin na yung kaibigan mo pa talaga yung mananakit sa mahal mo.. huhu" pag eemote pa ni Bianca..
-_- "tss" sabi ko na lang at binuksan ko na yung locker ni Best Enemy (Luhan)
pagkabukas ko ng locker niya..nakita ko agad yung litrato niya..emeged ang gwapo niya naman dito..
walang duda..magpinsan nga sila ni Kent..
"ahhmm! guys pwede bang paki lagay yang hayop na yan dito sa loob?" sabi ko sa dalawa..
"huh? pwede ba Shica ang yucky kaya niyan.." nandidiring sagot ni Bianca..
"oo nga ikaw may pakana niyan eh..bat kami ipapasubo mo" pag sang ayon naman ni Aleli..
mga bwisit na toh..wala rin lang naman silang maitutulong, bat ko ba kasi sila tinawag..
aha! alam ko na! sasabihin ko na lang ang Magic Word ko! ABRAKADABRA..
"LIBRE KO KAYO MAMAYA.." pasigaw kong sabi..
"huh? asan ba kasi yung ilalagay? kanina mo pa sana sinabi para tapos na tayo ngayon!" - Bianca na akmang kukunin na sana yung box para ilagay kung ano mang hayop ang nasa loob nun..
"ano ba ako na nga jan" pang aagaw naman ni Aleli..
hahahaha..sabi na eh..kailangan lang sabihin ang Abrakadabra para sundin nila yung gusto ko..hay naku tong mga kaibigan ko na toh..masyado na atang naghihirap tsk tsk..
"sige na tayong dalawa na lang para walang away..ok?" rinig kong sabi ni Aleli, at tumango naman si Bianca bilang kanyang sagot..
at nailagay naman nila ng maayos yung hayop sa loob..
"SUCCESS" sigaw ko dahil sa kasiyahan..
sa wakas makakaganti na rin ako sayo Steve Luhan Del Rio..
-----------
gRaAyCeE thanks sa idea muaps..vote❤
comment❤
share❤