Chapter 5

123 4 1
                                    


Dine's POV

Nasa ilalim ako ng kotse habang chinecheck ang mga tubo ng may maramdaman akong kotseng dumating. Lumabas ako sa ilalim ng kotse para makita yun.

Isang lalaki ang nakita ko na nakatayo sa isang tabi na nakasandal sa pader at nakatingin sakin ng derectcho. Tas nakita ko naman sa labas ng talyer si Kai simula nung nag away kami sinabihan ko sya na wag makalapit lapit sakin kahit sa labas ng bahay namin pati dito sa talyer

Binalik ko naman yung tingin ko sa lalaking kanina pa nakatingin sakin. Hindi ako pwedeng magkamali---- si Suho to. Hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nya. Parang mas lalo pa syang gwumapo

"What? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng mekaniko?", tanong ko kay Suho.

"Princess----"-suho

"Huwag na huwag mo na akong matawag tawag na 'princess'! I hate that name!"

"Im sorry, Dine alam mong hindi ko choice ang naging pagalis ko. I wanted to stay but---"-Suho

"Umalis ka at hindi man lang nakaalalang sumulat anong klaseng kaibigan ka? Pinabayaan mo kami" gigil na sabi ko kay Suho.

"Im sorry"-Suho

"Hindi ko kailangan ng sorry mo! Ang kailangan ko ay paliwanag. Bakit mo kinalimutan ang grupo natin, ang pagkakaibigan natin?"

Nakita ko namang bumuntong hininga si Suho bago mag salita.

"Nang dumating ako sa America ay wala akong kakilala at kaibigan. Iba ang mundong yun sa nakasanayan ko. Ang tingin nila sakin ay second class citizen. Na obsess ako na patunayan sa kanila na mali sila. Na kaya ko silang higitan. That i also survive and succeed in their world"-suho

"Nagawa mo, nagtagumpay ka at yumaman" sarkastikong sabi ko

"Not really Rich. Pero natikman ko ron ang mga bagay na wala dito. Nalasing ako sa tagumpay. I lost myself in the process. Nakalimutan ko kung sino and ano ako. Nakalimutan ko kung ano talaga ang mahalaga sa akin.i became just like the people i hated"-suho

Pinamaywangan ko siya

"At ano ka na ngayon?" Tanong ko kay suho

"My old self. Im back, dine. Hindi na ako aalis gusto kong matupad yung pangarap ng mga lolo natin. Your lolo santi died fighting for freedom, for peoples rights. Namatay sya sa pag protect sa karapatan ng freedom radio. Gusto ko na mabawi natin ang station. Dapat mabalik yun satin. Tayo bilang apo ng mga founders ng freedom radio ang dapat na nag mamayari nun. Kapag nakuha na natin yun. Ibabalik natin sa format para sa rights ng mga tao"-suho

Feeling ko bumabalik ako sa nakaraan. Mahilig kasing gumawa ng gantong speech si suho noon at kapag nag start na tong mag salita napapatahimik ako at napapanganga at agad ako napapaniwala sa mga sinasabi nya at sinusunod yun.

Pero noon yun. Bata pa ko nun akala ko lahat ng pangarap natutupad. Hindi pala totoo yun. May mga pangarap pala na hindi natutupad kahit ano pang gawin mong pagsisikap kailangan parin ng swerte.

"Gusto mong tayo ang mag may ari ng freedom radio? Nasisiraan ka na ba ng bait? Malaking pera ang kailangan para mabawi natin yun"

"May alam na ako kung pano natin malilikom ang perang kailangan para mabili natin ang freedom radio"-suho

"Magnanakaw tayo ng pera sa bangko?" Pangiinis ko kay suho

"No. We just need to build a race car"-suho

Natigilan ako sa sinabi ni suho. Ano daw? Race car?

"According to kai. He knows people who can provide us with the parts we need. Pumayag narin sila chen at xiumin na gawin ang engine at computer system ng sasakyan. All we need is a design concept and a very good mechanic"-suho

Parang alam ko na ang gusto netong sabihin =_=

"Ang designer at mechanic ba na tinutukoy mo ay ako?"

Tumango sakin si suho

"Ayoko!"

"C'mon, princess! Kayang kaya natin gawin to kapag magkakasama tayong lima, kahit ano ay kaya nating gawin. Saka hindi ba ang pangarap mo dati na makagawa ng sarili mong sasakyan?"-suho

"Kinalimutan ko na ang pangarap ko!"

"Well then, panahon na para simulan mo ang pangarap mo uli. Life is full of second chances"-suho

Saglit akong natigilan sa sinabi ni suho pero ng mapatingin ako kay kai naginit nanaman ang dugo ko >,<

"No! I will never ever work with that man again. Pahamak sya sa buhay ko!" Sigaw ko! >.<

XOXOXOXOXOXOXOOXOXOXOX

Opsss LQ kayo ni kai. bakla? XD

-trinaaa-

I Will Always Come Back To You  [ Series 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon