Chapter 16

93 5 0
                                    


Dine's POV

Very specific ang instruction na natanggap namin ni Dash para sa Last leg ng Race. Ang finish line ay ang parking lot ng Grand Hotel sa Italy. Hindi ibig sabihin na nakarating na kami sa Parking lot ay panalo na kami. We need to park in a specific parking space with hidden electronic unit. Tatlong designated parking spaces ang naghihintay sa top three racers. Once na mag park kami dun. Ay may trigger ang device at biglang may tutunog ng malakas na signal. Then the official and judges of the races would declare the winners

Fifty-four kilometers na lang ang layo namin sa Hotel ng biglang magloko ang Freedom car. Basta na lang tumigil to.

"Nasalisihan ba tayo ng S-team ng kalaban?" Nagaalalang tanong sakin ni Dash

Kapag ang S-team ng kalaban ang dumale sa sasakyan namin. Malabo ng mapaandar namin to. We would have to bid good bye to the race.

I check the computer system of the car. Ang system na nilagay ni Chen ay para malaman namin kung may trouble or may sira ang kotse. But according to the system walang sign na may sira ang Freedom Car

"Open the Hood, Dash" utos ko. Kinuha ko naman yung toolbox na nasa backseat bago ako lumabas ng kotse

Chine-check ko ang battery, makina at mga wires ng bigla naming narinig ang boses ni Xiumin sa suot naming Headphones ni Dash. Nakagawa si Chen at Xiumin ng paraan na malagyan ng tracking device ang mga sasakyan ng S-team ng mga kalaban kaya alam ng mga to kung malapit o malayo samin ang mga yun.

"Two S-team are coming in your way! Kailangan nyong umalis sa kalsada! These are the S-team of Blitz strafe and Scarlet Fire. Tama ang kutob ni Suho tayo ang target nila" sabi samin ni Xiumin

Bumaba ng kotse si Dash at nilapitan ako

"Give me your gun, Dine. I will protect you habang inaayos mo ang kotse"

"No need, Dash malaki ang tiwala ko sa kakayahan ni Suho at kai na maproprotektahan nila tayo"

"Last time nalate sila"

"Miscalculation lang yun sa part nila. But they don't make the same mistake twice.  Bumalik ka na sa manibela i need you to start the engine again"

Sumunod naman agad si Dash sa sinabi ko. Ibinalik ko naman agad yung atensyon ko sa kotse pero wala talaga akong nikikitang sign na pagsabotahe samin ng S-team ng kalaban. Lahat ng nilagay kong protective tapes ay intact parin

Inistart ni Dash ang kotse pero kahit anong tunog ay wala akong narinig.
Chineck ko yung fuel injector relay hinila ko yun at pinokpok at ibinalik sa kinalalagyan nun

*BOGSHHHHHHH*

Napahinto ako sa ginagawa ko ng may marinig akong malakas na pagsabog di kalayuan sa kinaroroonan namin ni Dash. Nakita ko ang pumapaitaas na usok.

"Start the Car again!" Utos ko kay Dash. And thankfully this time umandar na ang kotse

"Hey, naayos mo!" Tuwang tuwa na tanong nya sakin

I Will Always Come Back To You  [ Series 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon