Chapter 13

95 5 1
                                    


Dine's POV

Pag dating namin sa Tromso City ni Dash nakatanggap na agad kami ng Info tungkol sa Status namin sa karera. Thirty-seven ang mga participants sa karera

"We're in third place. oras lang ang lamang satin ng second team which is belongs to the empire team. Three hours naman ang lamang sa atin ng Battle glory team. At ten minutes lang ang lamang natin sa fuego team. The scarlet fire is also near us. Fifteen minutes lang ang lamang natin sa kanila" sabi ko kay Dash pero hindi sya nag salita.

Palihim ko naman syang tiningnan. Mula ng manggaling kami sa café ay parang naging seryoso sya. at parang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan si Suho at sya. Kasi nung lumabas ako galing sa cr naabutan ko silang dalawa ni Suho na parehong tahimik. Sinabihan kaya ni Suho si Dash na tigilan na ang pangungulit sakin? Pero sobrang babaw naman na dahilan yun para pagawayan nila. Besides alam ni Suho na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kay Dash.

"Hayyyyyyyyy nakoooo" bulong ko sa sarili ko at ibinalik ko na lang ang atensyon sa computer screen. Bukas pa ng alas otso namin matatanggap ang location ng susunod na pit stop. Malamang na sa Finland na yun. May isang gabi kami na makakapag pahinga at para linisin at ayusin ang dapat na gawin sa Freedom Car.

Sa restaurant ng North fjord hotel naghihintay samin sila Chen at Xiumin. Dala ni box ang ever reliable laptop nya. Hindi required na mag byahe by car ang P-team at S-team. Im sure sumakay tong dalawang to ng eroplano kaya mukhang hindi pagod sa byahe.

"Good news. According sa nakuha namin information out of the thirty-seven participants at twenty-nine na lang ang possible na makarating dito. Na disqualify na ang walong teams dahil ayaw ng tumakbo ng mga kotse nila"- Chen

"Muntik na rin kaming maging biktima ng S-Team ng Liberty team. By the way, kamusta naman ang ginawa nyong pag sabotahe sa mga kalaban? May na ipa disqualify na ba kayo?" Tanong ko

"Wala pa, naghahanap pa kami ng information. At inaalam namin kung sinu-sino talaga ang mga kalaban natin at kung ano ang strengths at weaknesses nila. As of now, we've identified twenty of them. alam na namin ang mga itsura at klase ng kotseng gamit nila. Yung mga nangunguna lang ang mahirap i detect. But don't worry, we'll find them."-Xiumin

"Im tired" sabi ni Dash at biglang tumayo "kayo na ang bahala sa kotse. Im going to sleep"

"Anong problema nun? Na trauma ba sya sa pag atake sa inyo ng S-team ng mga amerikano?" Tanong sakin ni Xiumin

"Okay naman sya kanina. Nagkaganyan lang yan nang magkausap sila ni Suho"

"Ano kaya ang sinabi sa kanya ni Suho?" Tanong ni Chen

"Ewan ko. Gusto ko sanang tanungin si Suho. ang kaso, hindi ko sya matanong dahil lagi kong kasama si Dash"

*Kringggggggg kringggg*

Tumunog yung phone ko na nasa bulsa ng palda ko. Si Suho ang tumatawag. I slide my phone to answer his call

"Hey, Suh-------"

"Siguraduhin nyo na makakatulog at makakapag pahinga nang maayos si Dash ngayong gabi. Don't let him drink or go partying"

"Nagpunta na sya sa kwarto nya. Matutulog na daw sya."

Saglit na napatahimik si Suho sa kabilang line.

"Hello Suho? Are you still there?"

"Yes, I'm still here. Bago kayo matulog na tatlo, check up on him. Isama mo Si Xiumin para mabuksan nyo ang kwarto nya. May tendency ang lalaking yun na tumakas at mag party nang buong gabi kapag lasing yun bukas mahihirapan tayong makahabol sa mga kalaban natin"

I Will Always Come Back To You  [ Series 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon