Chapter 4

116 5 0
                                    

Kai's POV

Gaya ng hula ko nakita ko si Suho sa libingan ni Lolo Ben. Nung nakaraang taon pa namatay si Lolo Ben pero nasa ibang bansa si Suho noon. Pati sina Dine, Chen at Xiumin hindi rin nila nabalitaan agad ang pagkamatay ni Lolo Ben, biglaan kasi yun. Sabi nung mga maid nila Suho natulog lang daw si Lolo pero hindi na nagising. Ang mga lolo namin ang nag asikaso sa mala sekretong paglilibing kay Lolo Ben.

Walang burol na nangyari kasi sa araw mismo ng pagkamatay niya ay nilibing siya agad. Yun daw kasi ang gusto ni Lolo, ayaw niyang iniiyakan siya at makaistorbo sa ibang tao. Ang hiling niya lang ay ang makapagpahinga at hindi na maka gulo pa sa buhay ng ibang tao.

Nag lakad ako palapit kay suho pero bago ako makalapit lumingon na si Suho sakin.

"Alam mo bang two days ago ko lang nalaman ang tungkol sa pagkamatay ni Lolo. My mother never told me. Hindi ko alam kung busy lang sya. Masyado kasing hectic ang schedule niya. Bihira na nga kaming magusap eh. Kung maguusap kami sandali lang at wala rin nag sabi sa kanya na namatay na si lolo, nalaman lang niya sa kakilala nya. Nanatili kasing masama ang loob ni Lolo sa kanya dahil kinuha ako ni mama kay Lolo Ben at dinala sa America"-Suho

"Kahit naman malaman mo hindi ka aabot sa libing ni Lolo Ben. He was buried on the day he died. And matagal na pala nyang hinanda ang ataul nya at ang lupang paglilibingan sa kanya ,pati ang damit na susuotin niya nakahanda na rin parang alam na niyang mamamatay na sya"

Nakita ko naman na ngumiti si Suho bago nag salita.

"He's been like that always. Mahilig syang magplano and ayaw nya ng mahabang paalamanan"-Suho

"Kaya ka lang ba bumalik dito sa pilipinas para dalawin si Lolo Ben?"

"Nope. Isa lang yun sa mga dahilan. The main reason is, I came back for the freedom radio"-Suho

Bata pa kami madalas ko ng naririnig na pinaguusapan ng mga lolo namin ang tungkol sa freedom station. Tinayo ng mga lolo namin ang freedom radio para magsilbing boses para sa mga lumalaban sa katiwalian sa gobyerno. Pero nung nangyari ang EDSA Revolution tumaas ang mga bilihin at gastusin kaya kinailangan na ibenta ng mga lolo namin ang radio station.

"Nabalitaan ko sa mga contacts ko na ibinebenta ang freedom radio ng nakabili noon. Gusto ko yung bilhin Kai. Isa sa mga hiling ni Lolo Ben ang mabawi yun. Hindi niya kasi nagustuhan ang ginawa ng mga nakabili nun. Pinuno nila ng mga kanta at mga religious program. Pero hindi nabili ni lolo yun kasi wala syang sapat na pera"-Suho

"Ibig sabihin, may ganon ka nang kalaking pera ngayon? Mukhang malaki talaga ang kinikita mo sa trabaho mo sa Amerika ah."

"I quit that job, Kai. Too much backstabbing is going on. Saka hindi ko na rin nagugustuhan ang mga nangyayari sakin. I lost myself. Parang nung mga time na yun ang pinapahalagahan ko na lang ay yung career ko at ang pera na kinikita ko. I did a lot of things I wasn't proud of. I lost my sense of justice. I also forgot my friends and my family"-Suho

Mas matanda ako kay Suho ng isang taon pero dahil sa paninindigan nya mas madali kong natangap na maging leader ito saming lima. Malaki rin ang nagawang tulong sakin ni Suho para malagpasan yung matinding depression ko. Ipinaunawa nya sakin na hindi mahalaga ang pera at masamang magtanim ng sama ng galit sa kapwa at sinabi pa niya na ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang ngayon at ang bukas.

"Bibilhin ko ang freedom radio. Ibabalik ko yun sa dating format. It would be a radio station that would help people. Isang radio na magsasabi ng katotohanan at tutulong para mapigilan ang mga katiwalian sa gobyerno. Pero para magawa ko yun. Kakailangananin ko ang tulong nyong apat. Just like the old times."-suho

"I don't think makakatulong kami sayo. Pera ang kailangan para matupad yang pangarap mo Cuho. Nalulugi ang computer shop nila Chen at Xiumin. Mula ng umalis ako sa agency ko hindi pa ko nakakahanap ng matinong trabaho. Si Dine lang ang merong regular na income sa amin pero I'm not sure kung okay na yung ipon nya para makatulong sayo"

"Wala din akong sapat na pera para mabili yung radio station. Pero may plano na ako kung paano tayo makakapag raise ng pondo para dun. Ang tanging kailangan lang ay yung mga skills nyo"-Suho

Napangiwi naman ako sa sinabi ni Suho seryoso? -_-

"Paano yan? Hindi na buo ang barkada natin. Im sure game sila Chen at Xiumin, I will also try my best to help you. Malaki ang utang na loob ko sayo. Ang problema lang ay si Dine. Ang sabi sakin nila chen galit daw si dine sating dalawa. You broke her heart and I...." I paused

"Anong ginawa mo? Niligawan mo ba sya?"-Suho

"No! Pero, ahm, ako ang dahilan kaya nagbago sya"

"What do you mean nagbago?"-Suho

"Hindi na sya prinsesa"

XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXO

A/n: vote and comment please ^^,

-trinaaa-





























I Will Always Come Back To You  [ Series 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon