Chapter 3: Meet Him Again
"Good morning din po dad, halina po kayo. Kakain na tayo." nakangiti kong sabi.
"Oh ok. Nagugutom na ako eh." oha kahit papaano marunong parin naman magtagalog si dad eh. Sanay ngalang kasi mag-english.
Bumaba na kami at tinawag na ni daddy si Kuya. Dumiretso nalang ako sa kitchen dahil gutom na gutom na talaga ako. Grabeng vibration na yung nararamdaman ko eh
Nang makarating na ako dun sa kitchen. Eh laking pasasalamat ko dahil tapos nang magluto si Mommy. Nakahanda narin yung mga pagkain sa mesa.
Yummm sarap naman ng itsura, gusto ko nang kumain.
Dumating na si Dad kasama si Kuya. Tsk badtrip parin ako dyan! Makatawa naman kasi. Inirapan ko nlang si Kuya. Pero buti nalang di yun nakita nila Mom at Dad, ayaw kasi nilang nag-aaway kami eh
Nagpray na kami tapos kumain na. Dinamihan ko na ang pagkua ng pagkain ko kasi gutom na talaga ako eh. Oi di ako PG hah sobrang gutom lang talaga ako.
"O Shine, bat andami mong kinuhang pagkain. Mauubos mo ba yan?" Mama
"Ah opo ma. Masyado kasi akong nagutom eh, naakagutom po kasing magjogging." Nakangiti kong sabi
Ah o sige, pero hinay hinay lang hah. Baka mabulunan ka" sabi ni mama
Narinig ko namang tumawa ng mahina si Kuya. Tsk epal talaga kahit kailan. Sarap upakan.
Babatukan ko sana sya pero naalala ko yung kumukulo kong tyan kaya kumain nalang ako
- - - - - - - -
Natapos na akong kumain. Hayyy nabusog ako ha. Hmmp makaligo na nga lang si Kuya kasi yung naghuhuas eh whahaha buti hindi ako yung pinaghugas, Im tinatamad eh.
Pumunta ako sa OH SO CUTE ROOM KO WITH PINK DOOR, Big Bed AND BEAUTIPOL MIRROR.
Nilagay ko muna lahat ng mga damit na nasa maleta sa Cabinet dito kwarto ko.
Pagkatapos eh naligo na ako at magmamall daw kami :D
Bibili kasi kami ng mga tv, electric fan, aircon ko at mga chu chu sa bahay.
Pumasok na ako dun sa cr at naligo. Nang matapos na ako eh lumabas na ako dun sa cr at sumunod namang naligo si kuya. Syempre inirapan ko na naman sya. Hahaha di kami magbabati hanggat di sya nagsosorry noh. Ano yun? Ako yung unang magsosorry? NO WAY!
Pumasok na ako dun sa kwarto ko at doon na nagpalit. Nung nakabihis na ako ay nagsuklay ako. At ngayon, nakaharap ako sa beautiful mirror ko.
Waaaaah! Nakakaiyak talaga tong salamin na to sa sobrang ganda. Kung hawakan ko kaya tong salamin na to kagaya dun sa panaginip ko. Iilaw kaya?? Hmmp imposible pero yun. Pero try lang naman diba.
Nagtatalo yung isip ko kung hahawakan ko o hindi. Pero sa huli ay napagpasyahan ko na hawakan ang salamin.
10 seconds
20 seconds
30 seconds
Pero wala namang nangyayari eh. Hindi naman umilaw.
Sabi na, napakaimposible naman kasi kung iilaw yan eh salamin lang naman yan. May salamin bang umiilaw ng kusa? Wala naman diba.
Tatalikuran ko na yung salamin ng may narinig akong nagtawag sa pangalan ko, pero mahina lang ito. Narinig ko naman. Liningon ko yung salamin, pero normal namn eto. Hayyy baka guni guni ko lang. At tuluyan na akong umalis sa kwarto ko.
(TIME SKIP)
Nasa sasakyan na kaming lahat para pumunta na sa Mall. Yey! Im exited na talaga! :D
BINABASA MO ANG
The Unreal World
FantasyPinangarap nyo na ba na makapasok sa mundo na napakaimposibleng makapunta ka doon? Itong istoryang ito ay halo halo. May mga wizards, vampires, cartoons at iba pa. Pero sa loob ng mundong ito at makakakita ka ng magagandang tanawin na dito lang maki...