Chapter 4: Eat with him :)

63 8 3
                                    

Chapter 4: Eat with him :)

Shine's POV

Kasama ko ngayon si Adrian at kakain kami. Nandito na kami ngayon sa tapat ng Jollibee. Eh? Jollibee??

"Bat sa Jollibee?"

"Ayaw mo ba? Sige ok lang kung ayaw mo dito. Hanap nalang ulit tayo ng ibang makakainan."

"Huh? Ok lang sa akin noh. Pero ang problema lang eh marami akong nakakain kapag dyan sa Jollibee. Ang sasarap kasi ng pagkain eh hehe." sabi ko sabay kamot sa batok. Mahilig kasi akong kumain dito eh. Lalo na pag gutom ako. Enjoy na enjoy :D Kaya nga diba...

'Sa Jollibee bida ang saya' whahaha

"Ah yun lang pala. Sige halika na. Uhm ikaw nalang muna maghanap ng uupuan natin hah. Ako nalang mag-oorder ng pagkain natin. Ano nga palang gusto mo? Treat kita" o buti naman at naisipan nya akong itreat wala kasi akong dalang pera eh.

"Yung palabok, Chickenjoy, Jollihotdog, spaghetti, tas sundae. Uhm ice tea yung inumin ko hah. Tandaan mo yan hah. Gusto ko yan ang kakainin ko."

"Tsk demanding. Opo na po mam Shine. Uubusin mo pera ko eh psh." sabi nya at pumila na. Heh anong demanding. Gutom ako. GUTOM!

Nagsimula na akong maghanap ng mauupuan namin ni Adrian. Buti nalang medyo unti lang ang tao kaya nakahanap agad ako ng mauupuan namin. Pero nakit napapasin ko lagi akong pinagtitingin ng mga babae dito sa mall ng masama. May masama ba akong ginawa? Wala naman ah. Lemma nila?

Hinintay ko nalang si Adrian kahit inip na talaga ako. Eh sa gutom na talaga ako eh. Para nga akong ewan dito na tinitignan tignan yung mga kumakain na. Buti di sila naiilang whahaha. Ito naman kasing nagchuchu ng order nya eh busy n nagpapacute sa kanya. Ako nalang sana nag-order para mabilis. No choice naman ako kundi maghintay nalang.

After 52846282926792 years ay dumating na sya w/ the super rami bonggang mga pagkain. Hmmp natatakam ako. Ang bango pa Nyehehehe

At dahil gutom na gutom na ako ay wala ng patumpik tumpik pa at kumain na agad ako. Nom nom nom.. Hmm sarap talaga ng mga pagkain dito sa jollibee :D Napansin ko naman si Adrian na hindi pa ginagalaw yung pagkain nya. Akala ko ba gutom sya?

"Bat di mo ginagalaw yang kinakain mo? Akala ko ba gutom ka?" tanong ko sa kanya na nakakunot noo.

"Haha di ko kasi mapigilang tumingin sayo eh. Takaw mo kasi whahahaha! Dami mong kinain! Para kang di kumain ng isang buwan!" luh grave naman tong makasigaw. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito. Nakakahiya! Walang hiya sya!! >//////////<

Pero di ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Ano kakain ka ba o hindi? Sabihin mo lang at ako na ang kakain ng pagkain mo." kung hindi kakainin yang inorder nya. Kakainin ko talaga yan. Naku sayang naman naman eh. Nagsasayang sya ng pagkain. Bad yun!

"Haha sige na nga kakainin ko na. Kung ikaw pa si yung kakain baka lumobo kana sa sobrang dami ng kinain mo eh. Papanget ka nyan." tsk asar naman to. Kala ko ibibigay na nya yung pagain nya. Yun naman pala eh hindi. Nagawa pa nyang manlait! Letse lang ha. Inirapan ko nalang sya at pinagpatuloy nalang ang pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong lumabas dun. Hayaan na nga lang yang lalaking yan. At dahil di pa nya tapos yung kinakain nya since umpisa nya lang kanina eh hindi nya pa nauubos yung kinakain nya.

Pero... tsk napansin nya naman na umalis ako kaya yun sinundan nya ako sabay higit sa kamay ko. Bilis noh? Tumakbo kasi -__-

"Ui di ka parin makaget over? Look sorry na. Nagjojoke lang naman ako eh. Ito naman di mabiro o. Ui pansinin no naman ako. Sige ka pag di mo ako pinansin ay di na kita sasamahan. Diba naliligaw ka?" Napatigil naman ako sa paglalakad ko. Oo nga noh? Di ko yun naisip ah. Sabagay may point sya dun. Ay ang tanga ko lang. Di kasi nag-iisip eh -__-

The Unreal WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon