Chapter 5: Entering the Unreal World
Ran's POV
Nakauwi na kami ngayon sa bahay. Nasa kwarto ko ako ngayon.
Hay nakakapagod talagang magmall lalo na kung marami kang bibilhin. Tsk, kinabahan pa ako kanina. Akala ko kasi di na namin mahahanap si Shine eh. Buti nalang at nakita rin namin sya.
Wosh buti at tapos na ang pagtitiis ko na walang tv dito. Buti at bumili sila mama ng apat na tv. Isa sa sala, sa kwarto nila papa, sa kwarto ko at sa kwarto narin ni Shine. Dugas talaga ng babaeng yun. May aircon na nga may tv pa. O di sya na swerte -.-
Hmmp atleast may tv at electric fan ako whahaha :D
Teka, nagugutom na ako. Makapunta na nga sa kitchen. Katatapos lang kasi naming ayusin mga furnitures na binili namin pati narin mga tv. Pahinga lang kasi ng konti kaya nasa kwarto ako.
Pagkadating ko sa kitchen ay....
Aba! Kumakain na sila! Sa sobrang sarap ng pagkain nila o! Wala ba silang balak na tawagin ako?! Putek nagugutom na ako eh.
" *ehem " pagpapapansin ko
"O Ran nandito ka na pala. Bat ngayon ka lang bumaba?"
"Wala ba kayong balak na tawagin ako?" sabi ko ng nakasimangot.
"Natutulog ka kasi kaya di ka na namin ginising kasi alam ko pagod ka. Eh halos ikaw na nga gumawa lahat ng gawain eh." abat sinong nagsabing nakatulog ako?! Letche mukhang alam ko na ah
Tumingin ako kay Shine. Pasaway talagang bata yan. Ano na naman kasalanan ko sa kanya?
Hay makakain na nga lang. Nagugutom na talaga ako eh.
"Mahuli maghugas." sabi ni Shine at umalis na. Aba aba tong batang to talaga. Sya na nga yung naligaw tas ganito pa inasal nya. Tsk tsk kakausapin ko nalang sya mamaya sa kwarto nya.
At since nahuli akong dumating kanina ay ako din ang nahuling matapos kumain. Kaya ano pa ba. Edi ako maghuhugas -__- Amp.
Masipag naman ako eh tinatamad lang ngayon. Haaay tumatiming talaga, grabe lang.
Shine's POV
Whahaha ang gandang pagtripan ni kuya. Bored kasi ako eh. Kaya sorry sya at sya napagtripan ko ngayon. Sya tuloy maghuhugas >:)
Nandito pala ako sa kwarto ko. Nakahiga lang, iniisip rin yung mga kaibigan ko dun sa dati kong pinapasukan. Kung kamusta sila. Kung masaya ba sila kahit wala ako. Hay grabe nakakamiss din pala kahit ilang araw parin namin dito. Pero bigla na nalang nasagi sa isipan ko yung panaginip ko at salamin.
Tumayo ako sa hinihigaan ko at humarap sa salamin. Tinitigan ko lang ang sarili ko doon.
Pero nagulat nalang ako ng may nakita akong babaeng nasa likod ko. Hindi..... Imposible....
Pero di sya multo hah! Hindi sya kamukha ni sadako! Kasi.....
Kasi mukha syang anghel! Grabe ang ganda nya!! *o* Nasa langit na ba ako? Basta maganda sya. Hindi ko na naobserban ang mukha nya dahil sa nawala rin agad. Ngumiti sya at bigla na syang nawala. Naglaho sya na parang bula. Totoo pa yung nakita ko? O__O?? O imahinasyon ko lang? Pero hindi eh nakita ko talaga eh.
Hallucinations kaya? Pero hindi talaga eh TT^TT Ehhh basta nakita ko yun.
Napatalon ako sa gulat ng pumasok agad sa kwarto ko si kuya. Pero nakabusangot parin mukha ko dahil sa naguguluhan ako.
"Hoy! Ikaw bata ka! Ano trip mo?" grabe lang hah. Napakastraight forward.
"Ikaw." tipid na sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Unreal World
FantasyPinangarap nyo na ba na makapasok sa mundo na napakaimposibleng makapunta ka doon? Itong istoryang ito ay halo halo. May mga wizards, vampires, cartoons at iba pa. Pero sa loob ng mundong ito at makakakita ka ng magagandang tanawin na dito lang maki...