Chapter 2: Meet Him

89 15 14
                                    

Chapter 2: Meet Him

Shine's POV

Napabaikwas ako ng bangon. Pawis na pawis ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. At hingal hingal ako. Narinig ko ang malakas na mga patak ng tubig sa labas. Umuulan ngayon. Tinignan ko ang relo ko na nasa gilid lang ng kama ko. Anong ibig sabihin ng napaginipan ko? Nakatakda? Hindi ko maintindihan. Ano bang kailangan nila sa akin. Pero panaginip lang naman yun. Imposibleng magkatotoo.

In-alarm ko yung cp ko ng 4:30 am. 1:00 am pa lang pala. Magjojogging kasi ako. Gigisingin ko nalang mamaya si kuya para may kasama ako. Baka mamaya maligaw ako eh, bago pa naman kami dito. Atleast pag naligaw ako eh may kasama naman ako. Matuloy na nga ang tulog. Letseng panaginip yun nakakatakot talaga.

Zzzzzzzzz!!!!!!!

- - - - - -

- 4:30 am -

Tumunog na alarm clock ko. Nag-inat ako at bumangon na sa kama ko. Kumuha ako ng damit ko sa bag at punta sa cr. Naghilamos ako at nagpalit. Now, Im wearing a T-shirt and jogging pants. Eh sa magjojogging nga ako eh. Nagjacket ako then kinuha ko yung cp ko.

Pupunta ako sa room ni kuya. Kumatok ako.

" *Tok Tok Tok* Kuya si Shine to. Buksan mo tong pintuan mo! May sasabihin ako!" tuloy parin ako sa pagkakatok. Sana pumayag sya.

After a few minutes.

hay sa wakas at binuksan din nya.

"Anong kailangan mo? Ang aga aga nangbubulabog ka." tanong nya na bagong gising lang. Nako highblood naman to. Mukhang ayaw talagang paistorbo. Pero yung itsura nya gulo gulo buhok nya tas may muta pa. Bwahahahahaha!!!

"Kuya samahan mo naman akong magjogging o. Please!! *sabay pacute* Kasi kung ako lang mag-isa baka maligaw ako. Siguro naman ayaw mong mawalan ng nag-iisang kapatid." cute kong mukha! Please umipekto ka!

"Bahala ka sa buhay mo. Magjogging ka nalang mag-isa mo matutulog pa ako. Kaya mo na yan mag-isa, malaki ka na. Letse istorbo ka talaga." Sabay sara ng pintuan nya. Ay di umipek ang pacute ko. Panu ba yan. No choice ako kundi magjogging ng mag-isa. Hay bahala na.

Kinuha ko yung headset ko at isinalpak sa tenga ko.

NOW PLAYING: Leave my heart out of this by fifth harmony.

Lumabas na ako sa bahay. Wooh ang lamig dito sa labas. Medyo madilim pa naman. Pero nakailaw naman yung mga street lights kaya maliwanag sa daan. Wala na palang ulan. Pero matubig yung daan, hmmp ok lang yan.

Sinimulan ko ng magjogging. Hay. Tatandaan ko nalang tong mga dinadaanan ko.

Nagliliwanag narin naman. May nakita akong store kaya pumunta ako dun. Buti nalang may dala akong pera. Nauuhaw na kasi ako.

"Manang, may tubig po ba kayo?" tanong ko dun sa nagtitinda

"Ah oo iha meron. Bakit, bibili ka ba?"

"Ay hindi po manang hihingi ako, libre po ba?" sabi ko with a sarcasm tone. Sorry na

"Ay iha makabara lang ha, o sya kukunin ko na." pagkadating nya inabot nya sakin iyong tubig. Tsaka ko binayaran.

Binuksan ko na yung mineral water na binili ko tsaka ko inino---

(A/N: Ay hindi kakainin mo!)

Huh? Author, pati ba naman ikaw nakikibara.

(A/N: Ay hindi siguro. Hindi ba halata?)

Sinasabi lang naman eh. Peace!

(A/N: PSH! <__<)

The Unreal WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon