2: clinton

4 0 0
                                    

Miesha's Point Of View

"Pren, Smile ka naman dyan" pag chi-cheer up sakin nito ni Shekainah.

Tss. Wala ako sa mood ngumiti. Kanina niya pa ako pinapakilala sa kung sino sino dito na kakabata nya. Andami pala niyang childhood friends. Nakakainis.

Ako naman hindi pa rin ako mapakali hanggang ngayon kase kumukrus pa rin sa isip ko yung nangyari kanina.

Nakita ko si Jhiro. Bwisit siya! Panira siya ng araw.

Naaalala ko nanaman tuloy yung... Hay nako.

*FLASHBACK (Grade 6)*

"Chlea! Chlea! Chlea! Baba ka sa tower. Pinapatawag ka ni Manami don" masayang masaya sabi sakin ni Koleen.

Tumakbo agad siya papalabas kaya ako naman.. Eh bumaba na lang ako sa tower which is located sa ground floor.

Kaso pag baba ko? Wala namang tao :(

"Manami? Andyan ka ba?" tanong ko bago ako pumasok ng tuluyan sa mini gate ng tower.

Pag pasok ko biglang may nag takip ng mata ko mula sa likuran ko.

"S-sino to?" tanong ko habang sinusubukan ko tanggalin yung kamay nya sa mata ko.

"I find your lips.. So kissable,
And your kiss.. Unmissable,
Your fingertips.. So touchable,
And your eyes.. Irresistible"

Mahina lang yung pag-kanta niya. Ako lang nakakarinig. Kasi pabulong lang.

Biglang bumilis tibok ng puso ko.

Ang lambot lambot ng kamay. Pakiramdam ko ayoko na alisin ng taong yun yung kamay niya sa mata ko sa sobrang komportable.

Pero syempre tinanggal niya.

Pag tanggal nya ng kamay nya sa mata ko eh nakita ko sila Manami, at iba iba pa nameng kaklase na nakatayo at may hawak ng mga letra na "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND"

Tapos lumabas mula sa likuran si Jhiro na may hawak siyang question mark sa kamay nya.

"Wooh! Say yes na chlea!" sigaw sakin ni Manami.

Lumapit ako kay Jhiro tapos sinubukan ko siyang kausapin ng matino.

"Jhiro.. Gusto rin kita kaso elementary pa lang tayo. Grade six pa lang. Hindi pa ko pwede mag boyfriend eh" sabi ko sa kanya ng maayos.

Totoo naman kasi. For sure? Magagalit lang sila mama kapag nalaman nila na nakikipag ligawan na ko sa gantong age.

"Hmm.. Kung ganon, Okay lang. Ready naman akong mag hintay"

And after that moment.. Pinatunayan niya yung sinabi niyang yon.

Lagi siyang sumasama samin ni Manami. Masaya rin naman ako pero minsan nalilito ako kung anong uunahin ko, Bonding ba namin dalawa ni Jhiro or yung mga pinapagawang projects at assignments sakin ni Manami.

Walang nag bago kay Jhiro, Ganon pa rin siya. Mabait, Mapasensya saka Sobrang understanding niya.

"Congrats jhiro saka chlea! Ang galing nyo, Bagay talaga kayo" pag puri samin ni Koleen.

Pareho kasi kaming na-awardan na MVP ni Jhiro. Siya sa basketball, Ako naman sa volleyball. Grade six kami non.

After a month, Dumaan yung graduation. Nagulat ako non nung lumapit sakin si Manami tapos may inaabot siya sakin na sobre.

This Fragmented HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon