3: jhiro & manami

5 0 0
                                    

Miesha's Point Of View

"Si Kian ba nanliligaw pa rin sayo pren?" tanong sakin ni shekainah.

Nandito kami ngayon sa kwarto nya.

Dito ako matutulog kasi aalis si mama saka si papa. Kaya ayon, Kahit ayokong mag stay kasama sya wala akong choice.

Alam ko naman na tatadtadin lang ako neto sa mga tanong nya. Daily routine na to eh. Kaya sawang sawa na ko sa mga tanong nito ni Shekainah eh. Tss.

"Binusted ko na yon bago pa ko mag-paligaw kay ryan" sagot ko sa walang kwentang tanong niya.

"Ah ayon ba pren yung lalaking kinwentuhan mo tungkol sa purgatoryo?" tanong niya saken.

Nag glare ako sa kanya tapos tinawanan ko siya.

"Gaga! Hindi yun yon! Si Lenard yon eh. Hahaha" sabi ko sa kanya.

Napa-kamot naman siya sa ulo niya tapos nag isip pa.

"Wag kang mag isip, Di bagay sayo" saway ko sa kanya.

"Ewan ko sayo! Ay alam ko na! Si kian yung lalake na binigyan mo ng isang kilong kamatis! Tas sabay nyo inubos?" -shekainah.

Binato ko na sa kanya yung unan na nasa tabi ko this time. Parang tanga.

"Si Jonathan yun!" sabi ko sa kanya habang nag pipigil ako ng tawa.

"Si kian yung lalaki na sinabihan kong pink and violet yung kulay na gamitin niya sa rubber ng braces nya!.. Yung matangkad" pag sagot ko na lang sa tanong niya para manahimik siya.

"Kaloka naman kasi. Napaka-dami. Tapos jusko puros mga pang-alien pa ginagawa niyo lagi together. Bat ba ganon pren?" tanong niya saken.

Tinignan ko siya ng seryoso. Tapos nginitian ko siya.

"Isa yun sa paraan para hindi ka mabilis makalimutan ng tao. You have to be different. Kailangan may gawin ka with them na kakaiba. Yung tipong mapapa-ngiti sila kapag naalala nila na nagawa pala nila yon" pag papaliwanag ko sa kanya.

Napa-simangot lang siya tapos humiga na lang ulit.

Ang ewan talaga ni shekainah. Minsan hindi ko rin maintindihan kung bat lagi siya nag tatanong sakin ng ganyan.

"Di ka ba nakokonsensya? Pumapatay ka ng tao" sabi niya saken.

Watdaf-- ako pumapatay ng tao? Masyado akong mabait para gawin yon! Napaka-sira ulo talaga nitong shek na to. Tawagin ba naman akong mamamatay tao. Tss.

"Hoy! Ano bang pinag sasabi mo dyan? Hindi ako mamamatay tao noh!" sigaw ko sa kanya.

"Mamamatay tao ka! Pinapatay mo sila.. Emotionally"

Natahimik ako sa sinabi niya saken. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya. Kasi totoo yung sinasabi niya. Na-guilty tuloy ako bigla.

Pero naalala ko si Jhiro saka si Manami.

Which made me frown.

"Oh bakit? Ako din naman ah? Matagal na kong namatay... emotionally" pag dadahilan ko sa kanya.

*FLASHBACK (Grade 8)*

"Uy jhiro, Ano nangyari sa leeg mo? T-teka... Chikinini ba----" hindi ko pa tapos sabihin yung sasabihin ko eh bigla na niyang pinutol.

"Chlea.. Hindi. Kinagat lang ako ng kung anong creature kaya namumula tong leeg ko. Ang kati nga eh. Okay?" sabi nya saken.

Tumango na lang ako. Kahit alam kong ka-duda-duda naman yon. Hindi ba sila sila nila manami mag kakasama kagabi? Tss.

This Fragmented HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon