14: dale

3 0 0
                                    

Clinton's Point Of View

Nag-daan ang first quarterly exam at ilang linggo.

And tadahhh! Intramurals na.

Unang laro namin ngayon. Against grade 9. Mag-kakasama kami ngayong mag-kakateam sa upuan habang pinapanood ang laban ng Grade 7 against Grade 8.

Syempre, Nanalo ang grade 8.

Maya maya nag-start na din yung laro namin.

Nakita ko si chlea na katabi si manami tsaka si shekainah malapit sa inuupuan namin.

Tahimik siyang nakaupo tapos nag-kekwentuhan si Shekainah at Manami.

"Nililigawan ni clinton yan Dale"

Napalingon ako nung nag-salita si Philip tapos tinapik yung likod ni Dale. Ka-team ko.

Kaklase ni Philip. Ngayon ko lang siya nakilala.

Nakita ko na naka-tingin siya kay chlea tapos naka-ngiti. Tapos nung napa-tingin siya sakin eh nginitian ko na lang siya.

Nag-umpisa na yung laban.

Ako, Si Jhiro, Si Philip, Si Fin at Si Dale. Kami yung first five.

Natapos ang 3 quarters na pasulyap sulyap si Dale kay Chlea kaya naiinis ako.

Minsan pag-katapos niya shumoot eh titingin pa siya kay Chlea.

I gritted my teeth. Ayos lang yan, Ang mahalaga ako ang pinapanood ni Chlea.

Medyo nawala yata ako sa focus kaya hindi ko namalayan na nabitawan ni Philip yung bola.

Tumayo si Chlea. Ewan ko, Baka pupuntang cr.

Pero nakita ko yung bola na papunta sa gawi niya. Mabilis kong tinakbo yon para hindi siya madampian ng bola.

Pero mas malapit sakin si dale kaya naunahan niya kong habulin yon.

Kumunot yung noo ko sa sumunod na pangyayari.

Akala ko yung bola kukunin niya. Pero natamaan nya si chlea tapos muntik na matumba si chlea.

Tumaas yung dugo ko at napa-crossed arms.

Lalong nag-salubong yung kilay ko nung nakita ko siyang tinulungan umayos si chlea sa pag-katalisod tapos kinausap niya pa.

Lalakad na sana ako papunta sa kanila kaso napigilan ako ni Philip.

"Hayaan mo na.. Kakausapin ko na lang mamaya" mahinahon na sabi sakin ni Philip.

Bumagsak yung braso ko sa malalim kong pag hinga tapos pumamewang na lang.

Miesha's Point Of View

Naramdaman ko yung kamay ng lalakeng nasa harap ko na naka-hawak sa wrist ko kaya pumiglas agad ako.

"Sorry.. Hindi ko sadya. Normal naman sa basketball players na habulin ang bol---"

"Normal sa basketball players habulin ang bola pero hindi normal sa basketball players na makipag-usap sa natamaan nila lalo na't nag-lalaro pa sila" sabi ko tapos lumabas ako saglit ng Gym para pumuntang comfort room.

Tss. Nanlalanta na nga katawan ko makaka-encounter pa ko ng sira ulo.

Normal sa basketball players na habulin ang bola? Sira ba siya? Halata naman na hindi bola ang hinabol nya.

Nasa lapag ang bola, Wala sa harap niya. Pero dumiretso siya ng takbo sakin at ako ang binangga nya. Hindi niya hinabol yung bola.

"Stupid excuse" sabi ko na lang sa sarili ko bago ako pumasok ng cubicle.

This Fragmented HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon