15: rights

11 0 0
                                    

Miesha's Point Of View

"Stay away from me. Hindi kita kailangan. Mag-aaway lang kami ni Clinton sayo eh" buong inis kong sabi kay Dale bago kami tuluyan sumakay ng Jeep ni Manami at Shekainah.

Dumiretso kami sa bahay nina Clinton at sumalubong samin si Tita clarisse.

"Si Clinton po?" nag-aalala kong tanong.

"Nasa kusina kasama si clade at clyde. Galit ata sayo nak" sabi sakin ni Tita.

I made a sad face.

"Tita puntahan ko lang po ha? Shek, Nami, Dito muna kayo" sabi ko tapos iniwan ko sila sa may pool side.

Pinayagan naman ako ni Tita clarisse kaya dumiretso na ko.

6pm. It's 6pm. Nag-text ako kila mama na sunduin na lang ako ni Papa after dinner kasi may sakit si Clinton.

Pag dating kong kusina, Nakita ko si Clinton na nakaupo sa may lamesa tapos may dalawang kape sa harap niya.

Si clade at clyde naman, Nag-chechess.

Nung nakita nila ko mabilis silang tumakbo papunta sakin tapos kiniss ako sa pisngi.

"Usap lang kami ni kuya nyo ha?" naka-ngiting sabi ko sa kanila tapos pinuntahan ko na si Clinton.

"Good evening" bati ko.

Nginitian niya ko pero yung peke. Tapos binigay nya yung isang tasang kape.

"Coffee" cold nyang sabi.

Umupo ako sa tabi niya tapos ininom yung kape.

Tapos ngumiti ako.

"Wala nanamang asukal" sabi ko.

"Lagyan mo na lang. Sorry nalimutan ko" malamig niyang sabi tapos tinuro yung asukal na nasa harap lang namin halos.

Hindi niya ko tinitignan. Obviously, He's mad at me.

"About dale.." panimula ko.

He closed his eyes tapos uminom ng kape.

"Sinabihan na kita na wag mo siyang kakausapin" naka-igting yung panga niya nung sinabi niya sakin yon.

Kaya napalunok ako.

"Clinton sorry.. Hindi ko naman siya kinausap ng matagal" pag dadahilan ko.

Tinignan niya ko ng seryoso.

Which made my heart pound. Dahil ngayon lang niya ko tinignan ng ganito.

"So kinausap mo nga siya?" malungkot niyang tanong sakin.

I bit my lip before i nodded.

He smiled at me, Pero nagningning yung mata niya.

Nag-foform yung luha sa mata niya. And I can't manage to stare at him.

So i looked away.

"Chlea.. I'm not feeling well. Ayokong mag-usap tayo ng mainit ulo ko. Im sorry" sabi niya sakin ng seryoso.

I held his hand tapos tinignan ko siya ng seryoso.

"Sorry I didn't listen" sabi ko sakanya ng seryoso.

And with that he squeezed my hands. Tapos kinurot yung pisngi ko ng marahan.

"Sorry nag-seselos ako. Hayaan mo, Hindi na ko mag-seselos ulit"

Nabitawan ko siya nung sinabi niya yon tapos tinignan ko siya ng naka-simangot.

"Anong sinabi mo?" pag-papaulit ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Fragmented HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon