Chapter One

12 1 0
                                    

"Emmie!"

Em abruptly opened her eyes upon hearing that familiar, strangled cry. It happened so quickly. One moment, she was laying on her bed, the next, she had flown down the stairs and went to the source of her son's voice.

Nakasalubong niya sa sala ang anak na tumatakbo papunta sa hagdan.

"Mommy Emmie! My hand!" Cello cried. Itinaas nito sa kanya ang nagdurugong mga daliri.

Em squatted to get leveled with him and examined his bleeding fingers.

"What happened? Anong ginawa mo, Cello?" Mabilis na binuhat niya ito papunta sa bathroom. Ipinatong niya ito sa gilid ng sink habang inilalabas niya ang first aid kit sa cabinet.

She cleaned the cut in two of his fingers before wrapping them gently with a band-aid. "Does it still hurt?"

"Not much."

"Now tell me what happened."

Kumikibot-kibot ang labi nito. "Cookie. Fell," he sobbed. Siguro ay inabot nito ang cookie jar at nahulog.

Bumuntung-hininga siya at hinaplos ang pisngi nito. "Didn't I tell you to ask me if you wanted cookies? And I can remember saying you're only allowed cookies after you eat a proper meal."

Natulog sila ng tanghali matapos kumain. Hindi niya na namalayan na nagising ito at umalis.

"I'm hungry."

Sumulyap si Em sa orasan. Pasado alas-kwatro na pala.

"Next time, wake me when you want something and ate Raquel isn't around, okay?" tukoy niya kasambahay nila. Tumango ito. "I don't want you getting hurt, baby. Promise me." She offered him her pinky finger.

Cello looked at her and entwined his pinky with hers. "'kay," he mumbled and hugged her.

Pinangko niya ito palabas at umakyat sa kwarto niya sa ikalawang palapag. Binuksan niya ang salaming pinto ng balcony, inilapag ito sa upuan sa tapat ng pabilog na mesa at pinaghintay habang inihahanda niya ang merienda.

Pumunta siya sa kusina at nakita ang basag na cookie jar. Nagkalat na rin ang cookies sa sahig. Ibinalot niya iyon sa papel at plastic bago inilagay sa trash bin.

Hinalungkat niya ang fridge at inalabas ang brownies na binili niya kagabi bago nagpunta sa counter at nagtimpla ng dalawang basong gatas. She put it in a tray and returned upstairs.

Inayos niya ang mga pagkain sa mesa. He usually manage to eat on his own but she fed him because of his injured fingers. He's quiet independent sometimes.

"Where's ate Raquel?" tanong nito.

"It's her day off today that's why I stayed home all day." Hindi muna siya pumasok sa shop na pag-aari niya ngayong araw. "Does it still hurt?"

Tumango-tango ito habang ininspeksyon ang daliring may band-aid. "Can I come in your work?"

Natigilan siya sa akmang pagsubo dito. "You want?" she asked gently.

"Uhm. Can I play there? I don't wanna sleep always, Emmie," he said in a pout.

Napangiti siya sa sinabi nito. "Okay, baby. " It's a good idea, actually. After lunch lang kasi siya lagi pumasok sa shop dahil ayaw niya namang buong araw iwan ang anak.

"Really?" Nagliwanag ang mukha nito. "Thank you!" Dumukwang ito sa mesa at hinalikan siya.

"But starting Monday, you should sleep early."

He beamed at her. Ipinagpatuloy nila ang pagkain. Mayamaya'y narinig niyang bumukas ang gate. Malamang si Thalia 'yon, ang pamangkin niyang pansamantalang nakikitira sa kanila.

More Than MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon