Chapter Four

5 0 0
                                    


Nagising si Em dahil sa malikot na kamay ng katabi niya. Nakapasok na sa sando niya ang kamay nito at marahang pinipisil ang dibdib niya. Nilingon niya ito at hindi na siya nagulat na tulog pa rin ito. He always had that habit of sneaking his hands on her breast while asleep.

Bumalik nalang siya sa pagkakatagilid at hinayaan ito. Matutulog na sana siyang muli nang may sunud-sunod na kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"Oy, gising na! Mag-almusal na tayo, guys!" anang boses ng ate El niya.

Agad siyang napabangon dahilan para matanggal ang kamay ng asawa sa damit niya. "Susunod na kami, 'te!" aniya. She stretched like a cat bago binalingan ang asawa. "Itchie, wake up. Mag-aalmusal na. Ibalik mo sa kama 'yang higaan maghihilamos lang ako."

Nang bumangon na ito ay pumasok na siya sa banyo at naglinis. Paglabas niya ay nasa kwarto na rin si Cello.

"Emmie!" Lumapit ito sa kanya at yumakap. "'miss you."

Natatawang umupo siya sa dulo ng kama at kinandong ito. Si Mitchell naman ang nagbanyo. "I miss you, too, baby. Did you sleep well?"

"Uhm! We played cars and play doughs. I wanna sleep there again tonight, can I?"

"Ofcourse, pero 'wag kayong makulit, ah? 'Wag niyong pahirapan ang lola niyo."

He beamed at her. Ginulo niya ang buhok nito at pinupog ito ng halik sa mukha. "Let's have breakfast. Hintayin nalang natin ang daddy mo doon."

Bago lumabas ay nagpaalam siya sa asawa na mauuna na sila at sumunod nalang ito. Nakahanda na ang almusal sa komedor at maingay. Kay aga-aga nagtatalo na ang magpinsang si Renee na anak ni Kaye at si Andrei na anak naman ni Elisse. Sanay na silang nagbabangayan ang dalawa.

"Your eyes are so big you look like an owl!" asar pa ni Andrei sa nakatatandang pinsan.

"Tita El, sasampalin ko 'yang anak mo," asik naman ng dakilang maldita.

"Haha, di mo naman ako abot. You're a nuno!" Talaga namang mas matangkad na si Andrei na six years old lang sa nine years old na si Renee. But he's a guy and his father is over six foot tall so it's understandable.

"Hah! Tignan natin kung makatawa ka pa mamaya 'pag sinampal kita."

"Tumahimik na kayo, pag-uuntugin ko kayo," awat na ni Kaye na inaasikaso ang bunso nitong anak na si Reese.

Binalingan naman ni El ang panganay. "Ikaw ang yabang-yabang mo, ang bata-bata mo pa. Marinig ka ng daddy mong ginaganyan ang ate Renee mo, ewan ko nalang sayo."

Natatawa naman niyang pinalamanan ang pandesal ni Cello. Malamang ay maranasan niya rin ang ganoon. Ngayon ngang wala pang tatlong taon si Chello ay dumadalas na ang sumpong nito.

She just can't understand him sometimes. Minsan 'pag umiiyak ito ay gusto niya na ring umiyak.

"Her eyes are big," mahinang saad ni Cello. And yes, he's pretty straight forward, too.

"It's big but it's beautiful. And you should be nice to her 'cause she's your older cousin."

"I am. She gives me chocolates. She said I'm a cute boy."

"That you are." Kinurot niya ang pisngi nito. "Sinong nagluto? Ang daming pagkain, ah," komento niya.

"Kami ni Mama. Aba, specialty ko 'yang eggs and toast," sagot ni El. May hashbrown at hams rin. Tinimplahan rin sila nito ng tig-iisang tasa ng kape.

"O, ako mamaya sa tanghalian. Tapos si Em sa hapunan, ah? Contest 'to," dagdag ni Kaye.

Natatawang nagsandok si Em ng pagkain. Lagi nalang silang nagko-contest sa pagluluto kada nagkakasama sila. Palibhasa ay matatanda na silang natuto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More Than MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon