Sunud-sunod ang pagtunog ng doorchime sa Mochafe, ang coffeeshop cum bookstore na pagmamay-ari ni Em. Sabado noon at inabot na siya ng hapon dahil ang daming costumer. Hindi niya na isinama ang anak dahil busy talaga ang shop every weekend. Tumutulong na rin siya sa pagsi-serve.
Kasalukuyan siyang nagbibigay ng order sa isang grupo ng mga estudyante nang muling tumunog ang chime tanda na may pumasok. She stood up straight and prepared a smile but it instantly vanished upon seeing her husband in the doorway. He seemed to be in a bad mood dahil magkasalubong ang kilay nito.
"Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong niya nang makalapit ito. Agad silang pinagtinginan ng mga tao. Madalas naman itong dumaan doon at kilala ito ng ilan sa madalas niyang costumer.
"Let's talk," saad nito.
Tumango siya bago nagtungo sa staff room at sumunod naman ito. Hinubad niya ang suot na apron at iniwan sa counter ang tray at sa ibabaw no'n ang listahan ng iba pang orders. Pina-asikasaso niya iyon sa ibang staffs na sandaling natigilan sa presensya ni Mitchell bago magkakasunod na bumati.
Matapos magbilin ay nagtungo na siya sa office niya na katabi lang ng staff room. Inilock niya ang pinto.
"Why aren't you answering your phone?" tanong agad ng lalaki. Kinuha naman niya ang bag sa mesa
at tinignan ang cellphone. Nakailang miscall nga ito pati na rin ang mama niya. "Mama has been trying to reach you since lunch. I would've come here earlier but I was in a meeting."She motioned for him to keep quiet as she dial her mother's number. Agad naman itong sumagot.
"Emmanoelle! Aba't kanina pa kita tinatawagan, ah? Naistorbo ko pa tuloy ang asawa mo. Sa bahay niyo naman ay si Thalia ang sumagot ng telepono at di ka pa daw umuuwi," bungad nito.
"Oo, 'Ma, nasa shop pa nga ako. Ang dami kasing tao at di ko sila maiwanan. Bakit, anong meron?"
"Umuwi na rito ang ate Kayeleen mo, pati na rin si Elisse. Aba, wala ba kayong balak sumunod dito at aalis na sa isang araw? Inaasahan namin kayo noon pang biyernes, ah?"
Napahilot siya sa sentido nang maalala ang plano nilang pag-uwi sa kanila para sa bakasyon. Sa sobrang abala niya ay nakalimutan niya nang sabihin iyon sa asawa.
"Sorry, 'Ma. Sobrang busy lang talaga. Nandito naman si Mitchell at pag-uusapan namin para makauwi kami agad. Tawag nalang ako ulit kapag okay na."
"O, siya, bilisan niyo at hinahanap na kayo dito. Si Cello, ah. Kahit 'wag ka nang sumama basta nandito ang apo ko."
"Grabe ka naman, 'Ma," reklamo niya na tinawanan lang nito bago ibinaba ang tawag.
Inilagay niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon bago bumaling sa asawa na nakaupo sa one-seater sofa at nakapikit.
Napabuntung-hininga siya sa pagod na itsura nito. Lumapit siya at umupo sa kandungan nito. His arms automatically wrapped around her before he stirred.
"When will we leave?" tanong nito.
Sinuklay niya ang buhok nito at ginawaran ito ng magaang halik sa labi. She see him everyday but it was never enough. "Pag-usapan natin mamaya. Kumain muna tayo. Kumain ka na ba?"
"Not yet. I planned to eat here. How about you?"
"Hindi pa. Nawala sa isip ko." Sumama ang tingin nito kaya tumayo na siya at kinuha ang bag. "Tara, may bakanteng mesa pa." Hindi na naman ito umimik at sumunod na lang.
They sat in their usual spot and ordered.
"May kailangan ka pa bang gawin? Isang linggo sana ang stay natin doon," sabi niya habang hinihintay ang pagkain.
BINABASA MO ANG
More Than Most
Romance"A love unrequited." He was everything she ever asked for. Six-foot tall with mahogany hair and light hazel eyes, he was her dream that came to life. Rude yet charming, careless yet determined, he took her life by storm. Everyday she spent with him...