It's a thirty-minute ride to Highlights - the biggest mall in the city. They are listening to nursery rhymes along the way. Mahina naman na sinasabayan iyon ni Cello na nakakandong sa kanya sa passenger seat. Two-seater lang ang sasakyan na ginamit nila.Mitchell is leaning in the window with his right hand on the stirring wheel. Mayamaya pa ay huminto na sila sa parking area at pumasok ng mall.
Kakaunti lang ang tao sa supermarket. Mabuti na rin palang isinama niya ang dalawa para may tagatulak siya ng cart at taga-abot ng items sa matataas na estante.
Nakasakay si Cello sa cart na tulak naman ng asawa. Panay ang turo ng anak niya na kinukuha naman ng magaling nitong ama. Mamaya niya na iyon pagtatatanggalin sa cashier.
Nang mapadaan sila sa aisle ng mga snacks ay nagpaiwan ang mag-ama. Dumiretso siya sa meat section para bumili ng iluluto sa hapunan.
Nang matapos siya ay binalikan niya ang dalawa ngunit wala na ang mga ito roon. Nagpalinga-linga siya hanggang matanaw niya ang nangingibabaw na height at complexion ng asawa sa free-taste stand. Napapailing na nagtungo siya sa stall.
"Emmie! I want!" turo ni Cello sa isang pack ng chocolate drink. Mukhang nakakarami na ito doon.
Inabot niya naman ang karton at ininspeksyon iyon habang sinesales-talk siya ng promodizer. Tumikim rin siya ng free taste at bumili ng ilang pack para sa iba pang kasama sa bahay.
Nagtungo sila sa counter at panay ang reklamo ni Cello dahil inalis niya ang karamihan sa pinabibili nito. Tuwang-tuwa dito ang cashier at mga kasunod sa pila kahit umiiral na naman ang pagka-spoiled nito.
She threw him that 'glance' and it silenced him. Nakasimangot na nagpabuhat ito sa ama at nagmukmok.
Nang matapos ay umakyat sila sa third floor ng mall para puntahan ang paborito nilang ice cream parlor. Agad nagbago ang mood ng bata. Tumakbo agad ito sa counter at namili. Pamilyar na sa kanila ang mga staffs dahil madalas naman sila doon.
Itinuro niya kay Mitchell ang bakanteng table sa tabi ng glass wall para maibaba na nito ang mga grocery bags. Sabay na silang nagtungo sa counter.
"Hi Em, Sir Mitch," bati sa kanila ni Rhea, ang cashier ng shop.
Nginitian niya ito bago nag-order ng tatlong ice cream at muffins. Binalingan niya ang asawa. "May gusto ka pa?"
Itinuro nito ang promo sa counter na heart-shape mocha cake for couples.
Tinaasan niya ito ng kilay pero nang titigan lang siya nito ay tumango na siya kay Rhea na ngiting-ngiti sa kanila. Well, ito naman ang magbabayad.
Nagbayad lang sila bago bumalik sa mesa at hinintay ang order nila.
"What are you eating?" tanong niya kay Cello na nakaupo sa tabi ng asawa. Punong-puno ang bibig nito.
The kid took his time munching before answering her. "Chocolates."
"Where did you get that?"
Itinuro nito ang isang staff na nagseserve sa kalapit na table. "She gave me lots." Ipinakita pa nito ang dalawa pang pack ng chocolate sa bulsa.
"What did I tell you about strangers?" baling naman dito ni Mitchell. Defensive ang naging sulyap nito sa kanya.
Ngumuso ang bata. "But I didn't talk to her." Nagkitinginan silang mag-asawa. Binalingan niya ang anak.
Madalas naman itong makatanggap ng kung ano-ano mula sa ibang tao kaya madalas nila itong pagsabihan.
"Next time, tanungin mo muna kami bago mo kainin ang binibigay sayo lalo na 'pag strangers, alright?"
BINABASA MO ANG
More Than Most
Romance"A love unrequited." He was everything she ever asked for. Six-foot tall with mahogany hair and light hazel eyes, he was her dream that came to life. Rude yet charming, careless yet determined, he took her life by storm. Everyday she spent with him...