(PART 2) Pick Up 48: Win Her Back

51K 1.4K 212
                                    

Thank you sa OP ni Jana sa pag sponsor sa load.. mwaaaah! 

Belated HAPPY BIRTHDAY SAGING! Lovesyouuuu! 

Namiss ko magsulat at alam kong namiss nyo din ito. 

ENJOY READING!

-------------------------

Rea's POV 

  ~~You & I
Could be like Sonny & Cher
Honey & Bears
And You & I
Could be like Aladdin & Jasmine
Lets make it happen~~ 

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko na nagsisilbing alarm clock ko na din. Panibagong umaga na naman ang haharapin ko, isang bagong umaga na hindi na sya kasama. Pinatay ko ang pinakapaboritong kanta na nasa cellphone ko. Naupo ako sa kama at saka ipinikit ang mga mata, nag umpisa akong manalangin. Alam kong hanggang ngayon may nakatagong sakit pa din sa puso ko, pero alam kong ang Diyos ang maghihilom ng sakit na nararamdaman ko. Ngumiti ako, hindi ko alam pero napakagaan ng pakiramdam ko ngayon, hindi tulad ng mga nakaraang araw. 

Pagkatapos kong manalangin ay umalis na ako sa kama at tumuloy sa banyo para maligo, marami pa akong trabaho na dapat harapin sa forever sweet, ang bakeshop na pag aari ko na ngayon. Di ko akalain na magtatagumpay ako ng ganito sa buhay. Salamat sa kapatid ko na naging lakas at inspirasyon ko sa lahat ng bagay. 

Matapos kong ayusin ang sarili ko, bumaba na ako para mag almusal. Agad akong napangiti ng mabungaran sa kusina ang pinakamamahal kong kapatid. 

"Good morning pogi!" bati ko at hinalikan sya sa pisngi. 

"Good morning din miss beautiful!" masiglang bati nya. Naupo ako sa tabi nya at sinabayan sya sa pagkain. 

"Si lola?" tanong ko kasabay ang pag nguya, di ko kasi sya nakita pagbaba ko maliban sa mga katulong. 

"Maaga umalis may aasikasuhin daw," sagot ni Siopao. Kumunot ang noo ko, trabaho pa din kaya ang aasikasuhin ni lola? Bawal na sa kanya ang magtrabaho dahil may nararamdaman na siya. 

Tiningnan ko ulit si Siopao na sarap na sarap sa pagkain. 

"Pogi gusto mo bang sumama sa forever sweet?" tanong ko ulit wala kasi syang makakasama dito dahil umalis pala si lola. 

"Naku miss beautiful gustuhin ko man na sumama sayo kaya lang di pwede, may appointment ako ngayon" tinaasan ko sya ng kilay. 

"At anong appointment naman yan ha aber?" 

"May meeting kami ni pareng Jay sa court mamaya," sagot nya at kinindatan pa ako. Di ko na napigilan ang di mapangiti sa ka-cute-tan ng kapatid ko. 

Halos ilang linggo ko na din naririnig sa kanya ang tungkol sa pareng Jay nya, mukhang nakatagpo na nga ng tunay na kaibigan ang kapatid ko. 

-----------------------

Johnny's POV

Nakakailang round na ako sa pagtakbo dito sa loob ng court, kanina ko pa din tinitingnan ang relo na nasa bisig ko. Mukhang tinanghali ngayon si pareng Ryle ah! 

Kinuha ko ang bola ko at sinimulan mag dribble, di ko pa man naititira ang bola may sumigaw na sa likuran ko. 

"Yo! Spencer!" itinira ko muna ang bola bago ko nilingon ang mga ugok na bagong dating, sina Freeman, Young, Howard, Turner at Miller.  

"Aga nyong mang gago ah," sabi ko at nilapitan sila at isa isang nagbanggaan ng balikat kasabay ang pagtapik.

"Nanaginip daw kasi itong si Howard, kailangan mo daw ng tulong," sagot ni Young at nilampasan ako para kunin ang bola. 

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon