Pick Up 2: Knock Knock

118K 3.1K 579
                                        

Rea's POV

"Assignments, reviewers, and project maker ba ang hanap nyo ngayong darating na pasukan? Ako ang tutulong sa inyo!" malakas na sigaw ko. Mukhang tiba-tiba ako sa school na ito. Mga mayayaman ang estudyante, panigurado karamihan sa kanila, masipag gumala. Isa lang ang ibig sabihin nun, wala silang time gumawa ng mga assignments at projects.

"Miss eto oh, nakalagay dyan ang number ko, kapag medyo busy ka at walang time para sa assignment mo text mo lang ako o tawagan, I'll help you." sabi ko dun sa isang babae at inabutan sya ng isang tarhetang papel kung saan nakasulat ang cellphone number ko at yung mga serbisyong kaya kong gawin.

Maaga pa, pero mahaba na agad ang pila ng mga mag-e-enroll, buti na lang di kami sinasabay sa mga regular students, isa kasi ako sa mga scholar ng M.U. Teka, dapat ko na bang ipakilala ang sarili ko? Pwede konti lang about me, kailangan ko pa rumaket e.

Ako nga pala si Rea Snyder, 17 years old, first year college. At your service. Ulila na ako at wala akong pamilya na narito sa Maynila, nakipagsapalaran lang talaga ako para maabot ang mga pangarap ko, di lang para sa sarili ko kundi para na rin sa kapatid ko.

"Miss! Mura ba ang serbisyo mo?" napaligon ako sa nagsalita. Ngitian ko sila.

"Murang mura lang kuya, kayang kaya ng budget nyo." sagot ko, may kasama syang dalawang lalaki. Parang mga aso kung makangisi.

"Talaga? Kung ganun, pwede ka ba, mamayang gabi?"

"Magaling ka ba gumiling?" tanong naman nung isa.

"Eh bastos pala kayo eh!" sagot ko. Ang ayoko sa lahat yung binabastos ako, lalo na kung hipon lang din ang mambabastos, e itsura pa lang ng tatlong ito, di lang ulo ang tapon pati katawan.

"Wag ka ng pakipot, pera lang naman katapat mo eh."

"Oo nga, papaligayahin ka na namin, magkakapera ka pa."

Sasagot pa lang sana ako, nang may bigla na lang humarang na napakadaming lalaki sa harapan ko, di ko makita mga mukha nila dahil nakaharap sila dun sa tatlo.

-----------------

Rosmar's POV

 Napatingin kaming lahat dun sa babaeng sumisigaw ng sunog, este ng ano pala, ng ewan, nalimutan ko na.

"Aba, ayos ang raket nun ah, mukang magiging madali ang college life ko sa tulong nya." sabi ni Howard

Di namin sya pinansin, dahil kailangan nya talaga yun. Tiningnan ko naman yung babae, may pinapamigay syang papel, ayos tinalo pa nya ang kumakandidato.

Medyo malapit na sya samin, nang may lumapit na tatlong lalaki sa kanya.

"Miss! Mura ba ang serbisyo mo?" tanong nung isang lalaki.

"Mukhang di ko gusto ang ngisi ng tatlong yan, Dela Cruz , nasan yung dala mong sako?" napangiti ako sa sinabi ni Young, tiningnan ko ang jaguars, at lahat pala sila nakatingin din dun sa tatlong lalaki at dun sa babae.

"Murang mura lang kuya, kayang kaya ng budget mo." sagot nung babae, di alintana ang intensyon nung tatlong pugo.

"Malaki pala ang matitipid ko." komento na naman ni Howard. Taena, yun pa din ang nasa isip nya?

"Talaga? Kung ganun, pwede ka ba, mamayang gabi?"

"Tungunu! May assignment agad ang mga gago, papagawa na agad eh" komento ni Gibson

"Magaling ka ba gumiling?"

"Bakit may kasama pang giling? Ginigilingan na ba ang assigment at project ngayon?" tanong ni Howard.

My Pick Up Girl (UNDER EDITING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon