Johnny's POV
Nandito kami ngayon sa sakayan, enrollment day ngayon at nilalagay ko na ang loob ko na pang putot na kami sa pila at talo na kami sa pustahan.
"Wengya, kung kelan naman kailangan ang taenang mga jeep yan saka naman wala!" halatang asar na si Young. Anong pustahan ang tinutukoy namin?
Simple lang, kapag naunahan namin si captain at ang iba pa sa school, mag eenroll lang naman sila ng topless. Nahati kami sa apat na grupo, ang unang grupo ay sina Montereal, Turner, Miller at Howard. Ang pangalawa naman ay sina Gray, Fisher, Freeman at Burns, ang pangatlo ay kami nina Young, Dela Cruz at Gibson at ang pang apat ay si captain..
Kasama sa pustahan ang di paggamit ng sariling sasakyan, kaya eto kami ngayon, nag hihintay ng jeep..
"Pag tayo talaga natalo, isasako ko si Spencer." tiningnan ko ng masama si Dela Cruz. At di ko napigilan ang di mapamura nang maglabas nga ng sako ang gago.
"Taena ka, san mo nakuha yan?" tanong ko, minsan talaga kung ano ano na lang ang dala ng taong yan.
"Wag mo ng itanong hayop ka, pag talaga tayo natalo, di lang kita isasako ibibitin pa kita sa puno" asar na sabi ni Dela Cruz.
"Sige lang, tapos iduyan mo ako ha." pang aasar ko pa. Di nagtagal may dumating ng jeep, kanya kanya kami ng sakay kaya lang sa kamalas malasan puno na, kaya ang nangyari nakakandong ako kay Gibson ganun din si Young kay Dela Cruz. Lahat ng pasahero sa'min nakatingin.
Wala ng rekla-reklamo taena ayoko ngang mag enroll ng topless.
"Umayos ka ng kandong Spencer!" bulong ni Gibson.
Si Young na ang nagbayad.
"Manong, bayad po, apat po, dalawang estudyante at dalawang senior" sabi ni Young.
Naghagikhikan naman ang mga pasahero. Kahit kailan talaga.Kelan pa naging senior ang dalawa samin?
"Ang bigat ng itlog mo Young." natawa na naman ang mga pasahero dahil ang lakas ng pagkakasabi ni Dela Cruz.
"Ulol! Itlog ko lang ba ang nakakandong sayo ha?" reklamo ni Young.Di na nahiya ang mga gago.
Wengya parang di maganda ang nararamdaman ng tiyan ko. Nauutot ako.
"Tungunu mo Spencer, dito ka pa nagkalat." sabi ni Gibson at nagtakim ng ilong.
"Langhapin mo na lang tol, wala na tayong magagawa lumabas na eh." sagot ko.
Di naman magkanda mayaw ang mga pasahero sa pagtawa. Yung iba naman medyo masama ang tingin, naiingayan yata sa amin.
Narating namin ang Montereal University. Mabilis kaming bumaba ng jeep. Di uso ang lakad ngayon, kailangan takbo.
Nasan na kaya ang iba? Agad kaming tumuloy sa registrar. Wengya, pagkarating na pagkarating namin, mga nakakalokong ngisi ng ibang jaguars ang bumungad sa'min.
"Pano ba yan? Alam nyo na ang gagawin." pang-aasar ni Burns.
"Wengya, Gibson at Young hawakan nyo si Spencer isako na yan taena." nagtawanan ang jaguars, at lahat ng atensyon ng mga estudyanteng nakapila ay nasa amin.
"Ang gwapo nilaaaa!"
"Sila yung varsity ng Montereal Academy di ba?"
"Oo, at balita ko, maglalaro din sila para sa University na to.."
"KyaaaaahhH! Mukhang sisipagin ako pumasok araw araw.."
"Kung alam ko lang, dito na sana tayo natulog." sabi ni Young at hinubad na ang damit nya.
BINABASA MO ANG
My Pick Up Girl (UNDER EDITING)
MizahJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...
