Johnny's POV
Naglalakad ako ngayon, kapapasok ko pa lang sa gate ng Montereal University. Di ko napigilan ang di mapahikab dahil talagang inaantok pa ako. First day of school ngayon, at medyo tinatamad pa akong pumasok.
Biglang may umakbay sa'kin.
"Sabi ko naman sa'yo, tigilan mo na ang pagpapantasya sa'kin, 'yan tuloy napupuyat ka." siniko ko si Gibson.
"Ulol!" sagot ko at binilisan ang paglalakad para maiwan na s'ya.
"Langya, sabihin mo lang kung kailangan mo ng napkin para mabilhan kita, baka kasi matagusan ka!" sigaw pa ng gago. Lakas talaga mang asar no'n.
Sinipat ko ang relo ko, maaga pa naman kaya matutulog muna ako, mamaya pa ang umpisa ng klase ko 8:30, 7:00 am pa lang.
Naisipan kong pumunta ng library. Pumuwesto ako sa may pinaka-dulong bahagi kung saan wala masyadong tao. At dahil di pa naman nag-uumpisa ang klase, mangilan-ngilan pa lang ang nandito, mga old students siguro. Naupo ako, at pinatong ang dalawang braso sa mesa, saka komportableng inihilig ang ulo sa mga braso ko. Ayos, malakas ang aircon. Pinikit ko na ang mga mata ko. Unti unti na akong hinihila ng antok.
"Gwapo nya 'no?"
"Oo, di ba isa sya dun sa 13 boys noong enrollment day?"
"Oo nga no?"
"Ang cute n'ya talaga."
Nagising ako dahil sa bulungan na naririnig ko, tiningnan ko ang paligid Napakunot ang noo ko at inaalala kung nasan ako.
Bigla akong napatayo nang maalala ko na may klase pa nga pala ako. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Wengya 9:00 am?
Agad kong dinampot ang bag ko, at patakbong lumabas ng library. Takte, napasarap ako dun ah.
Teka, san ba ang sunod kong klase? Tumigil ako sa pagtakbo at binuklat ang bag, kinuha ko ang schedule ko.
Napatakbo ulit ako dahil 9 ang umpisa ng sunod kong klase at nasa third floor pa yun. Hingal na hingal na ako bago ako nakarating.
Tiningnan ko muna ang number sa may pinto para makasigurado na dito nga yung sunod kong klase. Mahirap ng mapahiya aba!
Binuksan ko ang pinto at nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala pang prof.
"Di ba s'ya yung isa sa mga varsity?"
"Oo, s'ya nga"
"OMG kaklase natin s'ya!"
Naupo ako sa may bandang hulihan at di pinansin ang bulungan ng ilan.
Dumating ang prof. At tumahimik na ang lahat.
Tulad ng inaasahan, at ang walang kamatayang 'introducing yourself'
Nakikinig ako pero wala sa nagpapakilala ang atensyon ko. Ang boring, ganito din siguro ang nangyari sa first class ko.
Business course ang kinuha ko ganun din ang lahat ng jaguars, dahil lahat kami ay magmamana ng business ng kanya kanyang pamilya.
"Hello! I'm Rea Snyder, 17 years old, pursuing a degree in Business Management. You can call me Rea."
Napatingin ako sa babaeng nasa unahan ngayon, ang ganda ng ngiti nya halatang halata ang kainosentehan at kasimplehan.
"Kung kailangan nyo ng tutor or best buddy sa mga homework nyo at project, tawagan nyo lang ako, I'm happy to lend you a hand."
Di ko na naintindihan ang iba pa nyang sinabi dahil nakatitig lang ako sa bawat kilos nya at bawat buka ng bibig nya. Narinig ko pa na nagtawanan ang mga tao dito sa loob, kaya nabalik ako sa huwisyo.
BINABASA MO ANG
My Pick Up Girl (UNDER EDITING)
HumorJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...
