Chapter 3

11 1 0
                                    

Gabrielle's POV

"Hay naku Gabby! Kahit mamaga ang tonsils mo at sumabog ang larynx mo sa pag-ngawa at pag-atungal diyan, as if naman maayos ang car mo noh!" litaniya sa akin ng bestfriend kong si Rheine Andrei Sebastian a.k.a. Rhei.

Nakatilos ang ngusong tumingi ako sa kanya. "Eh you know naman how important to me that car di ba?"

"Okay! Nandun na ako. Pero ang point ko, wala naman mangyayari sa pagdakdak mo dyan eh. Baka sumabog lang ang eardrums ko sa'yo noh!"exagged pa itong nagtakip ng tenga.

Binatukan ko si Rhei.

"OA ka naman!"

Pinanlakihan siya ni Rhei ng mata. "Aray Gabby ha!!! Masakit yun ha!!!"

"Exaggerated ka naman masyado kasi."

"Eh bakit ba? Nagsasabi lang naman ako ng truth. and nothing but the truth!"

Humalukipkip ako. " Ah basta! Kelangan niyang mapaayos ang car ko within two days."

Nag-emote na naman si Rhei.

"Kawawa naman ang Papa Chad ko...im pretty sure naman na hindi niya yun sinasadya eh...im so hurt for him..."

"Ikaw ba kaibigan ko talaga o ano?" pinamaewangan ko si Rhei.

"Siyempre kaibigan...Bestfriend pa nga since kinder.."at maarte itong ngumiti. "But you know... Papa Chad is my ultimate crush! And duh! He's kinda super hot..."

Kilig na klig si Rhei habang nagsasalita. Pinaikot ko na lang ang eyeballs ko habang pinapanood ko ang pag-emote niya.  Hindi na ako nagtataka kung abakit naging member ito ng teatro ng HTU.

"Anong connect? Feeling mo naman ay madadala ako sa kaguwapuhan ng Papa Chad mo?" ginaya ko pa ang maarte niyang pagsasalita.

"Bhezt, will you please relax? I totally understand how you feel. But as I've said earlier wala naman magagawa ang inis mo para sa kotse mo noh."

"Okay okay fine! Suko na me. Tara na muna sa canteen nagutom na ako."aya ko sa kanya at sabay kaming tumayo.

"Sus naman Gabby! Nagtaka ka pa kung bakit ka nagutom. Sa haba ba naman ng reklamo mo kahit ako nagutom."tawang-tawa na sabi niya."Dahil diyan libre mo ha."

Napahagikgik ako sa kanya. "Pasalamat ka dahil bhezt tayo dahil kung hindi bahala ka magutom."

Sabay kaming humalakhak ng malakas. 



______________________________________________

Mejo maiksi lang..

Nppapikit na kasi ako sa pag-type.hahahaha

Aja! Sleep mode muna...

My AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon