Chapter 2

13 1 0
                                    

Chad's POV

Napapantiskuhang sinundan ko ng tingin si Gabby Ferreira habang papalayo ito. Hindi ko akalain na may mga ganun pa palang babae. Hindi man lang makuha sa ngiti.

"Whew! What a woman...!"sambit ko.

"Pero infairness pare, sobrang kinis at ganda." sabat ni Stephen, isa sa mga barkada at ka-team ko.

Napangiti ako sa sinabi niya. "We'll you're right bro'. She has a set of very beautiful eyes. Like almonds. And addition to that, her cute dimples." 

"Ligawan mo kaya pare?" sabi ni Stephen.

Nakisali na din si Mike, kabarkada din niya. "Naku bro', panigurado bago ka pa lang nangliligaw eh bugbog sarado ka na agad."

Tawanan naman lahat sa sinabi ni Mike.

"Tama si Mike. Daig pa kaya non ang T-rex kapag nagalit. Nak ita n'yo naman di ba."sabi ko.

Tawanan ulit ang lahat.

"Pero seriously mga pare, ang lakas talaga ng dating. Parang tsunami na may kasamang thunderstorm." wala sa loob na napangiti ako ng maalala ko ang magandang mukha ni Gabby.

Nilapitan ako ni Mike. "Payo lang pare. Ingat ka lang, baka kasi kainin ka ng buhay eh." saka tatawa-tawang umalis.

"Siraulo talaga yang si Mike. Tara na nga. May meeting pa kasi ang Frat eh. Mukhang galit na naman si Marco. Malamang may nakabangga na naman si Supremo ah."tumayo na ako at sumunod na din sila.

"Di ka pa nasanay kay Supremo. Alam mo naman ang galas ng isang yon eh."ani stephen

Tahimik na lang kami lumabas ng gym. Dumiretso kami kung nasaan ang opisina ng Beta Rho Fraternity.


Marco's POV

Ako nga pala si Marco James Castillejo. Leader ng Beta Rho Fraternity. Mas kilala ako sa tawag na Supremo. Pinaka mataas kumbaga. At walang sinuman ang pwedeng bumangga sa akin. Madumi akong maglaro. At wala kahit sino man ang makakapag pabagsak sa akin. 

Pinatawag ko ang mga miyembro ng frat dahil may isang mahalagang bagay akong ipapagawa. Nang makompleto na ang grupo ay inilapag ko ang isang 5R picture ng isang babae sa table. Ibig sabihin ito ang susunod na misyon. 

Tumingin ako kay Chad, alam kong isa siya sa mga bagong recruit. At tamang-tama lang na siya ang gumawa nito. Medyo nagtaka akong sa reaksiyon ng mukha niyang habang nakatitig sa larawan.

'Sabagay di ko siya masisi. Alam kong maganda siya. Kaya ko nga nakursunadahan. Pero masyadong mataray ng sinubukan kong lapitan. HIndi ko makakalimutan kung paano niya ako ipinahiya. Kaya bilang ganti, matitikman niya ang lupit ng isang Supremo.' may munting ngiti na naglaro sa mga labi ko habang nakatunghay din sa larawan.

"Chad..."kitang-kita ko ang biglang paninigas niya ng tawagin ko ang pangalan ko.

Nagtatanong ang mata na tumingin siya sa akin.

"Alam kong alam mo na ang gagawin. Di na kita kelangan bigyan pa ng instruction."

Pagkasabi non ay tinalikuran ko na sila at umalis na ako.



____________________________________________________________________

Natapos ko din ito...


HEHEHEHE....

sMILE LANG!!!! 

My AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon