Stacy's POV
Pag pasok ko sa school as usual may nakita nanaman akong naglalampungan sa tabi tabi,nakakasira ng araw! to be honest mas gusto ko pang nakakakita na nag aaway yung mga mag shota eh, nakaka good vibes kaya! bwahahaha*insert evil laugh
Bigla kong naisip na ngayong araw na pala mag seseating arrangement,Sana lang talaga matino yung makakatabi namin ni Daphne! Sana nga, sana nga, sana nga, sana nga
*Blagggg
"ARAYYY ko naman!"
"Ayy di ko nakita, ikaw kasi eh paharang harang sa daan" in sarcastic way niya sinabi
Ang sakit hah! bigla man lang ako banggain nung lalaki,napaupo tuloy ako .WAIT kilala ko to ah! siya yung new classmate namin! ano nang pangalan niya? Ma... Mat.... Ayun Matthew!!
"Excuse me? Ang lawak lawak ng daan oh, bulag ka ba hah?, hindi ka man lang mag sosorry sakin? hindi mo man lang ako itatayo dito?? "
Tumalikod lang siya tapos nag lakad na. Aba tong lalaking to hindi man lang ako pinansin?
Tinayo ko yung sarili ko tapos kinuha ko yung libro nung babaeng dumaan sa harap ko. And guess what? Binato ko siya, sakto pa sa ulo niya! BULLS EYE!
"PANGET!!!!" sigaw ko sakanya
"Bakit mo ginawa yun?" sabi ni Matt
"Bastos mo kasi eh!"
Wala parin siyang pake,nag lakad parin siyang palayo sakin tapos nakita ko na may lumapit sakanyang lalaki, yung isang new classmate namin,tapos nag usap sila parang wala man lang nangyari! Grabe!!! nakakainis!!!!
Nung nakarating ako sa room, nag dadabog parin ako, nakakainis kasi talaga!!
"Best anyare sayo? May umaway ba sayo? Ano ipa-salvage ko na ba?" Sabi ni Daphne
"Ano kasi... PAANO BINANGGA AKO NUNG LALAKING PANGET,HINDI MAN LANG TINULUNGAN TAPOS HINDI MAN LANG SIYA NAG SORRY! Ang KAPAL ng mukha niya!"
"Sino??"
"Yung new------" bago ko masabi yung name ni Matthew,biglang dumating yung teacher namin kasama niya ulit yung dalawang mokong! umiinit nanaman yung dugo ko!
"Pst, mag hunusdili ka" bulong sakin ni Daphne
"Good morning cla----"
"Walang Good sa Morning!!" Sabi ko sa isip ko, tapos biglang tumingin lahat sakin ng mga classmate ko,pati si Matthew at si Vincent. Waitttt?? WTF?! napalakas pa yung pagkasabi ko? I'm D-E-A-D!
"Ms. Reyes? Is there any problem?- sabi ng teacher namin
" Ohh no sir. Sabi ko po There's a Good in Morning :)"Please maniwala ka Sir, ayokong madetension >.<
"Okay, Lahat kayo tumayo dun sa likod, it's seating arrangement time :)!! "
"Sana makatabi ko si Matthew!" Sabi nung babae sa likod ko, " Gusto ko naman si Vincent!" Dagdag nung katabi niya. Edi sainyo na! sus
"Ms. Stacy Reyes dun ka 3rd row, at Ms. Daphne Santos pumunta ka sa harap ni Stacy"Pumunta naman kaming dalawa sa pwesto namin.
"Mr. Matt Ocampo,tumabi ka kay Stacy, and you Mr. Vincent Castillo,sa tabi ni Ms. Daphne" Ayyy putspa! Si sir naman oh! Sa dinami dami ng classmate ko bakit eto pang mokong na to!
Bigla namang tumabi sakin si Matthew, di parin siya tumitingin sakin ,wala paring balak mag sorry!
buong klase wala kaming kibuan. Nababadtrip talaga ako!!
BINABASA MO ANG
That Mysterious Guy(Still Writing)
Novela JuvenilMatthew "Matt" Ocampo is a mysterious guy/Mr. Sungit, posible kayang ma-inlove sya sa isang katulad ni Stacy Reyes who is heart breaker?