Chapter 1

119 3 5
                                    

WARNING: Ang mga tauhan, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang ng may-akda. Ang anumang may pagkakahawig sa mga ito ay nagkataon lang at hindi sinasadya. Salamat sa inyong pang-unawa.(Etchos lang! Mwahahahaha!)

AN: This will be my first story in this site and newbie din ako pagdating sa pag-susulat kaya just bear with it. Sana po ay magustuhan niyo. Unang story pa lang to ng QfL(Quest For Love) actually, parang magiging series siya ng mga buhay ng mga main characters na mai-introduce dito. Kaya ang 'Journey To Your Heart' ay iikot sa buhay ni Xander August Vallejo. Abangan na lang po yung story ng ibang characters sa mga susunod na serye. :) Enjoy po

CHAPTER 1

1995

Buwan ng Agosto, isang maulang gabi. Nasa kalagitnaan na ng gabing iyon at mahimbing na rin ang tulog ng mga tao sa Quest For Love Orphanage. Naalimpungatan si Sister Salve, ang pinakabatang madre sa bahay-ampunang iyon sa isang ingay. Nakiramdam muna siya bago bumalik sa pagtulog ngunit ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata nang makarinig ulit siya ng ingay.

"Anong ingay iyon?" bumangon siya at binuksan ang lampshade na nasa tabi ng kanyang kama. Buhat doon ay nagising ang kasama niya sa silid na si Sister Anita. Mas matanda ito sa kanya ng mga walong taon.

"Bakit sister?" tanong sa kanya ni Sister Anita.

"Para hong may narinig akong ingay sa labas." sagot nito.

"Naku baka mga pusang naghahabulan lang yun." paliwanag ni Anita. "Mabuti pa bumalik ka na sa pagtulog at-" Pinutol ng isang malakas na iyak ang sasabihin niya. Dahil nasa unahang palapag lamang sila at malapit sa pintuan ang kanilang silid ay malinaw pa rin nilang maririnig kung mayroon mang ingay sa labas ng ampunan.

Dali-daling kinuha ni Sister Anita ang kanyang salamin at tinungo ang pinto. Agad namang hinanap ni Sister Salve ang isang flashlight at sumunod kay Anita. Habang sila'y papalapit sa pintuan ng ampunan ay lalo namang lumalakas ang hikbi.

"Di yata't isa iyong iyak ng musmos?" pansin ni Anita.

"Oo nga po Sister." pagsangayon naman ni Salve.

"Hala, bilisan natin!" tarantang sambit ni Anita. At binilisan nga nila ang paglalakad habang lumalakas naman ang ulan sa labas.

xxx

"At! Pagbukas ko ng pinto, nasilayan namin ang napakagwapo at napakaamong mukha ng isang anghel." masayang kwento ni Sister Salve. "Isa siyang anghel na pinadala mula sa langit."

"Paano po iyon Sister? Hinulog na lang siya bigla mula sa taas?" inosenteng tanong ng isang batang babae na nasa walong taong gulang. Natawa naman ang madre dito gayundin ang mga batang nakaupo sa kanyang harapan.

"Hindi sa ganun Lexi... Ang ibig kong sabihin ay biyaya siya mula sa Diyos kagaya ninyong lahat. May mga anghel na nagdala sa kanya dito." nakangiting paliwanag ni Salve sa mga ito habang kinukumpas ang mga kamay gaya ng isang lumilipad na ibon.

"Ano po ang ngalan ng baby na yun?" tanong ulit ni Lexi. Ngumiti si Salve at tinignan ang isang batang lalaki na nasa edad na siyam. Kitang-kita sa mga kulay itim nitong mga mata ang pagtataka nang magawi ang tingin niya dito. Parang kailan lang nang una niyang makita ang mga matang iyon, nang una niyang masilayan ang mga ngiti nito sa mapupula niyang labi. Binaling niya ulit ang tingin kay Lexi na halatang interesado sa kwento. "Ang pangalan niya ay Xander." ngiting sagot nito.

"Sabi ko na nga ba eh si kuya Xander iyon!" tuwang-tuwang sambit ni Lexi. Samantalang ang batang lalaki naman kanina ay rumolyo ang mga mata sa narinig.

"At dahil pinanganak siya sa buwan Agosto, dinagdag namin sa kanyang pangalan ang August. Kaya siya ngayon ay si Xander August!"

"Sister!" singit ng isang batang lalaki na mukhang mestisuhin habang nakataas ang kaliwang kamay nito.

"Ano iyon Enrique?" sabay turo sa bata.

"Bakit po siya hinulog sa lupa este pinadala pala sa lupa?" pabirong tanong ng pinakapilyo sa kanilang lahat.

Lalo namang natawa ang madre sa tanong. "Ano sa palagay mo Enrique?" balik niyang tanong. Nagkibit balikat naman ang batang lalaking nagngangalang Enrique. "Ah!" biglang sambit ng madre. "Siguro dahil alam nilang paglaki niya ay magiging tagapagtanggol siya ng mga naaapi dito sa lupa."

"Kagaya po ng ginawa niyang pagtatanggol sakin kanina Sister?" singit ni Lexie. Napaisip saglit si Salve. "Oo. Pero mayroon siyang isang pagkakamali." Muli niyang tinignan si Xander. Habang ang batang lalaki naman ay nagbaba ng tingin. "Tandaan ninyo mga bata. Ang pagtatanggol sa sarili o sa ibang tao ay hindi masama basta ba huwag ninyong idadaan sa sakitan o away lalo na't mga bata pa kayo."

"Sila naman po ang naunang nanakit Sister..." paliwanag ni Xander. "Gumanti lang naman po ako saka isa pa inaaway nila si Lexi." dugtong niya habang nakayuko pa rin at nakakuyom ang mga kamay.

"Alam ko naman yun Xander pero sana sa susunod wala ng mag-aaway ha? Sa tingin niyo ba matutuwa si Papa Jesus nun?" Natahimik ang mga bata sa kanyang tanong. "Pinapangako niyo bang hindi na kayo makikipag-away?"

"Pangako po Sister." sabay-sabay na sagot ng mga bata.

"O siya, siya. Gabi na maghanda na kayo sa inyong pagtulog." utos ng madre sa mga ito. Agad namang sumunod ang bata at nagsihiga na sa kanilang mga kama. "Hep hep! Wag muna ipikit ang mga mata dapat mag-pray muna." Tumalima ang mga bata at sabay-sabay na nagsign of the cross. "In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit..." at kanya-kanya na sila ng mga dasal at kahilingan.

AN: Grabe andami kong Author's Note. Haha. Anyways, to be honest nakulangan ako dito sa first chap. Ang totoo niyan hindi naman talaga ako writer or something like that. Naisip ko lang na gumawa ng story dami kasing tumatakbo sa isipan ko na mga kwento kaya I decided to write it at gawan na nga ng kwento nakakasakit na rin kase ng ulo parang sasabog. Haha! Please review na rin po kung itutuloy ko pa ba or what? Hehe. And also, comments(either good or bad) and suggestions are very much appreciated. Arigatou! Ja ne! :)

QUEST FOR LOVE: Journey To Your Heart (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon