Chapter 3

32 3 2
                                    

CHAPTER 3

Isang araw, habang nagpapahinga sina Xander at ng kanyang mga kaibigan sa may ilalim ng puno ng narra ay nagyayang maglaro si Enrique ng tagu-taguan. Pagkasabi niya nun ay bigla siyang binatukan ni Zian. "Aray naman! Bat mo ko binatukan?" tanong niya habang hinihimas ang batok. Pinagtawanan sila ng kanilang mga kasama. Lagi silang ganito, laging nagpipikunan at 'nagsasakitan' Hindi naman talaga masakit yun dahil mahina lang naman ang ginawang pagbatok sakanya ni Zian. 

"Loko-loko eh san tayo magtatago? Kita mong kapatagan dito o kung sa loob man alam mo namang bawal maglaro dun." 

"Eh ikaw pala loko-loko eh." ganti ni Enrique. 

"Anong sabi mo?" kunwaring naiinis na tanong ni Zian. 

"Woi, relaks ka lang tol. Magyayaya ba naman ako kung alam kong wala tayong mapag-tataguan?" nakangiti niyang sagot. Isang nakakalokong ngiti at parang hindi iyon nagugustuhan ni Xander. Senyales kasi yun na may naiisip na naman siyang kung anong kalokohan. 

"Eh saan yun?" biglang tanong ni Carmela. Nagsecond the motion naman ang iba pa.  

"Oo nga." 

"Onga" 

"Onga" 

"Onga" 

Ngumiti ulit siya ng pagkatamis-tamis. "Naalala niyo yung may maliit na gate sa banda dun?" tanong niya habang tinuturo ang parte kung saan may malalagong puno. Nagsitanguan naman ang kanyang mga kasama. "Doon tayo magtatagu-taguan." 

*pak!* 

"Sira-ulo ka talaga eh no?!" sinapak siya ni Zian. 

"Bakit na naman ba?!" 

"Ulol! Ed di ba nga bawal din tayong pumunta dun?" sumbat nito. 

"Alam ko kaso nagtataka din ako kung bakit tayo bawal doon. Ayaw din naman nilang sabihin yung dahilan. Saka sigurado pati rin kayo gustong malaman di ba?" 

"Ako gusto kong malaman." nakangiting sagot ni Ryuji. 

"Ako din." sabi ni Carmela. 

"Sige. Pati na rin ako." pagsang-ayon ni Lexi. 

"Ano tara na?" yaya sakanila ni Enrique. 

"Hep-hep!" pigil sa kanila ni Xander. 

"Um.. Hooray?" singit ni Zian. 

"Hooray mo mukha mo!" paangil na sabi ni Xander. "Paano kung malaman nina Sister na pumunta tayo dun? Gusto niyo bang magasgasan ang tuhod gaya ko? Baka nga mas mabigat pa dun ang ibibigay nilang parusa satin." nag-aalalang paliwanag sa kanila ni Xander. 

Inakbayan siya ni Enrique. "Alam ko yun kuya. Gusto lang naman naming malaman kung anong meron dun eh. Isa pa, magsisidatingan na yung mga maaaring mag-ampon satin bukas pano kung isa sa tin kukunin na eh di hindi na natin nalaman kung anong lihim ang tinatago nila dun. Malay mo may kayamanan palang nakabaon dun." 

"Oo na. Andami mong sinabi puro naman kalokohan." kahit papano ay nakumbinsi siya ni Enrique. Matagal na rin naman siyang nahihiwagaan sa parteng iyon ng ampunan. "O sige. Maglalaro lang tayo dun ah saka saglit lang dapat baka hanapin tayo at malaman nilang pumasok tayo." 

"Masusunod boss." sagot sakanya ni Enrique. 

Sabay-sabay silang nagsitayuan at humakbang patungo sa lugar na yun. Napansin ni Carmela na hindi sumunod sa kanila si Blake kaya tinanong niya ito. "O Blake hindi ka ba sasama?" Umiling lamang ang huli at nanatiling nakaupo. 

"Sigurado ka?" muling tanong ni Zian sakanya at tumango lamang siya bilang kasagutan. Hindi naman na nila ito pinilit pa.  

"Sige basta wag kang magsusumbong ah. Antayin mo na lang kami dito." paalala sakanya ni Enrique. Muli siyang tumango. At nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakad. 

QUEST FOR LOVE: Journey To Your Heart (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon