Chapter 4

32 3 1
                                    

CHAPTER 4

Kinabukasan, tahimik na kumain sina Xander. Napansin ito ni Sister Salve kaya tinanong niya ang mga ito. "May problema ba mga bata?" Kadalasan kasi ay maiingay ang mga ito lalo na si Enrique kaya naman lubos siyang nagtataka. Tahimik sila kapag may nagawang kasalanan o kaya'y may problema. 

Nagkatinginan muna ang mga bata. "Um.. wala ho Sister." si Carmela ang naglakas-loob na sumagot. 

"Natatakot ba kayo na baka may kumuha na sa inyo?" muling tanong ng madre sa kanila. Ito ang alam niyang bumabagabag sa mga bata. Sumang-ayon naman dito si Xander at napatango. "O-opo Sister, yun na nga po." nadagdagan na naman ang kasalanan niya. Mapupunta pa ba siya sa langit neto? Alam naman niyang hindi iyon ang dahilan ng katahimikan nila. Ang totoo nga niyan hindi na nila naisip ang mga maaaring mag-ampon sa kanila dahil simula pa kagabi ay pare-pareho silang nag-aalala kung hindi nga ba talaga sila sinumbong ni Mang Berto. At dahil mukhang hindi alam ni Sister Salve ang nangyari ay nakahinga sila ng maluwag kahit papano. 

Pagkatapos nilang mag-agahan ay naligo na sila. Ngayon na kasi darating yung unang batch ng mga maaaring umampon sa kanila. Nang matapos ng maligo si Xander ay hinanap niya si Mang Berto. May gusto siyang itanong sa lalake. Pumunta siya sa may bakuran ng ampunan at hindi naman siya nabigo dahil nandoon nga ito nagdidilig ng mga halaman. 

"Mang Berto!" tawag niya dito at agad naman siyang nilingon ni Berto. "O ano yun Xander?" tanong niya sa bata nang makalapit na ito ng husto sa kanya. 

"Eh pwede po bang magtanong?" 

"Aba nagtatanong ka na nga oh." nakangiting sagot ni Berto. 

"Hehe." napakamot naman sa ulo si Xander. "Ano pong meron sa lugar na yun?" deretso niyang tanong. Nagtaka naman si Berto sa tanong nito. "Yung lugar po kung saan niyo kami nakita kahapon." pagka-klaro niya. 

"Bakit mo natanong?" 

Nagkibit-balikat naman ang bata. "G-gusto ko lang hong malaman." 

"Hindi ko nga rin alam eh." 

"E ano pong ginagawa niyo doon kahapon? Nag-sumbong ba si Blake sa inyo?" 

"Hindi iho. Walang nagsumbong. Ako kasi ang nag-didilig sa mga halaman doon at ganung oras ako pumupunta doon upang magdilig." 

Napatango na lamang si Xander sa sagot nito. "E sa mga diwata o enkantada po naniniwala kayo?" Nagulat si Berto sa tanong nito buti na lang at hindi iyon napansin ni Xander dahil nakatalikod siya noon. 

"Eh... sa lugar namin dati. Naniniwala ang mga matanda sa amin sa mga diwata at enkantada." 

"Kayo po?" pangungulit niya. 

"Mm... kapag nakakita ako maniniwala ako" muli niyang sagot. "Bakit kaya hindi mo tanungin sina sister tungkol dyan?" dagdag pa nito. 

"Eh di po ba hindi naman naniniwala ang simbahan sa mga ganong nilalang Mang Berto?  

Ang lalaki naman ang napakamot ng ulo. "Dipende naman siguro yan. Parte na kasi sa ating kultura ang mga engkantong yan eh." 

"Ganon ho ba? O sige po aalis na ako baka hinahanap na nila ako." hindi kasi siya nakapag-paalam kina Sister na aalis siya saglit. "Salamat din po pala sa hindi niyo pagsumbong sa amin." at tumakbo na siya pabalik ng ampunan. 

"Pasensya na iho..."

xxx

1 month later...

"Halika na Xander." tawag sa kanya ni Salve. "Hinihintay ka na nila sa baba." 

"Sandali na lang ho." sagot niya dito. Muli niyang pinagmasdan ang kanilang naging kwarto ng mga kaibigan. Ilang sandali na lang ay iiwan na niya ang lugar na ito dahil naghihintay na ang mga aampon sa kanya. Oo, akala niya maiiwan na siyang mag-isa dito sa ampunan sapagkat ang mga kaibigan niya ay unti-unti ng umalis. Una ay si Blake. Natunton siya dito ng kanyang nagpakilalang tiyahin. May mga pinakita din itong mga papeles na nagpapatunay na totoo ang sinasabi nila. Hindi man nagsasalita noon si Blake ay kita naman sa kanyang mga mata ang matinding kalungkutan na mawalay sa kanyang mga kaibigan. Ilang araw ang lumipas ay sumunod naman si Ryuji. Isang mag-asawang napakayaman daw sa kanilang lugar at hindi magka-anak ang umampon dito. Pagkatapos nun ay dumadalas na ang mga gustong umampon. Si Enrique, si Carmela si Zian, at ang huli ay si Lexi. Iyak siya ng iyak noong paalis na siya.

"Kuya ayoko pang umalis." umiiyak niyang sabi habang nakayakap kay Xander. 

"Wag ka nga. Ayaw mo bang makapag-aral? Di ba pangarap mo yun at pinangako ng mga mag-aampon sayo na pag-aaralin ka nila?" pinipigil niya ang mga luha sa pagtulo. 

"Halika na Lexi..." hinawakan ng magiging nanay niya ang kanyang kamay at hinila paalis sa kanya. 

"Mag-iingat ka!" paalala ni Xander habang kumakaway sa batang babae na wala pa rin tigil sa pag-iyak. Mag-isa na lang siya ngayon. May mag-aampon pa kaya sa kanya? 

xxx-xxx  

Makalipas nga ang ilang linggo ay may dumating na mag-asawa dala ang kanilang anak na babae. Hindi niya inakalang sila pala ang mag-aampon sa kanya. Lumabas na siya sa kwarto upang bumaba baka naiinip na ang mag-aampon sa kanya at magbago pa ang isip. Hindi na niya dinala ang mga damit at gamit niya dahil bibilhan na lamang daw siya ng bago ang mga ito. 

"Siguro mayaman." sa isip-isip ni Xander. 

Nang nakababa na siya ay nakangiting tumayo ang mag-asawa. "Handa ka na ba?" tanong nung babae sa kanya. Tumango naman siya at sumagot. "O-opo." 

"Let's go?" inabot sa kanya nung lalaki yung kamay niya. Ilang sandali lang ay nagdalawang isip siya. Handa na nga ba talaga siya? Pero agad din niyang inabot ang kamay nito.

AN: pahinga muna kaya walang KWT ngayon :P

QUEST FOR LOVE: Journey To Your Heart (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon