Chapter 2

55 3 1
                                    

AN: Please review or comment po. :) This is a Teen-Romance Fantasy(?) story pala. Enjoy! :)

CHAPTER 2

Kinabukasan, maagang nagising si Xander bago pa man ang takdang oras ng paggising nila sa umaga. Alas-sais ang oras ng kanilang paggising pero nang tinignan niya ang orasan sa kanilang kwarto ay alas sinco y media pa lang. Sabagay hindi pa naman kasi tumutunog yung bell na siyang senyales ng kanilang paggising. Kinusot niya ang kanyang mga mata at nag-inat. Bago bumaba sa kanyang kama ay pinagmasdan muna niya ang mga kasama na mahimbing pa rin sa pagtulog. Sa isang kwarto ay tig-pito na bata. May pitong maliliit na kama ang nandoon at ang kanya ay nasa dulo malapit sa may bintana. Tinignan niya ang nasa katabi niyang higaan na si Enrique. Natawa ito ng makita niya ang kanyang hitsura. Nakanganga kasi ito at may tuyong laway pa sa gilid ng kanyang labi. Bumaling naman siya sa katapat niyang higaan. Nakita niya ang mahimbing at nakangiting mukha ni Alexis o mas kilala sa palayaw niyang Lexi. Ito yung batang pinagtanggol niya kahapon. Hindi niya maiwasan na maalala ang mga naganap...

xxx 

..."Huling igib ko na to. Mabuti pa bilisan ko para makapaglaro na kami ng mga kaibigan ko." sabi niya sa sarili. Ngayon kasi ang araw ng kanyang pag-iigib sa kanilang grupo. Mga lalaki lang ang nag-iigib samantalang ang mga batang babae naman ang bahala sa paglilinis. Hindi naman ganun kalaki ang bahay-ampunang iyon. May sampung madre ang nangagasiwa doon at ang pinakapunong-madre sakanila ay si Sister Teresita, siya rin ang pinakamatanda kaya siguro siya ang naging tagapamahala dito. May apat na grupo ng mga bata sa ampunang yon na may tig-pitong miyembro. Tigdalawang madre ang nangagasiwa sa isang grupo at ang na-assign sa kanila ay si Sister Salve at Sister Dolores. Mababait ang mga madre dito hindi kagaya ng sa mga napapanood sa teleserye pero kung me nagawa ka talagang mali mapaparusahan at mapaparusahan ka. 

Napuno na ni Xander ang kanyang timba kaya binuhat na niya ito. Malawak ang likuran ng ampunan kumpara sa harapan nito at dito madalas naglalaro ang mga batang katulad niya. Sa kanyang paglalakad ay natanaw niya ang grupo ng mga batang lalaki sa may di kalayuan at tila nakapaligid sa kung anuman ito. Namukhaan niya yung nakatalikod na matabang batang lalaki, si Bobby, ang kilalang may pagkasiga sakanila.  

"Tsk tsk." napailing na lamang siya nang makita ang mga ito. "Sino kaya ang biktima niya ngayon? Grabe di na nagtanda sigurado mamayang gabi nyan kalyo na naman ang aabutin ng tuhod niya." natatawa niyang sabi sa sarili. Alam niyo na, tipikal na parusa sa ampunan. Papaluhurin ka sa bilao ng monggo o kaya asin. Pero ni minsan hindi pa niya naranasan ang parusang yun. Mabait yata siya. Sa grupo nila tinuturing siyang kuya ng mga ito kahit naman halos di sila nagkakalayo ng edad siguro dahil siya rin ang unang nabe-birthday sa kanila kaya ganun. Nang papalapit na siya sa tapat ng mga ito ay dinig na niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Siguro mas tamang tawagin na nating away dahil galit ang tono ni Bobby. 

"Ano ibibigay mo ba sakin yan o mas gusto mong masaktan?!" tanong niya sa isang bata na may hawak na isang supot ng kornik. Umiling lang yung bata at pinipigil ang iyak.  

"Ah ganun ayaw mo!" sabay tulak sa bata dahil dito ay hindi na napigilan nung bata ang kanyang luha at ngumawa. 

"Waaaaaaaaaaaaa!... ang bad mo talaga baboy!" sigaw niya sa nagtulak sa kanya. Nagsara naman ang mga ito ng kani-kanilang tenga dahil sa nakakabinging ngawa nito. 

"Anong sabi mo?! Baboy?! Sinong tinatawag mong baboy ha?!" galit nitong tanong. 

Sinalubong ng bata ang nanlilisik na mata ni Bobby. "Eh di ikaw! Sino pa ba ang mukhang baboy dito alangan namang ako e ang payat ko tapos inaagawan mo pa ko ng pagkain! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" 

"Tumigil ka nga nakakabingi ka!" akmang tatadyakan na ni Bobby ang bata nang may sumigaw mula sa kanilang likuran. 

"Hoy Bobby itigil mo yan!" 

QUEST FOR LOVE: Journey To Your Heart (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon