Chapter 1
Uwak
Kasalukuyan akong nakarahap sa salamin habang pinagmamasdan ang aking sariling repleksyon. Ipinamulat sa akin ni lola ang kahalagahan ng kagandahan, isang katangian na kailanman ay hindi maaagaw ng iba.
Hindi ba dapat ay katalinuhan ang una sa lahat? Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at piniling tumango na lamang sa lahat ng sinasabi sa akin ni lola.
Alam kong isang malaking responsibilidad sa babaeng katulad ko ang pangalagaan ang kagandahan, ngunit hindi ko magawang ipagkaila na ang paraan ng pag-aalaga sa akin ni lola ay hindi na normal.
Hindi naman sa ayaw ko ng pag-aalaga sa akin ni lola. Mahal na mahal ko siya na handa kong sundin ang lahat ng kagustuhan niya. Ngunit ang karamihan sa paraan niya upang mapanatili ang kagandahan ko ay kadalasang nakapaninindig balahibo.
Minsan ay sumasagi sa isip kong inihahanda ako ni lola para ialay sa isang makapangyarihang tao.
Umiling na ako sa naiisip ko.
"Mahiwagang salamin, ipakita sa akin ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa?" tanong ko sa lumang salamin ni lola na parang sasagot nga iyon sa akin.
Ngumisi ako, kasabay ng pagsumping ng takas na hibla ng buhok sa tabi ng aking kanang tainga.
"Ikaw... Claret Cordelia Amor..." sagot ko sa aking sarili.
Saglit akong natawa sa aking repleksyon. Nababaliw na naman ako.
"Claret! Bumaba ka na! Mahuhuli ka na sa klase mo!" naalarma ako sa sigaw ni lola.
Mabilis kong sinuklay ang maiksi kong buhok na hanggang balikat at isinuot ang aking salamin sa mata. I have a very poor eyesight. 450 to my left and 350 to my right.
"Good morning po, Lola!" I kissed her cheeks.
"Kumain ka na. Alam mong ayokong nalilipasan ka ng gutom, hindi 'yan maganda sa iyong katawan." Tumango ako sa kanya.
Ito na naman kami at ang pag-aalaga niya sa aking katawan.
Para kay lola, isa akong babasaging bagay na hindi maaaring magasgasan o magalusan. Ang lahat ng bagay na pwedeng sumira sa aking kagandahan ay inaalis niya at ang bagay na makakapagpanatili sa aking ganda ay sinisikap niyang ibigay sa akin.
Hindi ko siya gustong nahihirapan para lang sa kapakanan ko (sa pagpapaganda ko). Minsan ay sinubukan kong tumanggi sa kanya ngunit binibigyan ko lang daw siya ng rason para magalit siya sa akin.
"Lola, malapit na ang eighteenth birthday ko. Ano po ang regalo n'yo sa akin?" biro ko.
Pansin ko na natigilan saglit si lola. May nasabi ba akong mali? Hindi ba siya nasisiyahang nasa tamang edad na ako? Isa na akong ganap na dalaga.
"Bibigyan kita ng regalo kung pananatilihin mo ang sarili mong malinis at puro..." natawa ako sa sinabi niya.
Ilang beses ko na ba iyong narinig sa kanya simula nang magkaisip ako? Malinis at puro...
"Pinalaki n'yo po ako nang tama. Hindi po ako kailanman makikipaglandian sa kahit sinong lalaki." Ngumiti ako kay lola na napahinga nang maluwag.
Our life was simple. We were not rich with expensive cars, not a stockholder of a huge company, not an owner of an exclusive school, not a daughter of a well-known business tycoon, and not even a spoiled brat with luxurious collections bags, shoes and dresses.
I was just a simple girl with a simple family, my grandmother. Siya lang ang pamilya ko at kahit kailan ay hindi niya ipinaramdam na may kulang sa akin. My whole life was filled with her golden words, advices and wisdom na punong-puno ng kanyang pagmamahal. Simula pagkabata ko ay hindi nagkulang sa akin si lola, isang malaking dahilan kung bakit hindi ko magawang maghanap sa kanya ng ina't ama.
BINABASA MO ANG
His Bite (Book 1 of Bite Trilogy) Venom Series #1
VampireOn her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a healer in Nemetio Spiran, a vampire world where all is not as it seems. ...
Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte