Chapter 5
Mess
Paanong sa isang iglap ang simpleng buhay ko kasama ang aking lola sa kabundukan ay biglang naglaho na parang bula? Bakit sa dami ng babaeng nabubuhay, ako ang naharap sa ganitong sitwasyon?
Isang sitwasyon na hindi ko akalaing aking mapagdaraanan.
Tila napaso ako sa mga salitang sinabi ni Zen. Nagsimula akong umatras papalayo sa kanya nang sandaling bitiwan niya ang kamay ko. Ano ang pakiramdam na iyon? Bakit hinayaan ko siyang kagatin ako? Bakit hinayaan ko ang sarili kong magpatangay sa ganoong emosyon?
Ang mainit niyang labi sa aking balat ang siyang dahilan kung bakit tila tinakasan ako ng aking malinaw na pag-iisip. Isang pangyayaring ngayon ay palaisipan na. Ano ang epektong iyon na inihahatid sa 'kin ng lalaking nasa harapan ko?
Nang tinangka niya akong muling hawakan, marahas kong iniwas ang aking mga kamay mula sa kanya. May tila kung anong emosyon ang gumuhit sa kanyang mga mata nang gawin ko iyon.
Sakit?
"Zen, mas makabubuting huwag mo muna siyang biglain sa mga pangyayari." Pormal na boses ng tinatawag nilang Kamahalan ang napagpatigil kay Zen upang patuloy akong lapitan.
"Nasaksihan na natin at ng buong konseho ang pagniningas ng kanyang mga mata. The whole imperial court of Parsua Sartorias are now convinced that she's our deity from the other world." Sabi ng babaeng tinatawag nilang si Lily.
"This is enough."
Nang sandaling tumayo na si Kamahalan, tuluyan nang namatay ang mga nakasinding apoy sa bawat simbo at kusang nabuhay ang mga ilaw. Inaasahan kong makakasaksi ako ng napakaraming bampira dahil sa mga matang nakita ko sa kadiliman ngunit ang sumalubong lamang sa akin ay ang walong bampirang siyang unang sumalubong sa akin.
"Mas mabuting ako muna ang kumausap sa kanya. Hindi mo magagawang makapagpaliwanag nang maayos sa kanya, Zen at malaki ang posibilidad na mauwi lamang iyon sa iyong pagkagat." Umismid si Zen sa sinabi ni Lily.
Sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya habang nakahawak sa aking braso. Ano ang dapat niyang ipaliwanag sa akin? Hindi ko gustong maging bampira katulad nila.
"Halika na, Claret."
Kung papipiliin ako kung sino ang maaari kong samahan, higit kong pipiliin si Lily kaysa kay Zen. Wala akong tiwala sa nagiging reaksyon ng katawan ko sa tuwing lumalapit siya sa akin.
"Claret..." muling tinawag ni Zen ang pangalan ko na tila kinukumbinsi akong sa kanya ako sumama.
Tinalikuran ko na siya at sumama na ako kay Lily.
"Lily, sana'y ipaliwanag mo sa kanya nang maayos." Tumaas ang kilay ni Lily bago lumingon pabalik kay Zen.
"Zen, my dearest brother, you're such an entertainment. Hindi ako sanay na ganyan ka."
"Shut up."
"Lily, we'll join!" sabi ng batang babae sa kambal.
Ibinalik ako ni Lily at ng kambal sa silid kung saan ako unang nagising at nasisiguro kong iyon ang silid ni Zen. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ko na namang naramdaman ang kanyang kagat.
Kasalukuyan kaming nakapalibot sa harap ng isang bilog na lamesa.
"We have a very big family tree." Panimula ni Lily.
"Nakapagtataka talaga. Nakita kong nagkulay pula ang mata niya nang kagatin siya ni Zen. Bakit hindi pa siya nagkakapangil? I can't even feel her strength. Parang tao pa rin siya." The little girl looked at me curiously. Halos sumakay na siya sa lamesa para lamang mas lapitan ang mukha ko. Samantalang nananatiling tahimik ang batang lalaki sa isang sulok.
BINABASA MO ANG
His Bite (Book 1 of Bite Trilogy) Venom Series #1
VampireOn her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a healer in Nemetio Spiran, a vampire world where all is not as it seems. ...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte