Boiled. Fried. Sunny side-up. Scrambled.
Kahit anong luto ng itlog gusto ko. Adik ako dyan. Mahilig sa cholesterol. Di takot tumaba. Haha! Joke! Takot kaya ako. Conscious nga ako sa katawan ko eh. Sa height kong 5'6, 50kg naman timbang ko. May baby fats pa, at talagang mataba na ako nito feeling ko.
Gustong gusto ko magpapayat. Mag-exercise. Magjogging. Magzumba. Sumayaw. Magdiet. Pero wala eh, tamad ako. Pano pa kaya ako papayat kung di ko paghihirapan. Hayyy, hanggang reklamo nalang ako nito.
Tinitingnan ko lang yung isang boiled egg sa mesa. NAg-iisip kung kakainin o hindi. Tsss. Tinalo talaga ako ng katakawan ko sa itlog. Eto, binabalatan ko na. Kasi naman eh! Bakit ba kasi masarap ang itlog?
Hanggang hawak nalang ako sa babyfats ko sa tyan. Ano ba to? Kailan ba mawawala mga to?
"Diet diet din kasi pag may time. Tsaka magslendance ka. Tingnan mo 'ko." Sabi ng ate ko habang pinapakita tyan nyang sobrang nipis. -_-
"Sus! Wag ka nga. Panong magdadiet eh ako tagaluto. Ikaw kaya magluto tingnan natin kung di ka tataba." wala kasing inatupag tong ate ko kundi ang sumayaw, kumain, sumayaw, gala at matulog lang. Kaya ayan ang ganda ng katawan.
"Bakit? Nataba ba ako nung ako tagaluto? OA mo ah. Bakasyon ka lang ngayon eh. Diet at sayaw din kasi minsan! Tsaka ngayon lang ako di nakapagluto kasi andito ka. Ikaw kasi ba't ansarap mo magluto, ayan tuloy sa kusina bagsak mo. Haha!"
"Nagcompliment ka pa, mang-aasar ka lang din naman."
"Sige lang Kulot. Love ka naman namin eh. Pagbalik mo ng Cebu, ako na ulit. Isang linggo lang naman diba? Tiis muna. At tikim tikim lang kasi sa mga niluluto para di ka tumaba. Haha!"
"Yun na nga eh, sa sobrang sarap ko magluto pati ako I can't resist my luto kaya napapakain ako ng wala sa oras."
Tiningnan ko yung natitirang boiled egg. Bakit ba kasi ang hilig ko kumain?
"Oh ayan ka na naman. Isubo mo na. Pinoy talaga!" Adik talaga tong Ate Myka ko. Kakainin at uubusin ko naman talga eh. :3
"Tataba ako lalo nito!"
"Yaan mo na maganda ka naman! Tapos umalis na sya sa harap ko. Buti naman.
Yun lang, maganda ako. Sa totoo lang sabi ng mga tao, di naman daw ako mataba. Sakto lang daw katawan ko for my age. Masyado lang daw talaga akong conscious kasi dati akong patpatin. Malaman na daw ako ngayon. Hot, ika nga. :DDDD
Lima kaming magkakapatid. Isang lalaki, apat na babae at pang-apat ako.
Anyways, ako pala si QUEEN. Ay mali. Ako si Valerie Nicole Sison. Bente uno. Babae syempre. Baliw (minsan). Matakaw. Kulot at purple ang buhok. At naman, MAGANDA. As in M-A-G-A-N-D-A.
Yung Queen? Hmm, kilala ako sa cyberworld sa ganung pangalan. Laman ako ng halos lahat ng gaming, social and interactive sites. Sa chatrooms, forums at syempre sa sarili naming site, sa CHATMANIA.ph -- isang forum at chat site.
Pero sa realidad tinatawag nila akong Kulot at Lab. As in L-A-B.
Isang callcenter agent. Liberated. Mapera (daw). Easy-to-be-with. Gala dito, gala dun. Lalaki dito, lalaki dun (di, joke lang! Haha). Inom dyan, inom kahit san. Ngunit..............
NBSB ako. OO, NBSB. Di kayo nagkakamali ng basa. No boyfriend since birth talaga ako. Pero NBSB man ako, sa cyberworld ako ang matinik na si Queen. Busted Mistress. Relationship Wrecker. Bitch. Reyna ng Pa-fall. At everyone'sbaby.
Sabi ng mga kuya ko dun sa mundo ko (Cyberworld), ako daw yung tipong every boy's dream girl at every girl's nightmare. Imposible daw akong NBSB. Eh sa yun ang totoo. Napakachoosy ko kasi. Ayy, di pala masyado. Namimili lang ng right guy at naghihintay sa ideal guy ko. Pero choosy talaga ako. Ahhhhh basta!
