**Ring...
**Ring...
**Ring...
Babe calling...
"Hello babe? Napatawag ka?"
(Eh namimiss na kita. Kelan ba balik mo?)
"Bukas. Ikaw ah, 1 week lang akong nagbakasyon eh."
(Nakakamiss ka kasi Babe. Sunduin nalang kita Bukas. Muah!)
"Okay, 2pm arrival time ko. See yah."
(Alright. Bye..... I love you.)
At inend ko na yung call. At saka lang nagsink-in sa utak ko ang huling sinabi nya.
'I love you..'
'I love you..'
'I love you..'
Sinabi nya ba yun? Baka guni-guni ko lang yun. Pero......
'I love you..'
Sinabi nya yun eh! Narinig ko kahit mahina. Bakit ko kasi inend agad yung call? Aiiish!
'Alright. Bye. I love you."
Yun yun eh! Excited aksi masyado mag-end ng call Lab eh. Ayan tuloy!
Sige next time di ko na ibababa agad-agad.
Pero pano kung wala ng next time?
Pano kung........
Hindi! May next time pa!
Nga pala, sya si Jan Stephen Go. Janus, ang Babe ko. Nakilala ko sya sa site namin, sa chatmania.ph. Newbie pa lang sya nung makilala ko. Naging kaibigan at naging LOVE ko rin. Sumikat si Janus sa site. Aside na kaibigan ni Queen, sumikat din kasi gwapo. Sa sobrang gwapo, eto palihim na minamahal ni Queen.
Yung babe? Wala. Kasi walang kami. Pero yun yung parang endearment namin, kasi etong reyna nyo anlandi! Haha!
**flashback**
Sa Chatmania chatbox
Queen: Kuya Pula, wala bang gwapong lalaking napadpad dito?
Red: Sabihin mo kung may bagong napadpad dito. Amp kang bata ka. :DD :DD :DD
Queen: eh kasi naman kuya, nakakasawa mga lalaki dito eh. :DD :DD :DD
Jan15: .
Jan15: hello?
Red: :DD :DD :DD Adik ak talagang bata ka!
Queen: ang korni ng naman ng chatnick, Jan15. Soooooo gay. Amft :DD :DD :DD
Jan15: ano naman korni dito? tsaka di ako baka.
Red: Ayan na :DD :DD :DD
Queen: eii sa korni sa para sakin. meii magagawa ka ba dun?
Queen: Baka daw :DD :DD :DD :DD
Red: :DD :DD umagang umaga, eii nantitrip ka bata! :DD
Queen: Yaan mo na kuya :DD :DD
Jan15: sorry typo error
Queen: wahahahahaha. halatang newbie eii. Asl mo nga Jan15 <3
Red: amp ka talaga bata ka HAHA! :DD :DD
Red: ayan na naman ang puso. wm na muna. Bata ;)/
Queen: watch and learn Kuya. wmwell. :DD
Jan15: 18mcebu
Queen: fb account?
Jan15: pasearch Jan Stephen Go (Janus). Ikaw asl?
Queen: 17fcebu. Mei gf o wala?
Jan15: wala ikaw?
Red: Ikaw na talaga bata! HAHAHA! Oii janus ingat ka sa batang yan, sobrang mabait yan. :DD
Queen: walang gf at bf. single. gwapo ka, bagay sakin. pwd mo akong ligawan.
Red: Bata! :DD :DD Agad-agad?
Jan15: accepted. Ganda, bagay sau ang Queen. Valerie Nicole Sison
Queen: Makafullname ka naman babe wagas!
Red: Ikaw nga baata eii, babe agad-agad! :DD :DDv
Queen: Kua naman, wm ka lang db? Epal neto :DD :DD
Queen: Mute natin si kua Red babe. pati lahat ng wm para solo mo ko.
**eof**
At dun nagsimula ang lahat.
Lahat ng gusto ko sa lalaki, na kay Janus na.
Gwapo, mayaman, mabait, caring, God-fearing, family oriented, understanding and everything. Isa nalang ang kulang, di ko alam kung love nya ako o hindi eh. :3
Love nya naman ako, ramdam ko yun. Pero hindi eh. Basta alam ko love ako ni Janus, hindi ko lang alam if he loves me same as I love him. Aaahhhhhh! Ang gulo! Basta ganun!
4years ko na syang kilala. 4years ko na din syang gusto.
4years ko na syang kaibigan. 4years ko na din syang minamahal.
Sa loob ng 4years na yun, naghihintay lang ako. Hinihintay na ligawan nya ako.
Kaya nga ako ang matinik na si Queen eh, kasi lahat ng manligaw sakin, BASTED.
Nagiging dahilan pa ako ng away at hiwalayan, eh kasi naman masyado daw akong pa-fall. Oii di ako proud jan. Sila kasi, di ko naman sinasadyang madala sila sa sweetness ko.
Pero etong si Janus, ewan ko nalang talaga sa lalaking to. Halos isubo ko na nga sa kanya ang "OO", ang sagot sa tanong na matagal ko ng hinihintay. Pero wala pa rin. Naghihintay pa rin ako.
He's acting like my boyfriend naman pero hindi rin. Iba pa din yung niligawan nya ako at sinagot ko sya para may Label diba? -_-
Nakikipagfling na nga ako eh para magselos sya. tsss. Pero wala pa rin, wa epek. Kaya eto, magkaibigan pa rin kami.
Bakit kaya? Ang alam ko (tsismosa kasi ako, assuming din. hihi) liligawan daw ako dati ni Janus. Yun din yung sabi sakin ni Kua Red. Sila kasi yung nagkakausap tungkol jan.
Pero wala, biglang ***BLAAAAAG!**** T_T
Kung niligawan nya lang sana ako dati, 4years na sana kaming magjowa ngayon.
Hindi yung 4years na kaming magkaibigan. Nakakapanghina. Hayyys.