*dugdug* *dugdug*
Alam na. pag nagkarerahan na tong mga tibok ng puso ko.
“B – babe?” sabay kalas sa pagkakayakap kay Chaos. AWKWARD.
*dugdug* *dugdug*
Nakita nya ba yun? Anlandi kasi. TT___TT
Ohmygaaaaad! Baka isipin ni Janus na…..
Aahhhh! Hindi! TT>TT
“Oi Lab? Di mo ako ipapakilala?” Chaos snapped at me.
Punyemas! Naglue ata mata ko kay Janus at namighty bond mga paa ko at zinipper ang bibig ko. Gaaaaaad!
“babe.” Lumapit lang si Janus samin. Hoy malandi, mag-isip ka anong gagawin mo?
“A – ahh. Eh babe. Nga pala si Chaos, isa sa mga unang tao sa CM. Chao, si Janus. Kaibigan ko, dumating sya nung time na mawala ka.”
Wow, what a phrase. ‘nung time na mawala ka’.
“Pare ingat ka sa babaitang to ah? Kumakain to ng tao.” Sabay nakipagkamay kay Janus. Gawin ba akong aswang? Amft.
“Tsaka iniihaw nya pa nga minsan bago kainin eh. Haha!” aba? Hindi ako ganyan kabrutal Janus. >_____< nagkasundo pa tong dalawang to. Mga adik talaga. TT___TT
“Laro daw tayo babe. Andun na sila sa porch.”
“ah – eh. Ikaw Chao baka gusto mo sumali?”
“sige kayo nalang Lab. May kakausapin pa ako. I’ll just catch up with you. Some other time.” He patted my head at nagbitaw pa ng nakakainlove nyang smile. ^_____^
*bonk*
“^____^ sige tara babe.” Eh di laki din ng smile ko. Di masyadong malandi eh. Haha!
“Kuya, ano lalaruin?”
“Bote totoo.”
“ha? Ano yun?”
“Duhh, Valeen. Yun yung walang kamatayang larong bote. Yun yung papaikutin at sasagutin mo ng OO o HINDI ang mga tanong.” Sagot ni Nikka.
Yun ba yung tawag dun? Gawa-gawa lang ata ng mga to yung pangalan. Amft. Yae na nga.
Ayun nga naglaro na kami. Yung iba, obvious ng lasing. Ayaw kasi sumagot ng mga tanong. Sumali pa sila. Amft. Yes or no lang naman ang isasagot, eh nag-iinarte pa. Ayan tuloy, lasing! Haha!
Pinaikot na ulit ang bote. Syempre ang lahat tutok na tutok dun sa bote. If I know nagwiwish sila na sana di tumapat sa kanila. Duhh, sumali pa sila diba? Mga baliw!
~tadaaaaaan!~
Ayy, di sakin tumapat. Malas naman. T___T
Ow weeeeeeyt! Kay Janus nakaturo? Ohlala~! May 3 questions ang group. Haha! Humanda ka babe!
“mahal mo ba baby namin?”
O____O kakagulantang naman tanong ni Kua Ocx. Pero sige lang. hehe.
*dugdug* eeeehhhhh *dugdugs*
Ba’t ako kinakabahan? O>O
“ano Janus? Oo o hindi lang.” follow up ni Kua Ocx. Katagal naman nitong sumagot eh. Excited na ako. Haha! For sure, oo yan. Sagot na babe! Kutongan kita jan eh. Hihi. *___*
“Hindi.” Nakayuko nyang sabi.
Ano daw? Hindi? Nabingi ata ako. Pakiulit nga. Haha!
“Janus, mahal mo ba si bata?” Si kuya Red yan. 2nd question. Malamang nabingi rin si Kua tulad ko. Hehe.