10

43 0 0
                                    

Cloeh's Point Of View

Hanggang ngayon hila-hila parin ni Nathan yung kamay ko. Saan ba ako dadalhin ng kumag na 'to? Kumag talaga eh? Hahaha.

"Nathan? Saan ba talaga tayo pupunta? Kanina mo pa kasi hila-hila yung kamay ko." Sabi ko naman sa kanya. Totoo naman eh, hindi ko nga alam kung saan kami pupunta.

"Basta." Hay nako! Ititikum ko na nga lang 'tong bibig ko. Eh sa hindi naman siya marunong sumagot ng maayos. Tss. Nakakaumay. Mga ilang minuto ang naka lipas eh andito na kami.

"Dito sa park?" Tanong ko sa kanya. Nako. Eh 'bat andito kami? 

"Alam mo naman palang andito tayo sa park magtatanong ka pa." T-Teka? Anyare dito? Parang naiinis eh.

"Oh? Problema mo't nakabusangot ka diyan?" I asked. Anong bang problema ni Nathan? Hays! 

"Wala!" Sagot niya at agad umiwas ng tingin. Eh walanghiya naman pala 'toh eh! Hihila-hilain ako papunta dito sa park tapos tatanungin ko kung bakit kami nandito tapos  nakabusangot lang. Ugh! I hate him. Parang bigla akong nairita sa kanya kaya nagsalita ako. Kahit mahal ko 'toh at may utang na loob ako sa kanya dahil niligtas niya ako kanina, still maiirita't maiirita pa rin ako sa kanya! Tch -.-

"Tinatanong kita kung bakit mo ako dinala dito ang sagot mo WALA, at nakabusangot ka pa. Huwag mo akong daanin sa inis mo Nathan. Hindi ka nakakatuwa. Maiwan na kita ng makapagpalamig ka ng utak mo. Diyan ka na nga. Tss." Lintanya ko sa kanya at nagsimula ng maglakad palayo. Pero nagulat ako ng may humawak sa braso ko at niyakap na lang ako bigla. Sino pa ba? Edi si Nathan. Psh.

"Sorry na! Ikaw naman kasi eh. Aish!" Sabi niya habang nagmamaktol. Parang bata. At ano daw? Ako pa? Hindi ko siya maintindihan!

"Anong ako?! Bakit sakin mo sinisisi yang ini---" Hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi bigla siyang nagsalita.

"OO! Naiinis ako kasi hindi ka man lang nag-ingat. Paano na lang kung nagalaw ka ng mga lasing yun? Paano na lang kung napahamak ka kanina? Ang daming mag-aalala sayo pag nagkataon yun, at kasama na ako doon! Mag-ingat ka kasi Cloeh. Hindi sa lahat ng oras ay matapang ka. Sana tinext o tinawagan mo ako kanina para nasamahan kita pauwi sa inyo. Buti na lang sinundan kita. Mag-ingat ka nga pag umuuwi ka ng mag-isa. Naiintindihan mo ba?" Mahabang sermon niya sakin. Agad naman akong napayuko. Tama nga naman siya. Napaka careless ko talaga. *sigh*

"Galit ka?" Mahina kong tanong sa kanya habang nakayuko parin. Ang laki pala ng utang na loob ko sa kanya. Ano ba naman to? Nakakahiya tuloy! >.< Nagulat naman ako ng bigla niyang inangat yung mukha ko at ngumiti.

"Hindi. Hindi ako nagalit. Nainis lang." He answered. Aw. Nainis pala siya! Kaya napayuko naman ulit ako.

"Pero hindi na nagyon. Kanina pa yun. Haha. Huwag ka ngang mahiya." Singit naman niya at niyakap nanaman ako. Awtsu! Ang sweet lang. Sheeet, 'wag ka nga! XD

"Talaga?" Tanong ko naman sa kanya. Eh! Kinikilig na ako dito oh! Kaya yumakap na rin ako ng pabalik sa kanya. >//<

"Oo nga sabi. Para ka talagang bata. Tara na, ihahatid na kita sa inyo. Baka mamaya madapa ka pa." Inirapan ko lang siya. Ano ako? Bata na madaling madapa?! Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay then he interlaced our fingers. Sheet! May kuryente. Hahahahaha! Naglakad na kami pauwi. After 5 minutes, nakarating na kami sa tapat ng bahay.

"U-Uhm, Nathan. Salamat nga pala sa kanina ha. S-Sorry din pala kasi inaway pa kita kanina." Sabi ko sa kanya sabay yuko.

"Nako ano ka ba, 'wag ka ng mahiya. Kahit kailan hindi ka naman naging pabigat sa akin. Kaya nga mahal na mahal kita eh." Ano daw? Hindi ko narinig yung huling sinambit niya. Binulong niya lang kase.

KAILAN? [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon