(Kinabukasan, paalis na sana siya para pumasok ng biglang..)
Simon: Hindi ka manlang ba magpapaalam muna bago umalis..
Arian: Oh, sir.. Ang aga niyo naman pong nagising .. Ahh, kase po ayoko na sana kayong istorbohin ehh.. Nakapag luto na naman po ako ng makakain ehh.. Tsaka ang sabi po ni Dorothy siya na daw po ang maghahain.. May pupuntahan pa po kase ako kaya kailangan agahan ko ang alis..
Simon: Nag breakfast ka na ba?
Arian: Sa school na lang po..
Simon: Ihahatid na kita .. Tapos kumain muna tayo bago ka pumasok..
Arian: Naku sir, wag na po..
Simon: Oh, nakalimutan mo na ata ang sinabi ko sayo .. Diba ang sabi ko, wag mo na kong masiyadong galangin dahil hindi naman nagkakalayo ang edad natin diba?
Arian: Pasensiya na .. Uhm, pero kung yan talaga ang gusto niyo..
Simon: Ihahatid na kita..
Arian: Wag na.. May pupuntahan pa ako..
Simon: Edi, ihahatid kita sa pupuntahan mo..
Arian: Wag mo na kong alalahanin.. Diba dito natulog yung girl friend niyo, ang mabuti pa.. Siya na lang ang asikasuhin mo.. Para naman mabawi niyo yung mga oras na di kayo magkasama..
Simon: Pero gusto sana kitang ihatid..
Arian: Sige po sir. Mauna na ko..
(At nagmamadaling umalis si Arian pero lingid sa kaalaman nito na sinundan siya ni Simon.. Nagpunta muna sa isang grocery store si Arian bago dumiretso sa kanilang bahay..)
Arian: Tay..
(At ng makapasok si Arian sa kanilang bahay ay tumambad sa kaniya ang amang natutulog habang may hawak na bote ng alak..)
Arian: Tay talaga..
(At itinabi ni Arian ang mga nagkalat na bote at dahan dahang inalalayan ang kaniyang ama na makahiga sa papag..)
Arian: Tay, nasa mesa po ang lahat ng pinamili ko .. Nag iwan na rin po ako ng note tsaka pera doon.. Sorry tay ahh.. Di ko kayo maasikaso ngayon, para rin naman po sa atin tong ginagawa ko ehh.. Ah, tay.. di na po ako magtatagal, kelangan ko pa po kaseng pumasok ehh.. Mahal ko po kayo tay.. Naniniwala po ako na darating din ang panahon na ititigil niyo na ang lahat ng ginagawa niyong pananakit sa sarili niyo..
(At ng makaalis si Arian sa kanilang bahay ay agad namang bumaba sa kotse si Simon at nagtanong tanong sa mga tao na malapit doon..)
Simon: Excuse me.. Pwede bang magtanong?
Ale: Ano ba yun iho?
Simon: May kilala ba kayong Arian?
Ale: Ah, si Arian.. Siyempre kilala ko yun, napaka bait na bata non eh..
Simon: Sa kubong yun ba nakatira si Arian?
Ale: Ah, Oo..
Simon: Kung hindi ako nagkakamali, ang ama niyang paralisado na lang ang kasa-kasama niya sa bahay..
Ale: Kelan pa naging paralisado ang tatay niya? Eh, sa araw araw na ginawa ng diyos ay wala na yang ibang inatupag kundi uminom ng alak.. Sa tuwing lasing yun ay ang anak niya ang pinagbubuntunan niya.. Kaya yun, laging maga ang mukha ng anak niya.. Mabuti na nga lang at nagtatrabaho ngayon sa ibang bahay yung si Arian ehh.. Dahil kung hindi baka bugbog na naman ang inabot non sa tatay niya..
BINABASA MO ANG
MR. PERFECT
Novela Juvenil"I thought I'm almost perfect but I'm not, you made me see the real me. And at this moment, I can say that I'm already Perfect. Darling, you complete me." - Simon
