(Matapos ang Birthday Party ni Anne, ay nagkaroon muli ng pagkakataon na makapag usap sina Arian at ang ama nitong si Dan, patuloy pa rin itong humihingi ng kapatawaran at paulit ulit lang rin siyang pinapatawad ng anak .. Sa mansiyon na rin nanirahan si Dan kasama ang asawa nitong si Anne, dinalaw nila isang araw ang puntod ng namayapa niyang asawa upang ipaalam ang mga nangyari at wala naman silang naramdaman na kahit na anong pagtutol mula rito ..)
(Agad naiayos ang passport nina Simon, Arian at Kat kaya naman agad na ring silang nakalipad papuntang states .. Totoo nga ang sinabi ni Kat, itinakwil siya ng kaniyang pamilya sa kagustuhan na makabalik sa pilipinas pero hindi nito sinabi na may isang lalaki pala na gusto ng kaniyang mga magulang na ipakasal sa kaniya .. Ngunit matapos makausap ni Simon ang mga magulang ni Kat ay tila naliwanagan ang isipin ng mga ito at muli nilang tinanggap ang kanilang anak kahit hindi na nito pakasalan pa ang lalaking inerereto nila ..)
(Nang matapos nilang ayusin ang problema kay Kat, ay inenjoy na nila Simon at Arian ang pagpuntang yun sa States, namasyal sila sa napaka raming lugar, kumain sa iba’t ibang restaurant at nag shopping para sa pasalubong pagbalik sa pilipinas .. Walang mapaglagyan ang kasiyahan nilang dalawa habang magkasama, nakakahinga na rin sila ng maluwag sapagkat wala na rin silang problemang hinaharap sa ngayon .. At kung mayroon pa mang mga problemang darating sa kasalukuyan ay handa na silang harapin at lutasin yun ng magkasama .. Alam nila na walang perpektong relasyon sa mundo, nandiyan ang away, selos, tampuhan, di pagkakaunawaan, etc .. Pero naniniwala sila, na sa dalawang taong perpekto ang pagmamahalan para sa isa’t isa, walang kahit na anong elemento ang makakasira sa relasyon nila ..)
(Ilang buwan rin ang lumipas nang muling bumisita sa mansiyon sina Misty at Josh at hindi na sila nagulat ng makitang magka holding hands ang dalawa habang papalapit sa kanila .. Naging masaya si Arian para sa dalawang kaibigan at lalo na kay Josh na tuluyan na atang nakalimutan ang nararamdaman nito para sa kanya, kaya naman wala na siyang guilt na nararamdaman sa sarili ng minsang saktan niya ang damdamin nito ..)
(Malapit na ang pinakahihintay na Graduation ni Simon, ay este si Arian pala .. Si Simon kasi ang mas excited sa kanilang dalawa, eh kasi naman atat na atat na tong mapakasalan siya .. Kaya nangako siya sa sarili na pag dumating na ang araw ng kanilang kasal ay isusumpa niya sa harap ng altar na kaniyang gagawin ang lahat para maging isang perpektong may bahay ng lalaking kaniyang pinaka mamahal ..)
(Kasalukuyang nakahiga sa garden sina Arian at Simon nang mga sandaling yun, yakap ang isa’t isa .. Nagpa plano para sa magiging buhay nila pag naging mag asawa na sila .. At sa future ng magiging anak nila .. Hanggang sa bumalik sa kanilang alaala ang kanilang naging una pagkikita, napuno ng tawanan ang paligid nila .. Hanggang sa mapagtanto na lang nilang hinahagkan na pala nila ang isa’t isa ..)
------------------------------------------------- THE END -----------------------------------------------------
Thank u po sa lahat ng mga Bumasa hanggang sa wakass ..
Hindi ko naman po talaga intensyon na i-publish ito dito sa wattpad para maipabasa sa iba .. Ginawa ko lang po kasi ito para sa isa sa malapit kong kaibigan na si Arian at inilagay ko lang po siya dito para maipabasa sa kaniya .. So thankful po talaga ko dahil nagkaron rin kayo ng interes na basahin ito ..
Sana po basahin at suportahan niyo rin yung iba pang stories na ipa-publish ko dito sa wattpad .. Maraming maraming salmat po :)))
BINABASA MO ANG
MR. PERFECT
Teen Fiction"I thought I'm almost perfect but I'm not, you made me see the real me. And at this moment, I can say that I'm already Perfect. Darling, you complete me." - Simon
