2nd

4 0 0
                                    

"Turn on sa lalaking handang magbakla-baklaan mapasaya ka lang." Sabi ni Tricia.

"Yung lalaking magaling kumanta at maggitara. Ugh!"
Sabi naman ni Madelyn.

"Yung lalaking dadalhan ka ng sundae at fries sa bahay. Nakakakilig mga besherie!" Tili naman ni April.

"Turn on talaga dun sa lalaking magaling magbasketball. Parang si Brian mylabs!" Sabat naman ni Barbie.

"Yung lalaking laging may load para maitext ako. Parang si bHie_29 qUoh!" Sabi AiLeEn_09, ang class jejemon namin. Ajejejejejezz

"E ikaw Yessa? Anong type mong guy? Ahihihi" Tanong naman sakin ni Anna.

Hmmm.....

"Yung lalaking nagsusuklay ng ngipin, kumakain ng plastic, umiinom ng acetone, sampu ang mata, nagapang papuntang school, nagsha-shampoo ng deodorant. O ano pa?! Magsitigil nga kayo! Mga pauso b3h!"

Kahaharot ga ng mga kaklase kong are! Mga grade 8 palaang. Juskolord!

Pumunta na'ko sa upuan ko para magrelax. Tamang-tama kasi nasa tabi ako ng pintuan. Kitang-kita ang hallway. Kasalukuyan akong nagsesenti nang may tumabi sakin. Lamnadis.

"Pst." Sabay kulbit nya.

"Uy."

"Oy."

"Pansinin mo naman ako."

Whut? Ge na nga.

"Ano bang problema mo Zamora?! Kitang nagmo-moment ako dito e." Iritado kong sabi. Pero kunyare lang. Pa-hard to get bala-bala.

"Wala lang." Sabay tawa nya.

Inirapan ko siya. Halimbawa maganda ako. Hehez.

"Bakit ba lagi mo'kong tinatawag sa last name ko? Pwede naman yung first name ko eh." Curious si koya oh.

"E nakakabulol first name mo e!"

"Huh? Anong nakakabulol sa Renzekiel?" Natatawang tanong nya.

"Basta!"

"Sige na nga. Tawagin mo nalang akong Ren. Okay na?"

"K payn. Ren." Naiinip kong sagot.

KATAHIMIKAN.


"Yessa, ayaw mo ba sakin? May nagawa ba akong mali sayo? Diba okay naman tayo tapos--"

"AHAHAHAHAHA! Ano bang pinagsasabi mo? Katawa ka dude." Nakakatawa talaga kasi. Nakakaano din at the same time. Nakakakilig. Lam nyo na? Para syang sira.

"Pero alam mo ba, ikaw pinakahate ko sa klase natin dati." Pagpapatuloy ko.

Halata namang nagtaka agad sya.

"Tanda mo ba dati? Yung sinigawan mo'ko kasi nasandalan ko yung bag mo. Akala mo naman masisira ko yung bag mong kakulay ng payong galing kay Bokal Beth Sio ng bayan. As in. Sobra. Nagtampo ako nun kasi narinig ng iba nating kaklase na sinigawan mo'ko. Kaya simula nun, uminit na dugo ko sayo. Alam kong maliit na bagay pero ako kasi yung taong sensitive.''
Maluha-luha ako matapos ko magretell ng experience ko.

Parang natameme siya. Na-guilty ata. Char!

"Ay ganun ba?"

Ay koya! Shunga lang? Kakasabi ko lang ah? Gusto mo from the top? Pero syempre di ko sasabihin yan. Less talk, less mistake. Chos!

"Ganun na nga." Nagnod pa ako nyan. Para gets nya. Kow. Pag talaga yan hindi pa, nako. Nako talaga.

"Kasi kung alam mo lang, nandun kasi yung regalo ko para kay Lola e. Sorry Yessa ha. Sorry talaga. Kung alam ko lang na nagalit ka edi sana nakapagsorry agad ako."
Jusko. Kakaawa ang fes nya. Mukang guilty talaga ang loko. Ahihihi.

Pero uy! Ako din naman. May dahilan naman pala kung bakit nya 'ko sinigawan. Ang pagkasweet na bata!

"Nako. Ganun pala yun. Sorry din ha. Kalimutan na natin yun. Past is past. Okay na sakin yun." Binigyan ko sya ng isang ngiti, yung bukal sa puso ha. Walang halong kaplastikan. Peksman.

"Umm. Pano ba yan? Goodluck nalang sa group natin mamaya sa quizbee sa English ha. Linis muna ako. Cleaner e. Bye!"

At sinundan ko siya ng tingin.

Rain, Rain.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon