4th

4 0 0
                                    

Sobrang bilis ng panahon. Kung dati ang dami kong gusto, ngayon si Ren nalang. Char!

Dati rati, kasing liit ko lang si Mura. Ngayon mala- Kiray Celis na! #ProudToBeMe

Tapos ngayon....

Yung mapapa-"Hello grade 9, goodbye grade 8!" ako.

Sobrang saya. Yung excited ka sa new teachers, classmates, seatmates, bagong room, bagong pupuntahan sa fieldtrip, tree planting, new theme of foundation day, at marami pang iba. Lalong lalo na yung thought na finally makakaranas ka na ng JS Prom. Excited na'ko!

Sa pagpasok ko sa gate ng campus, isang tao lang ang hinanap ko...

"Yessa!"

"Ay puto!"

Aynako. Pag mahilig manggulat, kilala ko na 'to.

"Ye, di ka pa rin tumatangkad. Nasan na yung sinasabi mong lumaklak ka ng cherifer?" Nagpipigil pa yan ng tawa. Hinayupak na'to. Pinagtatawanan ako!

"Wa-wala! Joke lang yun. Tsaka tanda mo ba, April 1 ko yun sinabi diga. Lam mo na. April Fool's! Hehehe" Nagkakamot sa ulo kong palusot.

"........"

"........"

Please. Gumana ka. Please. Ipapatirador kita kay Duterte pag di ka nakisama!

"Eh? Siguro nga no? Bilis ko na talaga makalimot. Hahaha."

"Haha tara na nga. Hanapin na natin sila."

Sa ngayon, alam ko sa sarili ko na iba ng level 'to. Iba na ang tingin ko sa kanya. Mahal ko na ata 'tong lalaking 'to.

Yun ba namang lagi kang chine-check kung may assignment na ba ako, kung nakapagreview na ba ako. Tapos lagi din akong kausap through chat, pinapatawa sa mga korni jokes niya, at higit sa lahat, lalo pa nyang inilalapit sakin si God.

Ngayon ko lang sasabihin to,

Nakakaturn on talaga ang lalaking makaDiyos.

Mahal ko na nga siya.





Isang araw na naman ang lumipas.

Ang bilis ng oras.

Kasi masaya.

Kapag masaya ka, ang bilis ng oras. Kapag malungkot, ang bagal ng oras.

Ako lang ata yung gustong mahaba ang oras sa room? Mas gusto ko kasi yung kasama ko ang mga kaklase kong tinuturing ko ng pamilya.

Nandyan yung mga maiingay sa klase, mga genius, mga chismosa, selfie addict, techie, mga dyosa at lalong-lalo na yung mga matatahimik.

Nagtataka tuloy ako minsan kung paano nila nagagawa yun. Siguro mabilis mapanis laway ng mga yun? Yakkkk

Pero mas nagtataka talaga ako kung bakit nagchat sakin si Jeremy. Yung kaklase ko na sa una e iisipin kong "Pipi ba 'to?" o kaya mapapasabi nalang ako ng "Imik-imik pag may time ha."

Bukod sa tahimik, napakasuplado nito. 'Kala mo naman ikinagwapo nya.

Hays. Rereplyan ko ba?

Jeremy: Hi Marlou.

Sa tingin nyo, dapat kong replyan diba?!

Ako: Ha?

Jeremy: Ay di nagets. Hahaha

Ako: -_-

Jeremy: Diba crush mo yun? Ahahahaha

Ako: Che!

Jeremy: E ako? Kilala mo ba crush ko?

Ako: Hindi. Harot mo. Sige. Sino? Si Shaira siguro. Kasi napapansin ko na lagi kang nakatingin ka sa kanya e. Ayieee!

Jeremy: Hindi no! Hindi si Shaira. Yung.........bestfriend nya.

Hmm...sino bang bestfriend ni Shai---

Ako: Sinong bestfriend?

Di ako assuming pero kinakabahan ako sa isasagot nya.

Jeremy: Si Yessa Mari Martinez. Oo. Ikaw. Ikaw, Yessa.





Paano ba 'to? Anong isasagot ko?

Jeremy: Yessa?

Ako: Yes?

Jeremy: Ano na?

Ako: Ha? Kailangan ko pa bang sagutin yun?

Jeremy: Basta ha. Maghihintay ako. :) Mag e-effort ako. Sana may chance ako.

E-eih? Ano ba naman to? -_-

Rain, Rain.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon