Matapos yung "Panghaharana" ni Ren, hindi na kami nagkausap pa. Siguro ilang linggo na din ang nakalipas. Di ko nga alam kung bakit e. Wala naman akong nagawang masama. Pag naman chinachat ko siya, siniseen lang ako. Pag naman sa room, bihira lang kami mag-usap. Kasi kung di siya busy sa paglalaro ng Minecraft, lagi naman siyang nandun sa tumpok ng mga lalaki naming classmates. Tapos minsan, sila ni Shaira ang magkasama. Sinubukan kong lumapit pero pag lalapit na'ko, aalis naman si Ren at sasabihing magc-cr siya o kaya naman may bibilhin siya sa baba.
In short, iniiwasan niya ako.
Pero masyado ba akong assuming? Baka naman talagang ayaw niya nakong kasama.
Uulitin ko, ano bang nagawa kong mali?
Papunta akong library para makapag isip-isip. Sa totoo lang,
pinag-isipan ko rin kung bibigyan ko ba ng chance si Jeremy. Pero kung iisipin, siya yung taong dapat bigyan ng chance.Sana hindi ako magsisisi sa desisyon ko.
"Ye, ang ganda pala ni Shaira no? Tapos ang talino pa. Tapos ng bait. Tapos masaya kausap."
Hindi ko napansing katabi ko na pala si Ren.
Namiss ko siya.
Sobra.
"Amm...gusto mo ba sya, Ren?" Tanong ko sa kanya na ikinamula ng mukha nya.
B-bakit?
"Uhm. Oo e.....
Pero syempre joke lang yan. Baka totohanin mo ha! Ahahahaha. Wala akong gusto dun noh."Nakahinga ako ng maluwag dun.
"Kasi ikaw ang gusto ko, Ye."
Napalingon ako sa kanya. Titig na titig ako sa mga mapupungay na mata nya. Nagwawala na ata ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Higit pa sa saya ang nadarama ko sa saglit na ito.
Ito na. Ipagtatapat ko na.
Na mahal na mahal ko siya.
"Re-"
"Pero syempre joke lang yun! Baka totohanin mo ha! Ahahahahaha Ye, yung reaction mo talaga. Benta!" May pahawak hawak pa siya sa tiyan nya.
So joke lang talaga? Ganun pala yun. Biro lang pala.
Umalis na'ko sa library bago pa nya 'ko makitang umiiyak at bago pa kami mapagalitan ng librarian dahil sa ingay nya katatawa sa pagbibiro sa nararamdaman ko.
Pagkadating ko sa bahay, nagbukas agad ako ng fb. At as usual, may nagpop na message agad.
Jeremy: Mahal mo talaga siya no?
Ako: Ha?
Jeremy: Wag ka nang tumanggi. Alam kong gusto mo si Ren.
Ako: May masama ba?
Ang tagal bago sya magreply.
Jeremy: Nasasaktan ako, sana aware ka. Wag mo naman akong paasahin. Sabi mo binigyan mo'ko ng chance pero bakit sya pa din? Kitang kita ko kanina sa mata mo na mahal na mahal mo pa sya. Diba nga tuwang tuwa ka nung hinaharana ka nya? Hahahahaha ang sakit. Ako yung nandito para sayo, Ye.
Ako: Sorry.
Seen 7:19 PM
Hindi ko na alam. Parang naiipit ako sa sitwasyong "Mahal ko o Mahal ako"
Si Jeremy, siya yung taong pilit akong iniintindi. Hindi man sya showy pero ramdam ko na nag aalala sya sakin.
Mahal nya 'ko.
At si Ren, hindi nya ako mahal. Sinasaktan nya 'ko sa paraang kahit sya hindi aware. Isa lang akong kaibigan para sa kanya.
Pero mahal ko siya.
Ang sakit! Pucha! Tama nga si Sic Santos na "Loving someone who doesn't love you back is like killing yourself but not actually dying."
Hanggang kailan ba ganito?
Hanggang kailan ako makakasakit ng taong pinahahalagahan ako at hanggang kailan ako aasa?
BINABASA MO ANG
Rain, Rain.....
RandomRain, rain, go away. Please........ come again another day. Little did I know, my heart wants you to stay. Rain, rain....please don't go away.