7th

3 0 0
                                    


Gusto ko siyang makausap.

Gusto kong linawin ang lahat.

Gusto kong ipagtapat ang nararamdaman ko kay Ren.

Alam kong maaga pa pero hindi ko na kaya pang itago 'to.

Ito na.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kinauupuan ni Ren.

"Ren, pwede ba kitang makausap?"

Please. Wag mo'kong tanggihan.

Gaya ko ay humugot din siya ng hingang malalim bago ako lingunin.

Ang mga mata niya...

Miss na miss ko na titigan ang mga matang 'yon.

"Hmm... sige. Dun tayo sa labas." Nauna siyang tumayo.

Kinakabahan ako.

"Ano ba yun?" Tanong nya habang pinapanood sa quadrangle ang mga estudyanteng naglalaro ng volleyball.

Sana lang, nasakin yung atensyon nya.

"R-ren, may problema ba tayo? Alam kong nakakatawa yung tanong ko pero bakit ganito? Iniiwasan mo ba ako?"
Naluluha na'ko. Wala akong pakialam kung may makakita man samin.

"........."

"Ren ano ba!? Sagutin mo naman ako! Ang hirap nang walang alam, nagmumuka na'kong tanga!"

"Bakit ba? Ano bang kailangan kong ipaliwanag sayo? Girlfriend ba kita? Ha? Kaibigan lang kita, Yessa! Kaibigan lang." Sigaw niya.

Sa totoo lang hindi naman masakit yung masigawan e. Ang masakit e yung pinamuka nya saking isa lang akong kaibigan para sa kanya.

Ilang beses ko na nadinig ang mga katagang 'Girlfriend ba kita? Kaibigan lang kita' pero iba pala talaga yung pakiramdam. Ilang beses na'kong nakapanood ng mga ganung movies pero masakit pala talaga.

"Mahal kita Ren! Manhid ka ba o sadyang ayaw mo na sakin? Ganun ba talagang nakakasawa ako kaya wala na yung dating tayo?" 'Di ko na kayang pigilan ang luha ko. Pati ang nararamdaman ko.

"Iniwasan kita kasi nandyan naman si Jeremy. Mas deserve mo siya, Ye. Alam kong nagseselos siya sakin dahil obvious naman. Iniwasan kita kasi baka isipin nyang gusto kita. Pero...hindi talaga kita gusto bilang babaeng makakasama ko sa araw-araw. Gusto lang kita bilang kaibigan. Ginawa ko yun para malinaw ang lahat kay Jeremy. Pero Ye, wala talaga. I don't feel anything for you except you, being my friend."

Ayokong magsalita.

Kasi sigurado akong puro kasinungalingan lang ang kaya kong sabihin.

"At...kami na ni Shaira."

Ano ba naman 'to?

"Siya yung taong gusto kong patawanin araw-araw. Siya yung taong gusto kong mahawakan ang kamay pala-"

"Sakin? Ayaw mo ba? Haha. Okay lang. Stay strong sa inyo. More anniversaries, monthsaries, weeksaries, daysaries, minutesaries, secondsaries, milisecondsaries to come! Ang saya! Hooo! Saya. Saya-saya talaga. Ngayon, makakarelate na din ako dun sa mga NNN. Nagmahal, Nasaktan, Nagmove-on. Pero di ko sure yung dulo ha! Hahahahaha! Sige na. Byebye. Salamat, Ren. Salamat sa payong."

Nagmadali akong bumaba papuntang cr.

Kawawang cr. CR na saka lang pupuntahan pag kailangan, pag malungkot, pag iiyak. Parang ako.


Rain, Rain.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon