CHAPTER #2

10.2K 327 12
                                    


So pwede na ba akong huminga?

Lumigon ako sa pinanggalingan ko, ayon... Mejo malayo na din ang distansya ko.

Gosh! Ikakamatay ko to...

Hindi naman sa bastos ako pero hindi ko lang talaga alam kung anong pwedeng mangyari sakaling inabot ko ang kamay nya...

Hindi ako prepared.

Mbilis akong pumasok sa pinakamalapit na washroom para makapagpalit.

Pagkapasok ko sa isang cubicle ay napasandal ako saglit. Pilit kong kinakalma ang sarili.

Napaka weird talaga ng nararamdaman ko. Ni hindi nga ako nagkakaganon sa isang lalaki.

Yakap yakap ko pa din ang damit na binigay nya. Ang bango... Halatang nilagyan nya ito ng pabango bago itago sa kanyang sasakyan...

Hay, ano ba tong nangyayari sakin...

Pagkatapos kong magbihis, saglit akong naghilamos dahil pakiramdam ko ay umuusok ang pisngi ko.

"Wala yan Rhian, its just another weird day... Di mo naman sya kilala kaya ok lang yan."


Glaiza...

Naalala ko, Glaiza daw ang pangalan nya...


Biglang nag ring ang School bell, next subject na namin kaya dali dali akong pumunta sa pagkaklasehan namin.

.

.


.


.

Glaiza's POV

Michael meet me in the canteen kaya di nako nahirapan tuntunin ang cashier's office nila.

After then, umalis na din ako dahil may duty pako sa Alabang by 6pm. Last duty ko na kasi ngayon dahil bukas, sa QC na ang bago kong assignment.

Bigla ko nanamang naalala yung babae kanina.

"Ok lang kaya sya?"

Palinga linga ako habang naglalakad, well, baka sakaling makita ko uli sya.


Pero andito nako uli sa parking lot, there's no sign of her.

Napabuntong hininga na lang ako. Kung bakit ba kasi un ang naiisip ko.

"Technically, nag aalala lang ako sa kanya... That's all." bigla akong nakipagtalo sa isip ko.

.


.


.

.

Sa bahay ni Rhian.

After ng klase ko, umuwi ako agad. Kailangan ko kasi magpaalam kay Dada. And I need to inform Patty ASAP para hindi sila mag antay at makapaghanap agad sila ng ka team in case hindi ako makasali.

In fairness naman sa damit ni Glaiza, sukat na sukat sakin. It's made up of cotton pero bat parang iba ang touch nito sa balat ko.

I have tons and dozens of cotton clothes pero pakiramdam ko iba ang lambot ng damit na to.

"Nasuot nya na kaya ito?" Bulong ko.

Ay malamang, damit nya nga diba? Singit ng utak ko.

Hay. Oo nga naman.

"Oh iha, ang aga mo ata umuwi? Tapos na ba klase mo? Bat di ka na naka uniform?" Salubong na tanong sakin ni Mama pagkapasok ko ng bahay

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon