CHAPTER #46

6.7K 323 19
                                    

"hindi naman po ako masamang tao kung yun ang iniisip nyo. Sadyang naipit lang ako sa sitwasyon at baon sa utang na loob kaya nagagawa ko ang mga bagay na hindi maganda" tila nanginginig ang boses ni Johnny habang kausap ang mga imbestigador.

"Isa si Gabriel sa may malaking ambag sa buhay ko. Kung anong buhay ang tinatamasa ko at ng pamilya ko ay dahil yun sa kanya." Pagpapatuloy nito habang naglilikot ang mga kamay

Matiim na nakikinig ang mga otoridad sa lalaki

"Bakit, ano ba ang nagawa ni Gabriel sa buhay mo at nagagawa mong pumatay sa isang salita lang nya?" Curious na  tanong ng isang lalaki

"Alam natin kung anong papel ng mga Tanchingco sa society mula noon. Isa sa bigating pangalan sa larangan ng kalakalan... ako, isang probinsyanong nakaluwas lamang ng maynila at nakapag aral sa magandang paaralan ng dahil sa scholarship. Pero nung nagkasakit at namatay ang tatay ko, wala ako nun sa amin, di ko sya nakita kaya dinamdam ko ang lahat ng nangyari. Nagkaproblema ako sa pag aaral dahil hindi ako makapag concentrate ng maayos hanggang sa may mga nabagsak akong subject at unacceptable na iyon para magpatuloy ang scholarship ko. Mas lalo akong nadepress dahil ano na ang mangyayari sakin? Hanggang sa nakilala ko si Gabriel na syang muntik nang makasagasa sakin noon. Naging hulog sya ng langit  para sakin dahil nung nalaman nya ang problema ko hindi sya nagdalawang isip na tulungan ako... inilapit nya sa ama nya ang pangangailangan ko hanggang sa naging matalik kaming magkaibigan. Marami syang naitulong sakin lalo na sa financial aspect, sila nang ama nya. Kaya hindi ko magawang tumanggi sa kanya dahil kalahati ng meron ako, sya ang dahilan." Pagkukwento ni Johnny

"Pero tama si Glaiza, hinayaan kong maging anino ni Gabriel at kung totoo akong kaibigan dapat ko ssyang tulungan magbago at ibalik sa tamang daan"

"Paano kami makakasigurong sa amin ka papanig?" May pagdududa ang isang pulis

"Hindi ko kayo pipilitin, kung maniwala man kayo sakin o hindi, walang problema... ang hiling ko lang, wag ninyong sasaktan si Gabriel, hayaan nyon sumuko sya nang matiwasay at handa kaming tumulong sa inyo"

Sa tono ng pananalita at mga mata ni Johnny ay bakas ang pagiging totoo nito sa sinabi kaya tila pumasa din ito sa mga otoridad

"So, saan nagtatago si Gabriel? Saan sya pwedeng matagpuan?" Tanong ng isang lalaki

"Sa Laguna lang. May kakabili lang syang bahay doon at walang nakakaalam nun sa kanyang pamilya maging ang asawa nya. Kami lamang"

"Handa ka bang sumama sa amin kapag pinuntahan namin sya?"

"Oo Sir."

"Mabuti kung ganon... kung maaari, bukas na bukas ay maaaresto na si Gabriel. Wag kang mag alala, hiniling din iyon ng pamilya nya basta ba't wag lang syang mag matigas, magiging matiwasay ang lahat." Ani ng isang nakakataas na  opisyal.

.

.

.

.

Kinabukasan

Nagising ang diwa ni Rhian nang makaramdam sya nang bigat sa kanyang mga braso.

Dahan dahan nitong iminulaat ang mga mata at gumuhit ang munting ngiti sa mga labi nito.

Ang mala anghel na mukha nang kanyang pinakamamahal ang unang bumungad sa kanya.

Parehong walang saplot ang mga ito at tangin kumot lang ang nakatakip sa kanilang kabuuan.

Gustuhin man nyang bawiin ang mga bisig na kinadadaantayan ng ulo ni Glaiza dahil nangangawit na sya, hindi naman nya magawang disturbohin ang tulog ng kasintahan.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon