RHIAN'S POV
"Pinatawag nyo daw po ako Dada...?"
"Maupo ka."
My Dada has an attitude na kapag seryoso sya, you should be serious too... At sa mukha nya ngayon, alam kong may intensity sa usapang ito.
"Saglit ka munang susunod sa mga bilin ko mula ngayon..."
Napakunot noo ako dahil sa sinabi nya... Kelan pa ba ako sumuway?
"Dalawang beses na akong nakakatanggap ng threat. Walang lead pero alam kung isa lang yun sa mga katunggali ko sa negosyo. Kaya naisipan kong bigyan kayo ni Gab ng protection... I hire you a bodyguard..."
"Dada! I can handle my self... Don't worry... Saka para saan pa yung trainings na pinagawa mo sakin noon? Self defense, firing... Hindi na kailangan... I prefer having a gun than a bodyguard..."
"Rhian, para din sayo ito. Wag nang matigas ang ulo. Pansamantala lang ito, hanggang matukoy na kung sinong umaahas sa akin."
"But Dada..."
Rereklamo pa sana ako pero bigla nyang itinaas ang kamay at nag gesture ng STOP. Ibig sabihin, wala nang magbabago sa desisyon nya.
Tumahimik na lang ako kahit labag sa loob ko...
I cant imagine going somewhere na may sumusunod sunod sakin na parang aso. Kaya ko naman ang sarili ko e...
Pinindot nito ang intercom...
"Papasukin mo sya." Mando ni Dada.
Gusto kong bumusangot pero alam kong wala pa din akong magagawa...
Habang naghihintay kami sa asungot kong bodyguard to be, itinuon ko na lang ang pansin ko sa cellphone.
Anyway, kanina pako nagtetext kay Glaiza, hindi man lang nagreply...
Kinaganda nya yun?! Hmp. Ano na kaya ginagawa nun???
Saglit pa ay may sunod sunod na katok sa pintuan.
"Pasok!" Sabi ni Dada.
Busy pa din ako sa cellphone ko and I dont even bother na lingunin kung sino ang pumasok. Ngayon pa lang, naiinis na ako sa kung sino mang Ponsyo Pilato ang kinuhang bodyguard ni Dada.
"Magandang Umaga po Sir... Maam"
Boses ng Babae? Parang pamilyar...
Umangat ako ng tingin. At halos lumuwa ang mata ko sa nakita...
"G-Glaiza???"
Nakangiti lang ito saka nag bow...
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Dada
"Yes Dada... I met her few weeks ago... Sa school..." I explained
"Oh I see. So that's good... Anyway, Maiwan ko na kayo at may meeting pako... Glaiza, ikaw na ang bahala sa anak ko... Ingatan mo to, kung hindi..."
"Dada..." Sayaw ko dito bago kung ano pa ang masabi nya. Mananakot pa e.
Pero paglingon ko kay Glaiza, nakangiti lang ito at para bang di tumalab ang style ni Dada...
"Osya, aalis nako.." Paalam nito kaya tumayo na din ako ay nagkiss sa Dada.
...
BINABASA MO ANG
HEARTS & BULLETS (COMPLETED)
Fiksi PenggemarSa mundo na ang pag ibig ay walang kinikilalang batas, posible bang mag tagpo ang dalawang taong may kanya kanyang prinsipyo sa buhay, may pagkaiba ang pananaw at salungat ang pinaniniwalaan? Posible kayang mapasok ng isat isa ang kani-kanilang mg...