CHAPTER #15

6.6K 284 17
                                    

(Narration)

They shared an orange chicken for dinner na pinamunuan ni Rhian ang pagluto...

"Grabe talaga bestie... Wala ka pa ring pinagbago pagdating sa pagluluto...the best!" Compliment ni Bianca sa kaibigan.

Matagal tagal na din kasing hindi nagkikita ang mga ito dahil busy sa kani-kanilang buhay at career. They plan this outing dahil na din sa post celebration ni Rhian sa graduation nya at ang pag uwi ni Bianca galing US.

"Alam mo Rhi, pwede ka na talaga mag asawa... Sigurado, magiging obese ang asawa mo pag nagkataon" natatawang biro ni Felix

"Paano yan mag aasawa e wala ngang boyfriend, at hindi pa nagkakaboyfriend... Ang boring ng life nyan" dagdag pa ni Lovi

"Sabagay... Pero bakit nga kasi bestie? Ano pa bang hinihintay mo? Magkaugat ka?"

Saka nagtawanan ang magkakaibigan habang si Glaiza ay tahimik lang na nakikinig.

"Hindi naman sa ganon guys... Wala pa siguro sa isip ko ang ganong bagay... Saka masaya naman ako at ineenjoy ang buhay kahit single... Not a big deal at all" confident na sagot ni Rhian habang busy kakalagay ng pagkain sa plato ni Glaiza

"Enough na Rhi, baka hindi ko na maubos yan... Ang dami" -Glaiza

"Kaya mo yan, anu ka ba... Wag kang mahiya kasi mga walang hiya yang mga kasama natin..." Bulong ni Rhian sa katabi

Simple natawa nman ang dalawa.

"Ay, baka balak nyo kaming isali jan sa usapan nyo ng makatawa din kami noh?" Basag ni Bianca sa kanila

"Ha,.. Ano, may nabanggit lang ako, ito kasi tumawa agad... Ambabaw ng kaligayahan" alibi ni Rhian

"Pero Rhi, wala pa din ba talaga?" -Lovi

"Alin?"

"Wala pa din bang nagpapatibok jan sa puso mong pihikan?"

Napa rolled eye si Rhian sa kakulitan ng mga kaibigan nya...


"Teka, bat akong pinag pipyestahan nyo? E itong si Felix single din , bat di nyo tanungin... Baka mamaya bakla pla to..."

"Grabe ka sakin ha! Pag lalaki ang single bakla agad? Bakit ikaw, di nga kita pinagbintangang tomboy kahit NBSB ka... Chill lang ako ngayon kasi im waiting for the right girl talaga... Yung tipong pang THE ONE... Pero parang nasagot na ang dasal ko..." Makahulugang sagot ni Felix at pasimpleng sumulyap kay Glaiza na busy sa pagkain


"E ikaw Glaiza? Do you have a boyfriend?" Tanong ni Lovi na tila ikinagulat nman nito ng marinig ang pangalan.

Kakasubo nya lang kaya puno ang bibig nya ng magtanong ang babae, saglit itong natigilan pagkatapos ay mabilis na ngumuya at uminom ng tubig...

"She's single too"

Pero bago pa man makasagot si Glaiza ay nauna nang sumagot si Rhian

"Talaga?! Di nga? Sa ganda mong yan,.. Whe?!" React agad ni Felix

"Grabe maka react ha!" -Rhian

"Totoo yun. Im single." Tipid na sagot ni Glaiza

Napangiting aso si Felix sa narinig kaya hindi iyon nakalampas sa paningit ni Rhian.

Nakaramdam ito ng inis at pagkabadtrip. Sa tagal nilang magkakaibigan kilalang kilala na nya ang mga reactions and gestures nito. At sa tingin nya, mula kaninang una itong nakita ng lalaki ay mag gusto ito sa lihim nyang tinatangi.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon