Zahara's P.O.V
Kanina pa kami nag-uusap ng kung ano-ano ni Jake matapos yung nakakalokong away namin ni Felix sa chat...
At kanina pa nakatingin ng matalim si Felix sa amin, kung nakamamatay lang yung tingin matagal na talaga kaming nakahandusay ni Jake sa sahig..
Naputol ang pag-uusap namin ni Jake nang biglang may humila sa akin patayo at kinaladkad ako palabas patungong parking lot..
Ipinasok niya ako sa kotse niya at sinuotan niya ako ng seatbelt.. Ano bang problema ng lalaking to?
"Ano ba Felix?!"
Tinignan niya labg ako ng matalim kaya di na ako nagsalita pa ulit
Pumasok narin siya ng kotse at nag-umpisa nang magdrive patungo sa kung saan man niya gusto..
"Kayo na ba?" Nanliit ang mata ko sa sinabi niya.. What does he mean by kayo na ba? I just gave him my puzzled face kaya naman mas lalo siyang nagalit..
"I SAID KAYO NA BA?!"
"BAKIT KA BA SUMISIGAW GAGO KA?"
Inihinto niya ang kotse at ipinarada sa gilid ng kalsada.. Pumikit siya ng mariin atsaka huminga ng malalim..
"Kayo na ba ng Jake na yon?" Muntik na akong mabilaokan ng sarili kong laway sa sinabi niya.. Yan lang pala ang ibig niyang sabihin?
"Ano naman sayo kung kami nga?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya napalunok ako...
"Ayoko sa kanya"
"Lahat naman ata ng manliligaw ko ayaw mo sa kanila"
"Tss" inirapan niya lang ako
Weird talaga si Felix,
Mabiro siya sobra pero pagdating sa akin napakaseryoso at ang over protective niya.. Ewan ko nga sa kanya..
"Iuwi mo na nga lang ako tss" inirapan ko din siya noh anong akala niya siya lang marunong?
Pagkarating ko sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ko, di na nga ako nagpaalam kay Felix, di kasi kami bati hmp..
Bakit kaya lahat nalang ng manliligaw ko di siya sang-ayon?
Baliw kasi siya tss..